Warning: R18
"Obsessed siya sa 'yo!"
Umirap ako sa hangin pagkatapos niyang magkuwento. Simula noong nakita ko ang Hazel na iyon ay alam ko na kaagad na may gusto siya kay Elijah. I could see on her eyes the obsessed love she has for Elijah.
"We're done. Hindi na kami nagkita simula noon." He said.
"As in?"
He nodded his head. "Yeah. I told her that I don't want to see her anymore. I heard that she left Philippines."
Parang gusto kong maawa kay Hazel kahit siya ang dahilan kung bakit kami nasira ni Elijah. Hindi ko siya kayang sisihin ng buo dahil nagmahal lang naman siya. She became victim of her own heart and love for Elijah.
"Kumusta na kaya siya?" Natanong ko bigla habang nakatingin sa madilim na kalangitan.
Elijah sighed. "Well, I don't really know because she isn't connected with us anymore."
Napatango na lang ako sa naging sagot niya. I just hope na sana okay si Hazel kung saan man siya naroon. It's true that she ruined us, but I am not that evil to wish her a bad karma.
Nagpaalam si Elijah na kukuha ng tent doon sa baba. Hindi ko nga alam kung paano niya naisip na mag-camping kami rito sa mini garden. Well, I could I agree naman kasi maganda naman dito.
Pagbalik niya, may dala na siyang white tent. Isa lang iyon kay nagtaka ako. Does it mean, magkatabi kaming matutulog sa loob niyan? Well, malaki naman ang tent, pero magkasama pa rin kami sa isang tent!
"Isa lang ang tent na nakita ko sa storage na tinuro ni Zierah." Sabi niya nang mapansin ang reaksyon ko.
Napalunok ako at umiwas. Tumayo na rin ako para tulungan siyang ayusin iyon. Tahimik lang kami at tutok na tutok sa pag-a-assemble ng tent.
Noong matapos naming itayo, sa loob naman ang inayos namin. Kumuha na siya ng magiging sapin sa loob at mga unan. Iniwan muna naming bukas ang pinaka-pinto nito dahil nakatambay pa kami sa labas.
Bumaba uli siya para kumuha raw ng pagkain. Tinanong niya pa ako kung anong gusto ko. I told him to just bring snacks since I was still full from the food earlier. Hindi rin naman ako nagugutom.
Pagbalik niya, may dala na itong wine at snacks. Isang chichirya at iyong cookies kaninang umaga na siya pala ang nag-bake. Nakalagay ang mga dala niya sa basket.
"Hindi mataas ang alcohol nito."
Mabilis akong napatingin sa kanya na malaki ang mata. "Ano?"
He chuckled. "I don't want you to get drunk, baka kung ano na naman ang gawin mo like before."
"Hoy! Magkaiba naman ang noo saka ngayon, 'no." Pagtatanggol ko sa sarili ko at nilagok ang wine na sinalin niya sa wine glass ko.
"Is that so?" Parang ayaw niya pang maniwala!
"Yeah!" Singhal ko at umirap.
Tumawa lang siya kaya napasimangot ako. Naalala ko iyong unang beses na inalagaan niya akong lasing. Hindi ko pa nga alam kung ano ang nangyari noon at kung anong ginawa ko sa kanya. Ayaw naman niyang sabihin!
Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Tinanong din niya ako kung kailan ang flight ko kaya sinagot ko naman iyon. Nagtanong din ako tungkol sa clinic niya na sinagot naman niya.
"Nagkaroon ka ba ng g-girlfriend after kong mawala?" Napalunok ako nang iyon ang naging tanong ko.
Umiling siya. "No woman after you."
BINABASA MO ANG
Scenery of the Adventure (Rich Daughters Series #3)
RomanceRich Daughters Series #3 Elijah Zapanta is an introverted person. He doesn't want any strangers to bother him, especially when he is working with his arts. Maya was a lively, stubborn, and a mischievous woman who likes to interfere especially when s...