28

26 1 0
                                    



"Baby daw oh!"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan kong stool nang biglang magsalita si Asha sa tainga ko. Nang lumingon ako, nasa likuran ko na pala silang tatlo!

Mabilis kong pinatay ang cell phone ko at inilapag iyon sa countertop nang nakataob. Umalis sila sa likuran ko at bumalik sa pwesto nila pero hindi pa rin nawala ang mapang-asar nilang mga mukha.

"He wants to talk to you about your relationship. Why don't you agree?" Riley asked with a playful smile.

"Kaya nga! Masyado ka namang pabebe diyan. Eh, patay na patay ka nga ro'n dati!" Sabi naman ni Asha.

"I agree with them." Zierah said before sipping on her glass.

Kumuha ako ng alak at nagsalin sa baso ko. Deretso ko iyong nilagok at napangiwi dahil sa mapait nitong lasa.

"Hindi ko pa rin alam." Sagot ko.

"Ako, alam ko. Dapat mag-usap na kayo para matapos na. Ang tagal-tagal na, oh!" Sabi ni Asha.

"Take the risk, or lose the chance. But, there's no risk at all. Willing naman siyang makipagbalikan sa 'yo, basta mag-uusap kayo. There's no risk on him, Maya." Nakangiting sabi ni Riley.

"I misunderstood, Ken, before. I hope you wouldn't do the same thing as I did." Sambit ni Zierah.

"Agree. Ganoon din ang ginawa ko kay Keanu. Nagpadala ako sa galit at hindi siya pinakinggan." Sabi rin ni Asha.

"I don't have any kind of story." Riley let out a chuckle. Tumawa rin sila Asha sa sinabi niya kaya natawa rin ako.

Uminom pa kami ng isang bote bago kami umakyat sa mga kwarto namin at matulog. Pero hindi naman ako natulog. Tumambay ako sa maliit na balcony ng kwarto ko. Nakapatong ang braso ko sa railings at nakatingin sa tanawin na nasa harapan ko.

I was thinking about my relationship with Elijah. Siguro nga, panahon na para mag-usap kami ni Elijah tungkol sa amin. When I left him, I didn't gave him any chance to explain. Naging sarado ako dahil sa takot at sa sakit na nararamdaman ko noong panahon na iyon.

Sinubukan niya naman akong habulin at magpaliwanag sa akin, pero wala akong binigay na pagkakataon para sa kanya.

Nakita ko naman na naghirap din siya noong mga panahon na sinusubukan niyang humingi ng oras sa akin noon, pero masyado akong nilamon ng sakit at takot.

I saw how he bring his self down just to beg for my time, for him to explain. Pero kahit isang segundo, hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon.

Pinahid ko ang aking pisngi nang may luhang pumatak doon. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Naalala ko kasi iyong mga panahon na nangyari iyon sa amin.

Nasaktan pa ako dahil wala namang kami. Wala kaming label! Hindi ko siya sinagot noon. Bagay na pinagsisisihan ko kasi wala akong pinanghawakan. Wala akong karapatan sa kanya.

Pero mahal niya ako.

Hindi ko nga lang nakitang sapat iyon para magkaroon ako ng karapatan sa kanya. Nasaktan ako sa parteng iyon. Nasaktan ako kasi wala naman akong karapatan sa kanya. Pero mas masakit na nalaman kong pinagpustahan nila ako.

Kinabukasan, nag-aya silang pumunta sa grocery. Nagreklamo pa nga ako na bakit walang pagkain. Sinadya raw nilang huwag palagyan ng stock para kami na raw ang bibili. Para raw may magawa. Sabagay, tama naman.

Kotse ko na lang ang ginamit namin na pumunta roon. Malapit lang din kaya hindi aksaya sa gas.

"Pogi no'ng lalaki sa counter." Sabi ni Asha habang nangunguha kami ng snacks.

Scenery of the Adventure (Rich Daughters Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon