Epilogue

68 0 0
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW♪

Sa gubat ng Astriliana at sa labas ng portal na papunta sa mundo ng mga tao ay nandoon si Empress Veion at si Emperor Renzo Ellison at kaharap ng dalawang mag asawa ang dalawa nilang anak na si Princesa Vinxe at si Prinsipe Venzio at ang mga kaibigan ng Princesang si Vinxe.

"Sana ay hindi mo sasaktan ang aming anak." Nakangiting sabi ng Mahal na reyna sa lalaking mortal na si Yshiro. Ngumiti ang binata sabay hawak sa kamay ng babaeng mahal niya na si Princesa Vinxe habang yung mga kaibigan naman ng binata ay palihim na nagpapalitan ng mga hampas sa isa't isa dahil sa kilig habang ang isa namang nag ngangalang si Shade Lynn ay palihim na humarap sa portal at tinangkang pumasok dito ngunit bigla nalang itong tumilapon na ikinagulat ng lahat.

"Lynn! Ayos ka lang ba!?" Nag alalang tanong ni Princesang Vinxe at nagmamadaling tinulungan ang kaibigan. "Bakit mo kasi tinangkang pumasok sa portal?" Tanong ng dalaga sa kaibigan.

"Try ko lang naman baka pwede hehe." Nakangusong sagot ng dalagang si Shade Lynn sa kaibigan dahilan para magtawanan nalang sila dahilan sa kakulitan ng dalaga

"Kami'y mamamaalam na sapagkat mayroon pa kaming gagawin sa Astrilliana." Nakangiting sabi ng Reyna at nagpaalam na sakanyang dalagang anak bago tuluyang pumasok sa portal.

"Ingatan mo ang aking bunsong kapatid." Huling sabi ng Prinsipeng si Venzio bago tuluyang pumasok sa portal.

"Okay lovers! Ano na balak natin niyan!?" Pabirong tanong ng binatang si Lexus sa kaibigan ni Yshiro.

"Pwede bang pumunta muna kami saglit ni Hiro sa bundok kung saan tayo huling nag hiking?" Tugon naman ng Princesa at tumango naman ang mga kaibigan nito at isa isa ng nag paalam sakanila.

"Punta lang kami ni Mau sa bandang maraming mga flowers."
Paalam naman ng binatang si Luke sabay hinila ang kamay ng dalagang si Maureen.

"Alis na din muna kami ni Van. May nakita kasi kaming magandang parte sa gubat nato eh. Tara Van!"
Tugon naman ng binatang si Lexus sabay hila ng kamay ng dalagang si Savannah. Naiilang namang napatingin ang magkasintahang si Vinxe at Hiro sa isa nilang kaibigan na si Shade Lynn na ngayon ay mag isa nalang naiwan.

"Wow couple goals!?"Sarkastiko at hindi makapaniwalang wika ni Shade Lynn at nakasimangot na naglakad paalis.

"Lynn saan ka pupunta!?" Pasigaw na tanong ng Princesa sa kaibigan nitong nakasimangot.

"MAGDEDATE KAMI NG SARILI KO!" Sigaw naman ng dalaga. "Ang sasama niyo! Nang iwan! Porke ako lang single! ANG SAKIT NIYO SA EYES!" Pagpaparinig ng dalaga.

Napailing iling nalang ang dalawa dahil sa inasta ng kaibigan at nakangiti ng naglakad papunta sa bundok na pinuntahan nila dati. Ilang minuto din ang nakalipas ay nakarating na ang dalawa at humiga sa isang malawak na damuhan habang tumitingin sa kalangitan na puno ng mga bituin.

"Namiss kita." Wika ng binatang si Yshiro sa kasintahan nitong nakahiga sa mga braso nito habang nakatingin sa kalangitan.

"Ano ka ba! Parati naman tayong magkasama noong nakaraang linggo!" Natatawang sabi ng dalaga.

"Hindi yun! Ang ibig kong sabihin noong mga panahong umalis ka."
Pagklaklaro ng binata dahilan para mapangiti nalang ang dalaga ngunit nalungkot din ng mayroong maalala.

"Hmm.. marami ding nanyari noon." Sabi ng dalaga habang may bahid ng lungkot ang mga mata nito.

"Naalala mo na naman si Aileen?"
Tanong ni Yshiro sa kasintahan nito.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon