Moving Up part 2

7 0 0
                                    

(MICKIEL's POV)

"PRE! Double kill" sigaw ko na may sabay pang pagsipa sa upuan.

Nakikipaglaro ako ng ML kasama ang mga tropa ko. Rank game 'to kaya hindi pupwedeng matalo kung maari kasi kung matalo? panigurado balik legend kami nito. Grind lang nang grind hanggat puwede.

"Top boi! Push lang muna, huwag muna magpakamatay" sabi naman ng kasamahan kong si Timothy. Siya ang core namin at ngayon ay nag fafarm siya, he's trying to get all the buff especially the red buff before getting the turtle so that he can get the exp, gold as well as temporary shield.

While we are here trying to defend the turret and waiting for his command if we'll go to him to help get the turtle before the enemy comes.

Yu Zhong is what I picked, kontra ko ay Uranus dito sa top lane. Pareho kaming nag susustain ng life kaya parehong maganda 'tong hero namin, nakadepende na lang talaga sa Diskarte.

Mas nagfocus ako kasi ayokong magpatalo dito. I tried so hard to kill my enemy while protecting our turret.

"Mga par! Turtle muna" Sagot ni core- Timothy. Kaya I make sure first that I clear my lane, which is by killing the minions at dumiretso sa turtle.

To make sure that our core won't be killed, I checked all the bushes because there might be an enemy waiting to get the turtle first, the enemy who has retribution could get our turtle before our core does.

Almost 30 minutes passed and WE DEFEATED THE ENEMY.

"Nice game" Sabi ko.

Tumango naman sila Timothy na core namin. Mark para sa marksman, Jenna para sa mage, Eris ang tank namin.

We are consist of five members, all of us are childhood friends. Three boys and two girls.

We cheered until Jenna brought the topic. "Plano niyo sa moving up ceremony?"

"Sabay sabay na lang tayo pumunta do'n" Eris suggested.

Ako? Hindi ko alam. I don't have even plan to attend but my tita, I know she'll surely make me attend the moving up ceremony because she's a teacher in our school.

"Ewan, basta graduate" sagot ko. The boys agreed

"Importante walang tinatapakang tao p're!" Saad ni Timo habang iniinom ang coke na hindi niya pa naubos kanina.

"Malamang mukha pa ngang ikaw ang tinapakan" sagot naman ni Mark habang hinahampas si Timothy at tumawa pa talaga ng malakas na parang demonyo.

Mukhang pinagbagsakan ng kamote si Tim galing sa langit. Sumasabay sa hampas ni Mark na nakasimangot at hindi man lang natawa habang kaming apat ay tawang tawa lalo na sa reaksyon niya na pinapakita.

Nag-uumpisa ng mapikon si Tim kaya nag aact na siya na para bang susuntukin niya si Mark.

"Op! Stop na. Ikaw naman kasi Mark, masyado mong pinepersonal si Tim" awat ni Eris. "Nasasaktan na sa realtalk mo oh! Truth hurts."

Akala ko naman ay seryoso na siya. Mas natawa na lang ako. Ganito ang buhay kapag chill lang, tamang ML lang kasama ang mga kaibigan.

Naglaro pa kami ulit at hindi na namalayan ang oras, hanggang sa naisipan na lang nila na umuwi dahil napansin na dumidilim na ang paligid.


"ITO SUOTIN MO" Sigaw ni Tita mula sa kwarto niya. "Naplantya ko na 'yan"

Dali dali naman akong pumasok sa kwarto at binigay niya sa akin ang plantyadong damit ko. Ito na ang araw ng moving up namin, nothing special to me, it's just like a normal day but with a twist, instead of playing ML all day, I need to sit down and clap for other students.

Sinunod ko naman si Tita at sinuot na nga ang aking uniporme. Hindi ko naman kailangang mag mabilis dahil nga lalaki naman ako, wala akong mga routine na dapat tallaga sundin, hindi naman ako maarte e.

Inayos ko ang kwelyo ko at tinitignan ang repleksiyon sa salamin. "Pogi ko talaga"

"Oh sya sya! Tama na 'yan at baka dalhin mo na ang salamin sa school dahil hindi ka makaalis diyan" sabi ni Tita at tinapon sa akin ang wallet ko na nahuli ko naman.


MGA ILANG oras ay nakarating na rin kami sa paaralan at ang mahabang boredom ay mag uumpisa na. Tamang palakpak lang sa mga kapwa ko estudyante na nakapasa at sinabitan ng medalya kasi sila ay nakasama sa honor rolls. Habang ako? hinihintay lang na matapos lahat ng ito.

magdadalawang oras na at hindi pa rin tapos, nag aannounce pa ang mga advisers ng kanilang mga nakapasa na estudyante ay nakaramdam ako ng antok. Hindi ko na alintana ay nakatulog na pala ako.

"Pare! Gising, gagong 'to natulog" panggigising ng kaklase kong si Jaren na katabi ko.

"Bakit?" sagot ko ng walang kaalam alam.

"Ikaw na yung aakyat sa stage, hinihintay ka na ni Tita mo. Abnoy ka" sabay hampas sa balikat ko. Pagtingin ko sa unahan ay naghihintay na nga ang Tita.

Nagmamadaling pumunta roon sa unahan habang pinapahiran ang mga mata baka kasi may muta pang naiwan.

"Ginawa mo ha? hindi ka na naman nakikinig" bungad ni Tita Cindy.

"Nakatulog Ta, h'wag ka magpakastress sa pogi mong pamangkin, Visible na wrinkles mo, ew" sagot ko na naging dahilan nang paghampas niya sa akin.

Grabe, thanks Lord at binigyan mo ako ng matibay na balikat

Naglakad na kami papunta sa stage at binigyan ako ng certificate, konting picture kasama si Tita kasi busy sila Papa. Si Mama naman ay nasa ibang bansa kaya si Tita ang kasama ko.





"TARA ML" Sigaw ko pagkarating sa bahay ng tropa ko na naka uniporme, hindi na ako nagbihis pa.

"Pogi pare ah?" sabi naman ni Mark sa akin habang hinihimas ang balikat ko.

"Gago pare, wala akong balak maging bakla at shotain ka. Iba na lang" sagot ko sa kaniya at pabiro siyang tinulak.

Dumating naman si Jenna na nakapameywang pa. "Mga lalaki nga naman. Picture muna, p'wede?"

Nagkatinginan kaming tatlong lalaki at sabay na nagsalita ng "Mga babae nga naman".

Pinagbigyan ko na, minsan lang sila makakuha ng picture galing sa pinakagwapong nilalang sa mundo e. Dahil mahilig si Jenna kumuha ng litrato ay ang isang litrato ay naging isang daan. Pagkatapos noon ay napagod na kaming tatlo kaya naman naglaro na lang.

Sweet TalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon