01

113 5 0
                                    



"May bagyo ba?"

Inis akong tumingin kay Asha nang magtanong ito. Sabay kaming kakain dito sa may gazebo ng school. Sila Riley at Zierah may klase pa yata kaya hindi namin kasama. Masiyadong seryoso ang mga iyon sa pag-aaral nila. Si Asha naman ang number one na walang pakialam sa pag-aaral niya. Pumapagitna lang ako.

"Ang dami kong ginawa! Parang ayoko nang mag-aral!" Reklamo ko sa kanya nang makaupo ako.

"Alam mo ba na sa langit walang school works? Akyat ka na." Sabi naman nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Palibhasa, wala kang pakialam sa studies mo! How to be you po ba?" Kumuha ako ng fries na nasa lamesa. Bumili na kasi siya ng pagkain namin dahil late ako.

"Lumandi ka na lang. Gawain mo naman iyon, 'di ba?" Kumakain na rin siya ng fries.

"Napaka-galing, Ashangot." Inirapan ko siya saka ako nagpatuloy sa pag-kain ng fries.

Nag-thumbs up naman siya na parang proud pa sa sinabi ko. Pagkatapos naming kumain, bumalik na ito sa klase niya. Wala pa akong klase dahil sa hourly break namin. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako pupunta. Hindi pa ako puwedeng umuwi at mag skip ng class dahil major ang susunod after ng hourly break na ito. Bagot tuloy akong lumabas sa gazebo at naglakad sa field, iniisip kung saan ako pupunta.

Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa Arts and Design building, nasa third floor na nga ako ng hindi ko namamalayan. Nagkibit-balikat na lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad sa may hallway. I looked up and saw a label on the upper part of the door. Art Room.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakarating sa isang bintana. It's a glass window that you can see what's inside. I saw a guy sitting inside. Nakaupo ito sa tapat ng malaking canvas. His left hand was holding a palette, while the other was holding a paint brush. He is painting something. Hindi ko iyon makita ng maayos dahil nakaharang siya sa view.

Nakatalikod rin siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nito. Ipinilig ko pa nang bahagya ang ulo ko, nagbabakasaling masisilayan ko ang mukha nito pero napailing rin ako dahil nagmumukha lang akong tanga. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya makikita kahit na anong anggulo ang gawin ko dito.

Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin at hinintay ko itong lumingon sa pwesto ko. Kahit hindi na sa pwesto ko, kahit gumalaw lang siya ng bahagya para makita ko ang mukha nito. I was really interested to know what he looks like! And I don't know why. Hindi ko alam kung bakit interesadong-interesado akong makita ang itsura niya.

Natuwa at na-alarma ako nang gumalaw na ito sa upuan niya. Binitawan na niya ang palette at brush, nilagay sa may lamesa na nasa tabi niya. Pagkatapos, nag-inat na ito bago tumayo. Gumilid siya ng kaunti kaya nakita ko ang side-profile nito.

Hala, ang pogi! Jackpot yata ako today ah!

Kinuha nito ang bag niya na nasa gilid at lumingon ulit doon sa may painting na ginagawa niya. Nakita ko na ng maayos iyon ngayon. It was a painting of a scenery. Yellow, green, orange, and red. Iyon ang mga kulay na makikita sa painting niya. It was a place with a mountain, green grass, trees, and a sunset. Ang ganda! Kahit hindi pa tapos, alam kong maganda.

Umayos ako sa kinatatayuan ko nang makitang naglakad na ito palapit sa pintuan. Mukhang lalabas na siya. I heard the click of the door, a sign that he goes out. Naramdaman ko na rin ang presensya niya malapit sa'kin. Nilingon ko ito at napatingin naman siya sa akin.

"Uh... h-hello!" I smiled awkwardly and even waved my hand, hoping that he will wave back at me.

Tiningnan lang niya ako ng ilang saglit bago naglakad paalis. Naiwan akong naka-tanga habang nakatingin sa kanya na naglakakad palayo sa akin. When I got back into my senses, I also walked and tried to catch him up but I couldn't! Ang haba ng biyas niya. Ang laki humakbang.

Scenery of the Adventure (Rich Daughters Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon