We've been hanging out together for almost a year now. Sinagot ko siya kahit na bawal.
It was exactly May 5 when I agreed to be his girlfriend.
"Mickiel, nagugutom ako, buy me chicken" saad ko. Paano ko ba siya sasagutin?. He patted my head and proceed to ordering what I requested.
He's been like that since he started courting me. He showered me with love, pinapakita niya rin sa akin ang limang love language. He always says that he likes me, hindi ko man sinasagot minsan ay alam niya rin naman na gusto ko siya.
Hindi niya pinaparamdam sa akin na hindi ako espesyal, palagi siyang may pasabog. May mga araw na dadalhan niya ako ng bulaklak o kaya naman ay may pagkain siyang dala kapag pinupuntahan niya ako sa aming classroom. Lagi niya rin akong ina-assure na ako ang mahal niya.
Huminga ako ng malalim, at napatingin sa kaniya. Kung sana ay alam lang ng mga parents ko kung paano niya ako tratuhin ay baka pumayag sila sa relasyong meron kami.
He smiled at me when he saw me gazing at him. Umiwas ako ng tingin.
Masaya siyang lumapit sa akin dala-dala ang inorder niya, dalawang chicken at rice, may extra rice pa nga dahil alam niyang marami akong kumain basta chicken ang ulam.
"Ano?" I asked him when he starts smiling so hard. I'm kind of nervous because this will be our special day, A day we will forever cherish and remember syempre kung tatagal talaga kami hanggang pagtanda.
I laugh nervously. Iniisip ko kung paano i-open ang topic tungkol sa pagsagot sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay ko at tinanong ako kung okay lang ba ako. Tumango ako sa kaniya.
I opened my phone and ipinakita sa kaniya ang date ngayon.
"Alam mo ba kung ano meron sa araw na 'to?" Kinakabahang tanong ko pero patuloy akong ngumingiti sa kaniya.
"Ano?"
"Uhh" shet shet paano na? Ano na?. "Hindi mo alam? My gosh! You should start remembering this day!" Umakto akong nagtatampo sa kaniya. I closed my arms and started pouting.
Nakikita ko ang kaba sa kaniyang mukha at ang pagkalito. "Ano nga?"
"Wala" I shifted my eyes to the food.
Lumapit siya at hinawakan ang aking kamay. "Kass, what is it? Tell me."
Hindi ako makatiis sa kaniya. Ang kaniyang mukha na sumusuyo ay nakakabighaning pagmasdan.
"Nothing, I just thought you'll know kasi from this day on, you have a girlfriend na" I cringed. Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin na Hoy, girlfriend mo na ako.
Natulala siya. "I have what?". Kitang kita ang kaniyang paninigas, ang kaniyang kaninang malambing na paghawak sa aking mga kamay ay napalitan ng mahigpit na hawak.
"Girlfriend?" Kunwari ay hindi ako kinakabahan o naapektuhan.
He smiled and kissed the back of my hand.
"Really?"
Napangiti ako sa reaksiyon niya, napaka genuine. Deserve niya ang sagutin ko siya at higit sa lahat deserve niya ako.
Tumango ako. "Yes"
WE'VE BEEN dating for almost Eight months now, at next month ay ang Nine months namin bilang mag on. Next month din sa eksaktong Feb 14 ay ang ikaisang taon niyang panliligaw. Hindi kasi ako naniniwala na dapat pang patagalin ang panliligaw kasi nga nasa modernong panahon na tayo, ang dapat pinapatagal ay ang relasyon bilang mag on, at syempre dapat consistent.
And I swear, he's consistent. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na nililigawan niya ako kahit na kami na.
We've been through a lot, maraming up and down sa relasyon namin. There are times that he can't control me because I can't control myself either. I have issues.
"Palaging na lang ganito Mickiel! Pagod na pagod na ako" sigaw ko sa kaniya sa Call. Hindi kami naka vc kasi pinatay ko ang camera ko. I am Mad and I don't know why.
"Bakit naman? Kanina lang ay stress ka sa pag aaral mo. Ano na naman ba?" Mahinahon niyang tugon. Ramdam ko sa tono ng boses niya na pinipigilan niyang malakasan ang boses niya dahil sa mas nagagalit at umiiyak ako kapag nasisigawan.
He owns a part of me but he doesn't own me. Mas uminit ang ulo ko sa sinabi niya. I hate being asked, I hate being ignored, galit ako sa lahat.
"Na naman? Bakit? Paulit-ulit na lang ba? Edi iwan mo'ko!"
"Hindi.... Hindi gano'n" nanghihinang boses na sabi niya.
Nakokonsensya ako pero galit ako, gusto kong ipalabas lahat ng galit ko at ang pagsigaw, pagiging sakit sa ulo ang tanging paraan ko.
Pinatay ko ang tawag dahil sa inis.
Ilang segundo matapos kong patayin ito ay tumawag ulit siya.
"Kass, hindi ako galit kung 'yan ang iniisip mo"
Pero gusto kong magalit ka.
"I want you to know that I'm here, talk to me but don't be aggressive kasi ako rin ay nasasaktan. May puso rin ako Kass"
Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, ayokong pinangangaralan ako. I didn't say anything, he pointed out something I don't want to hear because it makes me realize that I'm wrong.
Huminga ako ng malalim at patuloy na umiiyak na hindi gumagawa ng tunog kasi ayokong kaawaan niya ako. I ended the call once again.
Tawag siya nang tawag pero hindi ko sinasagot. Hanggang sa nakatulog na lang ako.
Kahit ganiyan, kahit grabe akong magalit o mabilis akong mainis ay tinatanggap niya pa rin ako. Palagi niya pa rin pinaparamdam na swerte siya sa akin.
"Kahit ganiyan ka Kass, mahal na mahal pa rin kita. Because I know who you truly are. Actually proud nga ako at unti-unti kong nakikilala ang tunay na ikaw, ang worst part mo at best part. Gustong gusto kong tumagal tayo kaya titiisin ko kasi alam kong 'yon din ang gagawin mo kapag ako ang nasa sitwasyon na 'yan" He softly kissed my cheeks. And kiss the back of my hand.
Ang swerte ko talaga at mahal ako ng isang lalaking tulad niya. Sinampal ko ng mahina ang kaniyang mukha dahil sa nahihiya ako at 'yon pa ang sinabi niya. Para bang alam na alam niya ang pagkatao ko.
Just wait Mr. Santos, I'll show you how loving I am.
BINABASA MO ANG
Sweet Talker
RomanceThis is a story about a teenage girl and boy. Experiencing teenage love. What would a teenage love bring them? Is it just a phase?.