"Paano mo naman nasabing baby boy?"
Kanina ko pa kinukulit si Elijah tungkol doon sa sinabi niya. Nasa beach bar pa rin kami at umiinom. Ilang minuto na rin ang nakalipas simula noong pakiligin niya ako!
Bet ko 'yong linya niyang Maxine Yasha Ruiz-Zapanta. Bagay na bagay! Meant to be talaga kami!
"Bakit kailangan mo pang itanong 'yan. Maglaro na lang tayo ng Truth or drink na sinasabi mo." He tried to avoid my question.
"Ayoko! Maglalaro tayo kapag sinagot mo na ang tanong ko!" I hissed.
"Dadaanin ko sa posisyon, Maxine." He answered while looking deep in my eyes.
Grabe! Ang straightforward talaga ng isang 'to! Hindi man nagsabi ng, okay sasabihin ko na. Diretso agad eh!
Kinikilig akong ngumiti. "Grabe ka ah! May nalalaman ka nang posisyon diyan. Akala ko pa naman baby ka pa."
"Of course, I'm not. Kaya ko nang bumuo n'on kahit ilan pa ang gusto mo." Sabi niya.
Hinampas ko tuloy ang braso niya dahil kinilig ako sa sinabi niya. Hindi pa ako nakuntento! Inipit ko pa ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko.
"Baby ka pa!" Pilit ko habang parang tangang nakangiti.
"No, I'm no—"
"Baby kita!" Sabi ko at bumungisngis.
Nakita ko naman ang gulat na reaksyon nito. Halatang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
"Okay, I didn't see that coming." Sabi niya at itinulak ang likod ng pisngi gamit ang kanyang dila.
Nagsimula na rin kaming maglaro. Napag-usapan din namin na bumalik sa condo pagkatapos namin maglaro dahil lumalalim na rin ang gabi. Okay lang naman dahil hindi naman ganoon kalayo ang suite namin dito sa beach bar. Ilang hakbang lang.
Ladies first daw kaya ako ang unang magtatanong sa kanya. Nag-isip pa ako ng pang-malakasang tanong na siguradong iinom siya dahil hindi niya sasagutin. Pero ayos lang din kung sasagutin niya, basta totoo ang sagot.
"May mga naging flings ka na?" I asked while looking at him, waiting for his answer.
"Wala."
Napatango-tango ako dahil sa sagot niya. Inaasahan ko naman na iyon ang isasagot niya dahil napakasungit kasi! Kahit si Arcea, inayawan siya.
"Are you still in love with Devilla?"
"Hindi na! Tsaka anong in love? Eh, crush ko lang naman 'yon dati!" Sabi ko at natawa pa.
Hindi naman umabot sa pagmamahal ang crush ko kay Red. Admiration lang talaga. Hanggang doon lang. Never kong inimagine na magiging kami.
"I was just your crush. Matutulad ba ako sa kanya?"
"One question at a time!" Sabi ko at tinuro pa siya gamit ang hintuturo ko.
Wala naman siyang nagawa kundi manahimik. Nasa rules naman namin na one question at a time lang at turn ko ngayon kaya bawal siyang magtanong!
"Do you really love me now?" I asked.
"Yes." Mabilis niyang sagot dahilan para kumabog ang puso ko. "Answer my question earlier."
"No. As long as you want me with you and you... love me."
Pareho ko silang naging crush ni Red. Pero iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Ibang-iba sa naramdaman ko noon kay Red. Siguro dahil hindi lang talaga simpleng admiration gaya kay Red ang nararamdaman ko para sa kanya. It was different. It was a genuine love. I would love him as long as he wants me by his side and he showed me that he also loves me.
BINABASA MO ANG
Scenery of the Adventure (Rich Daughters Series #3)
RomanceRich Daughters Series #3 Elijah Zapanta is an introverted person. He doesn't want any strangers to bother him, especially when he is working with his arts. Maya was a lively, stubborn, and a mischievous woman who likes to interfere especially when s...