Tinitigan ko lang sya dahil wala na akong masabi, bahala sya dyan. Pero bigla nalang nyang kinuha ang kamay ko at hinila ako papunta sa dance floor.
“What are we doing here? Ambrose?”, tanong ko sakanya.
“We are here to eat….of course to dance”, natatawang saad nito at pinitik pa ang noo ko. Well oo nga naman medyo ang tanga lang ng tanong ko. Para naman matapos na kagad ito hinila ko na sya papalapit sa akin at inilagay na ang kamay sa balikat nya at dahil sa ginawa ko napatuod sya sa kinatatayuan nya at unti unti ring inilagay na ang kamay nya sa bewang ko.
“I didn’t know that you have a wild side, princess”, sabi nito sa akin habang naka ngisi.
“and I didn’t know that you are noisy, prince”, nginishan ko din sya. Natawa naman ito ng mahina at sana huling tawa na din nya. Masama ba ako? Well pag nag padala ako sa mga ngiti at landi nito ay siguradong mamamatay ako.
“Do you know that I hate you?”, out of the blue nyang tanong, biglang sumeryoso ang muka nito and yes I know that you hate me to the core.
“I do”, nagulat naman ito sa sagot ko, hindi nya siguro inaasahan na alam kong galit sya sa akin dahil sa mga pinapakita nyang “kabutihan” kuno.
“I wanted to kill you”, hinaplos naman nito ang muka ko at nginitian ako ng mala demonyong ngiti. Nilapit nito ang kanyang muka sa tenga ako at bumulong.
“Joke”, lumuwag naman ang aking pag hinga na kala mo nabunutan na ng tinik dahil sa sinabi nya. Tumawa naman ito ng tumawa na hanggang sa mapa tingin na ang mga tao sa amin. Pinapahiya ba ako nito?
Sige tawa pa tingnan nalang natin kung makaka tawa kapa sa gagawin ko. Humikbi ako at inipon ang mga luha sa aking mata, nanginginig na ngayon ang aking baba dahil sa ginagawa ko. Napa tingin naman ito sa akin at biglang nanlaki ang mata. Dahil sa ginawa ko ay naka rinig ako ng mga bulungan.
“Kalalaking tao, jusmiyo, paiyakin banaman ang isang magandang babae”
“kung ako yan dikita gaganyanin”
BINABASA MO ANG
Villainess is Me
FantasyStacey is the perfect daughter of Mr.&Mrs. Valenciano. But what if one day she woke up with a different body? Possessing the body of Delancy Black , the villain of the book that her best friend wrote. Tagalog/English On-going