"Sakit ulo mo?"
Hindi ko mapigilang matawa habang nakatingin ako kay Elijah. Kumakain na kami ngayon dahil nagutom kami pagkatapos mag-try ng mga water activities sa dagat. Itong kasama ko parang wala sa mood mula kaninang paggising namin. Paano ba naman, may hangover!
"Hangover." He sighed.
"Inom pa! Kulit mo kagabi." Tumawa ako ng malakas bago tumuon sa pagkain ko.
"Mas makulit ka pag lasing." Buwelta naman niya.
Mabilis ko tuloy inangat ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin. Naabutan ko siyang humihigop ng kape niya at parang walang pakialam sa sinabi niya. Hindi ko na siya pinansin at kumain na lang.
Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa suite namin. Magbibihis lang kami saglit. Babalik kami doon sa dagat para sa next water activities.
"Okay ka lang ba?" Kunot ang noo ko nang tanungin ko si Elijah.
Parang wala siya sa mood. Kanina pa siya napapabuga ng hangin.
"It was my hangover, babe. Don't worry." He answered followed by a small sigh.
"Wag na kaya tayong pumunta?" Patanong kong sabi sa kanya. Bakas din sa boses ko ang pag-aalala.
He looked at me. "No, I'm alright."
Umiling ako. "Hindi ka okay! Matulog na lang tayo."
Naglakad na ako papunta sa kama namin at sumampa roon. Pinagkrus ko ang legs ko at bahagyang sumandal sa headboard ng kama bago siya tiningnan. Ngumiti ako at tinapik ang katabing pwesto ko. Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa sa akin. He was hesitating.
Napabuga siya ng hangin bago siya naglakad papunta sa dulo ng kama at gumapang mula roon gamit ang kamay niya papunta sa akin. Hinintay ko naman siya habang may ngiti sa labi.
Nawala lang ang ngiti sa labi ko nang bigla na lang nitong hawakan ang mga paa ko at kinalas ang pagkakakrus ng legs ko. Diniretso niya ang legs ko at sumubsob sa ibabaw ko. Ginawa niyang unan ang dibdib ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Mas lalo iyong bumibilis dahil nakahiga siya sa ibabaw ko. Medyo nag-aalala ako dahil baka naririnig niya ang kalabog ng puso ko.
Unti-unti rin akong napangiti at kusang iniangat ang braso ko para laruin ang buhok niya gamit ang kamay ko. I was smiling while doing it.
"That feels good." He said in his bed voice.
Nakapikit na ang mga mata niya. Mukhang nag-e-enjoy pa siyang nakahiga sa ibabaw ko.
Ako rin naman. Nag-e-enjoy!
"Bakit ayaw mo nang pumunta sa dagat para sa water activities?" He asked.
Sinilip ko pa ang mukha niya bago ako nag-isip ng sagot ko.
"You don't feel well." Simpleng sagot ko na may bahid nang pag-aalala.
Normal lang naman ang pag-aalala niya dahil may hangover siya. Pero naiintindihan ko.
"You wan't to try the other water activities. Hindi mo kailangang gawin 'to, actually. I can handle." He said while his eyes are still close.
"Yeah, I want to try those. Pero mas gusto kita, kaya dito na lang muna tayo! May iba pa namang chance."
Nagulat ako nang bigla na lang itong bumangon at sinunggaban ng halik ang labi ko. Ginamit niyang suporta sa kanyang bigat ang palad niya.
Hindi ako naka-respond sa kanyang halik dahil nagulat ako!
BINABASA MO ANG
Scenery of the Adventure (Rich Daughters Series #3)
RomanceRich Daughters Series #3 Elijah Zapanta is an introverted person. He doesn't want any strangers to bother him, especially when he is working with his arts. Maya was a lively, stubborn, and a mischievous woman who likes to interfere especially when s...