I never thought that I would see him again.
Nawala ako sa pag iisip nang may biglang humawak sa aking bewang at inamoy ang aking leeg.
"Maaga kang umuwi" sabi ko habang patuloy na naghuhugas ng mga pinggan na pinagkainan namin kaninang umaga.
We're living in one house, pinayagan na rin naman kami kasi matanda na kaming pareho at ilang buwan na lang ay ikakasal na. Kumuha lang kami ng maliit na apartment malapit sa pinagtatrabahuhan ko, may motor naman kasi siya kaya pumayag na siya na dito kami.
He kiss my neck. This is the side of him that he only shows when we are alone. "Mhmm, hindi naman naging busy masyado. At tsaka, miss ko na ang magiging misis ko."
Hinarap ko siya at hinayaan siyang patakan ako ng mga halik. Tinaas ko ang aking kamay na puno pa ng mga bula para mayakap niya ako ng mahigpit na hindi siya nababasa.
"Teka lang, tapusin ko muna 'to."
He nodded and gave me a kiss before he walk to our room.
Pagkatapos kong mahugasan ang mga pinggan ay dali dali akong pumunta sa kaniya at minasahe ang likod niya.
"How's your day?" Tanong ko sa kanya. Patuloy na minamasahe ang likuran niya lalong lalo na sa kaniyang balikat.
"It's okay, bukas yata e busy na kami. May kaso na naman e"
"Aww, sabay tayo mag aalmusal?"
"Syempre naman. Trabaho lang 'yon. Walang wala 'yon sa magiging asawa ko."
Ayan na naman siya sa banat niya. Hindi na kami bata pero kung bumanat siya ay pinaparamdam niya sa akin na kami ay bata pa. He's always like this. He never complain about his work, lagi niyang ina appreciate ang mga kakaonting bagay na nagagawa ko.
"Nga pala Mic, nagkita kami kanina ni Giyo" pag open ko ng topic sa usapan dahil ayoko rin naman magtago sa kaniya ng sekreto. Hanggat maaari ay gusto kong alam niya ang lahat.
"Giyo? Yung ex mo?" Tumingin siya sa kaliwa, dahil nga nakatalikod sya sa akin ay ito ang kaniyang paraan para iparamdam sa akin na ang kaniyang atensyon ay nasa akin, at gusto niyang ipagpatuloy ko ang pagkuwento.
"Oo, we met earlier sa cafe. Yung nasa ibaba lang ng company namin."
Nakikita kong nakikinig at interesado siya sa sinasabi ko.
"He said that his friend is the son of the owner of the company I work in" pagpapatuloy ko. Niyakap ko siya at tinignan ang kaniyang mukha, hindi na kasi siya sumasagot.
I throw him a-"What"-look.
Dahan dahan siyang humarap sa akin para ibalik ang yakap na ibinibigay ko. He planted a kiss on my forehead na naging rason kung bakit ako ay nanghihina, mas humigpit ang yakap ko sa kaniya.
"Tell me more about it"
"Wala naman masyadong nangyari Mic, 'yon lang talaga. Nagkita kami tapos nagkausap din, kasama ko rin naman sina Hazel tsaka si Kerly pala e parang interesado pa kay Giyo pero hindi niya rin masyadong kinilala noong nabanggit ni Giyo na ex ko nga siya. Ako naman ang ginulo niya after Giyo left" pagpapaliwanag ko habang lumalambing sa kaniya kasi kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman kong hindi siya natutuwa sa sinabing kong nagkita ulit kami.
"Don't worry Love, you'll always be the one that own my hypothalamus" I assures him, he sigh heavily but still manage to be the sweet man that he is, he kiss my hand.
"Yes Love, ikaw at ikaw lang din" sagot niya.
THAT's WHAT I THOUGHT. Akala ko magiging masaya na kami, akala ko kahit anong problema pa ang dumating sa amin ay kayang kaya namin talunin pero hindi.
BINABASA MO ANG
Sweet Talker
RomantizmThis is a story about a teenage girl and boy. Experiencing teenage love. What would a teenage love bring them? Is it just a phase?.