"U-Uh nauhaw ako bigla. Kuha lang ako ng tubig."
Tumayo kaagad ako sa kinauupuan ko dahil naiinitan na ako! Parang nanuyot rin ang lalamunan ko kaya kailangan ko ng tubig para basain iyon. Bakit kasi kailangan niyang sabihin iyon sa akin?! Alam kong makapal ang mukha ko, pero mahiyain din naman ako, 'no!
Hahakbang na sana ako paalis pero hinawakan nito ang kamay ko. Napatingin ako do'n bago lumipat ang mga mata ko sa kanya na nakatingin rin sa akin. "Where are you going?" Tanong niya.
"K-Kukuha ng tubig." Sagot ko.
"Meron dito. No need get some." Sabi niya at tumingin doon sa coffee table na nasa harapan namin.
Napatingin rin tuloy ako roon at nakita na meron na ngang tubig doon pati na rin juice. Mariin akong napa-pikit at napakagat sa labi ko bago inayos ang sarili ko at nilingon siya ulit. Mahina akong napatawa ng alanganin at dahan-dahang umupo.
"Nahihiya ka ba? That's not like you."
Nahimigan ko ang pang-aasar sa boses nito kaya kaagad akong tumingin sa kanya na nakaawang ang labi at namimilog ang mga mata. "Hoy! Parang sinabi mo naman na makapal ang mukha ko?" I hissed.
"Ikaw ang nagsabi niyan."
Umirap ako at humalukipkip bago ito tinalikuran. Nagtatampo ako! Pero syempre kunwari lang. Gusto ko lang tingnan kung susuyuin niya ba 'ko o kung may gagawin siya para magkabati kami. Napangisi na lang tuloy ako habang nakatalikod sa kanya dahil sa kabaliwan na naiisip ko.
Napakunot ang noo ko nang wala akong naririnig mula sa kanya. Pinakiramdaman ko pa ito pati na ang paghinga pero wala akong naririnig mula sa kanya kun'di ang katahimikan lang nito. Mukhang wala siyang balak na kumilos! Ano pa nga ba'ng aasahan ko sa kanya?
"I really missed you, Maxine."
Nanindig ang balahibo ko nang bigla na lang itong bumulong sa tainga ko. Alam kong malapit ang bibig nito sa tainga ko dahil ramdam na ramdam ko ang hininga nitong dumadampi doon. Pati na rin sa balikat ko ay naramdaman kong dumampi ang hininga nito. Para yelo na tumigas sa kinauupuan ko. Gusto kong gumalaw, pero hindi ko magawa. Kumilos ka, self! Kun'di, mamamatay ka. Dahil ang pogi ng boses niya!
Nang magkaroon ako ng lakas para gumalaw ay kaagad kong nilingon ito at naabutang nakalapit sa akin. Napasinghap pa ako at nilayo kaagad ang mukha ko dahil sobrang lapit niya sa akin. Isang maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya!
"Don't you missed me?" Nang-aakit na tanong nito.
Nadi-distract ako dahil sa paraan ng tingin nito! Nakatutok ang mga mata niya sa labi ko na para bang gusto niyang sunggaban ng halik! Kung ganoon nga ang gusto niyang gawin... bakit ang tagal naman? Charot!
Napalunok ako at mabagal na napakurap bago iniwas ang mga mata ko sa kanya para iligtas ang sarili ko. "S-Syempre na-miss din kita."
Hinawakan nito ang baba ko at iniharap sa kanya ang mukha ko. Halos kumawala na ang puso mula sa kinalalagyan nito dahil sa ginagawa niya at sa paraan ng pag tingin nito sa akin. Hindi ko alam kung may paraan pa ba para pigilin ito. Pero tingin ko, wala na. Wala nang paraan! Siguro pag hinalikan niya 'ko, titigil 'to. Char!
"Really? Then, let's have our date officially."
Para akong nabingi nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Napatunayan ko sa aking sarili na totoo ang mga sinasabi nila kapag in love ka. Tumitigil ang kapaligiran at tanging siya lang ang nakikita mo. Kahit lumabo ang buong paligid ay nakikita mo siya ng malinaw. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako, o totoo talagang sinabi niya iyon. Pero totoo e! Totoo 'to!
BINABASA MO ANG
Scenery of the Adventure (Rich Daughters Series #3)
RomanceRich Daughters Series #3 Elijah Zapanta is an introverted person. He doesn't want any strangers to bother him, especially when he is working with his arts. Maya was a lively, stubborn, and a mischievous woman who likes to interfere especially when s...