MICKIEL's POV
"Ano?" nagulat ako sa balitang binungad ni Tita sa akin.
"I have to what?" I repeat.
Umupo si tita na para bang wala lang sa kaniya ang balita na sinabi niya. "You have to transfer school, Mickiel"
"Pero bakit pa?" tanong ko. "Maayos na buhay ko rito Ta, konti na lang mag gagraduate na ako"
Napakamot ako sa ulo, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang magtransfer ng school. Okay na ako sa mga kaibigan ko rito e.
"Kahit hindi mo sabihin, I know that you're one of those gangster or basta yung mga basagulero sa labas. Baka maging drug lord ka pa sa pinanggagawa mo"
"Huh?" hindi ko na alam kung ano ang magiging reaction ko sa sinabi niya. "Tita naman, is there other reason aside from that? I doubt na 'yan lang e. Napakababaw naman"
"What? mababaw?" she said in shock. "Pasalamat ka nga at ballpen lang ang sinaksak sayo at hindi kutsilyo. Tapos sasabihin mong mababaw? Naiistress ang Mommy sa iyo! Isipin mo na lang na blessing 'yan kasi hindi mo mapauwi ang Mama mo rito sa pinas kung itatransfer ka namin ng school. You've done so much and this is the only solution we could think of"
"Tita naman! That's absurd" nataasan ko na ang boses ko at nagdabog.
"For you it is" She respond, tinuro pa ako.
pumasok ako ng kwarto at baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko kung mas lalong uminit pa ulo ko.
Ramdam ko na ang pang iinit ng mukha ko.
I don't plan on changing.
"READY ka na ba?" Tita Cindy asked while putting my bag inside the car.
Paano ako magiging ready e kahapon lang binungad sa akin ang balita tapos ngayon na pala ako aalis?
"Oks lang" tipid kong sagot.
(KASSOPOEIA's POV)
THE CAR stop in front of the gate of our school. I open the door and step out of the car first and after that, kinuha ko ang dalawa kong bag."Goodbye, dadd" I said.
He just nodded. So I closed the door.
Binuksan ko ang screen ng phone to time check. Pogi mo Killua.
"OH MY GOSH, 7:45?" Late na ako. I need to hurry, buti na lang alam ko na kung saan room ko kasi hindi naman ako nagtransfer ng school, nalibot ko na ang school namin from junior high to senior high mula pa ng grade 7 pa lang ako.
"Good morning Ma'am, sorry I'm late" nahihiyang sambit ko. Hinihingal pa sa pagtakbo mula sa gate papunta sa room na 'to.
"It's okay, sit in front, besides Dindy" Ma'am Stella, the teacher of Grade 11 Stem A.
Classmate na naman kami ni Dindin, hindi naman ako nagrereklamo ah?. We both love Science kasi but she'll pursue Medicine while I am still undecided. I want to be a doctor but my family don't want to so I'll probably pursue architecture sa CAPSU Main.
"Late ka na naman bes" bulong ni Dindin pagkaupo ko.
"Na late ako ng gising e" I replied.
This is the first day of school so wala naman sigurong pag aaralan pa. Magpapakilala pa lang and do some activity that will help us students as well as our teachers get to know each other.
Inuna ang pagkilala mula sa isang student sa may pinto nakaupo.
"A pleasant morning to all of you especially to you Ma'am Stella. I am a transferee student so most of you here surely doesn't know me but let me introduce myself. I am Mikaela Mirasol, 17 years old from Mambusao." and she bow.
Wow, I feel competition. This is what I want pero the disadvantage? I will surely feel so down kapag natalo ako.
Sumunod sunod na ang pagpapakilala hanggang sa umabot na sa akin.
Ayaw na ayaw kong magpatalo. "Good Morning" I said and stomped my feet to get the attention of my other classmate who are talking to their seatmates. "This is a new beggining to all of us, isn't it? Let me congratulate you all for reaching this stage, we all manage to reach it here and meet our very pretty adviser, Ma'am Stella" I look at her and smile. "I am Kassopoeia Denice Bonilla, 16 years old, I live in Majanlud. I hope that we'll all get to know each other well, because we will be together for 2 years. That's all, Thank you!" I said with confidence.
I hope they won't mistake my confidence from being pabida kasi that would really be an insult to me, hindi katulad ng kilala ko na ang confidence para sa kaniya ay ang pagiging sobrang pabida.
(MICKIEL's POV)
"PABIDA ka rin e noh?" matapang kong tanong sa kaklase kong hinahamon ako ng away. Hindi porket transferee ako rito ay susubukin na nila ako."Bakit? Takot ka? Bumalik ka na lang sa inyo pare" sabi niya na may pagtapik pa sa balikat ko.
"Hindi tayo close para tawagin mo akong ganiyan."
Tumawa ang lalaking 'to, hindi ko alam ang pangalan niya kasi wala naman akong pakealam.
"PROBLEMA NIYO?" Sigaw ng isang babae na bigla na lang sumulpot.
Pagkatingin ko sa kaniya ay binungad agad ako ng kagandahan niya, ang kaso puro lalaki ang kasama.
"Sorry madam, binibiro lang namin 'tong transferee student" sabi ng palakang nasa gilid ko. Maangas 'to kanina ah?
Tinaasan lang siya ng kilay ng babae at lumakad sa gitna pa talaga namin. Maangas din. Hindi naalis ang pagtingin ko sa kaniya.
"Ano pangalan no'n?" nasabi ko ng hindi gano'n kalakas pero rinig ng katabi ko.
"Huwag ka ro'n Pare, Tomboy 'yon" sagot niya.
Nalipat sa kaniya ang tingin ko dahil sa sinabi niya.
"Weh?" tanong ko pa ulit.
Hindi ko alam pero para bang bigla na lang kami naging close dahil sa pagtanong ko sa pangalan ng babaeng 'yon.
"Oo nga, kitams naman na puro lalaki kasama 'di ba?"
"Sus, pupwede 'yan" sagot ko naman na naka ngiti.
Tomboy? ano naman? edi tignan natin kung mapapa sa akin. Ganda niya, lalong lalo na ang paggalaw ng mga buhok niya at ang tamang pag tama ng sinag ng araw sa kaniyang mukha, wala akong masabi kundi-
"Ganda niya"
"Sus pare, love at first sight? Bahala ka. Ikaw rin aasa sa wala" sabi niya at tinapik pa ang balikat ko.
Thank you talaga Lord sa pagbigay ng matibay na balikat
I smirk.
BINABASA MO ANG
Sweet Talker
RomanceThis is a story about a teenage girl and boy. Experiencing teenage love. What would a teenage love bring them? Is it just a phase?.