"May flight ka?" Tanong ng pinsan ko.
Umiling ako. "Hindi. Pupunta ako sa art gallery." Sagot ko habang sinisipat ang mukha ko.
May bagong bukas kaming art gallery. Mom and Dad appointed me to hold that. I need to be there to tour them and introduce the art gallery. Also, may bagong artist na maglalagay ng art niya sa gallery namin. Ngayon ko pa lang siya makikita, so kailangan ko talaga pumunta roon.
Dumaan muna ako sa malapit na coffee shop para bumili ng almusal. Naalala kong hindi pa pala ako nag-aalmusal, kaya pala tumutunog na itong tiyan ko.
Pagkapasok ko medyo marami ang tao pati sa counter. Pumila na lang rin ako dahil hindi naman ako gaanong nagmamadali. Nang makarating sa harapan, um-order lang ako ng vanilla cake at hot chocolate. Nang makuha ko ang order ko, nagbayad ako bago naglakad palabas. Pakarating ko sa sasakyan, sumakay kaagad ako at nagdrive papunta sa art gallery. Doon na lang ako kakain.
Hindi naman traffic kaya nakarating kaagad ako. Naabutan ko sila na abalang inaayos ang paligid. Nagdi-display na rin sila ng mga paintings. Binati pa nila ako kaya tinanguan ko sila bago naglakad paakyat sa second floor para pumunta sa office ng gallery. Doon ako kakain. Mamaya pa naman ang simula kaya may oras pa ako para kumain.
Pagkapasok ko sa loob, nailibot ko kaagad ang paningin ko sa kabuuan ng opisina. The design gives an art vibes. May mga paintings at mga vintage displays. The walls are in combination of blue and pink color. Sa may background ng office table and swivel chair may naka-paint na puno na may kaunting dahon lang.
Ang ganda!
Dumiretso ako sa office table para doon kumain, nilapag ko kaagad ang pagkain na binili ko. Nag-check rin ako ng emails habang kumakain pati na ng social media accounts ko. Wala naman akong nakitang post na nakakaakit kaya binaba ko na rin at nag-focus na lang sa pagkain ko.
Nang matapos, nag-ayos ako saglit ng sarili bago lumabas ng opisina at bumaba. Naabutan ko sila na malapit nang matapos sa pag-aayos.
Maya-maya, nilapitan na ako ng isang staff para sabihing pwede na kaming magsimula pero wala pa raw 'yung bagong artist. Ang sabi ko naman, ayos lang kung mamaya na siya. Baka na-late lang. Nandito na rin naman ang mga paintings niya.
Sinimulan ko nang ipakilala sa kanila ang art gallery na ito habang naglalakad kami. Pati ang mga paintings pinapakilala ko rin sa kanila. Para akong naging tour guide!
Pumunta naman kami sa kabilang parte para ipakita rin sa kanila ang iba pang paintings. I was busy introducing a painting when I caught a small name written at the end. A familiar name.
The painting was like a winter view with a two person holding each other's hand, like they are dancing wearing their winter outfit. May puno rin iyon na may kaunting dahon. Parang katulad ng painting na nasa opisina. Ang kaibahan lang, may tao ito, 'yong nasa taas wala. Bumalik ang mga mata ko sa pangalan na nakasulat doon sa may dulo sa ibabang parte.
"I'm sorry, I'm late. Something just came up." Someone spoke up from behind but I didn't look back. "I am the artist who paint that art."
I felt a different shivers that flows through my body when I heard him spoke up. Gusto kong humarap pero para akong naging bato sa kinatatayuan ko. Gusto kong igalaw ang katawan ko pero ayaw! Come on, Maya! Move!
"Excuse me, miss." He said. Alam kong nasa likod ko na siya dahil sa lapit ng boses niya sa akin.
I swallowed hard and slowly turn my head to see him. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang makita siya sa harapan ko. Malapit rin siya sa akin kaya mas napagmasdan ko ng maayos ang mukha niya pero hindi ang hitsura niya ang focus ko.
"W-Why are you here?" I asked, stuttering.
"I'm the artist of that painting." He answered in an obvious tone.
I was losing hope to see him again. I was slowly accepting the fact that we aren't going back to what we used to be.
I was... accepting the fact that we will not see each other again.
Pinagmasdan ko ang mga mata niyang nakatingin rin sa akin. I wasn't seeing any care for me. I wasn't seeing any... hope for us in his eyes.
"Are we just going to stand here?"
Parang biglang nadurog ang puso ko dahil sa paraan ng tingin niya. Pakiramdam ko, gustong kumawala ng luha sa mga mata ko. Mabuti na lang napipigilan ko pa, dahil ayaw kong umiyak sa harapan ng mga tao na narito. Mas lalong... ayaw kong umiyak sa harapan niya.
Hindi pa rin ako gumalaw sa pwesto ko at nakatingin lang sa mga mata niya. Parang gusto kong sisirin ang pinakaloob nito para malaman kung iyan ba talaga ang gusto niyang sabihin sa akin.
I was like... being desperate again.
Pero kahit anong tingin ko sa mga mata niya, hindi ko makita ang pakialam niya sa akin. Mayroon pa nga ba? o wala na talaga... ako lang ang nag-iisip na meron pa.
He wasn't the man... that I knew.
"Excuse me, Miss Ruiz. The people are all waiting. Are you really going to stand there and block my way?"
Maybe... I was just... the only one who is hoping for us
And he is not.
BINABASA MO ANG
Scenery of the Adventure (Rich Daughters Series #3)
RomanceRich Daughters Series #3 Elijah Zapanta is an introverted person. He doesn't want any strangers to bother him, especially when he is working with his arts. Maya was a lively, stubborn, and a mischievous woman who likes to interfere especially when s...