An Yujin
Naging pala-pasok na ulit si Wonyoung, pero mula nung araw na yon ay hindi niya na talaga akong kinausap pa ulit. Iniisip ko... what if bad timing lang ako nun? Dapat pala hindi ko na siya kinulit.
Pinaskil na sa board ang listahan ng mga with honors, dahil ilang araw na lang, graduation na. Sabay sabay kaming tumingin sa papel, at narinig ko ang boses ni Wonyoung sa aking tabi.
"Finally." Sabi niya ng pabulong, at saka umalis sa pwesto niya.
Tinignan ko na ang listahan, at una kong nakita ang pangalan niya. Top 1 and school valedictorian?
Binaba ko ang mga mata ko, at nakita ang pangalan ko. Top 2... hindi sa pagsasawalang bahala, pero nasanay lang siguro ako na laging nasa unahan ng listahan.
Grabe ang binaba ng performance ni Wonyoung this year, pero siya ang nasa pinaka-taas ng listahan. Hindi kaya nagkamali lang si ma'am?
"Good afternoon po, ma'am." Mahinhin kong panimula sa paglapit sa desk niya.
"Yes, Yujin?"
"Paano po naging top one si Wonyoung? Eh di ba po, madalas siyang absent at mababa ang performance?" Tanong ko, at nawala ang ngiti ni ma'am.
"Oh... humingi kasi ng mga take-home activities si Wonyoung para bawiin ang scores niya."
"Eh ma'am, parang lugi naman po na ganoon kataas yung grades niya compare sa mga laging present..." kontra ko at natahimik ng ilang sandali.
"E-Excuse me, I have a meeting to attend." Biglang sabi ni ma'am at umalis.
"Paano nangyari yun?"
Lumabas ako ng room at sa bawat sulok na madadaanan ko, ang maririnig ko ay chismis tungkol sa graduation honors.
"Nataasan ni Wonyoung si Yujin?"
"Maganda nga, mandurugas naman."
"Mas deserve ni Yujin ang highest."
"Iba talaga kapag mayaman."
"Baka naman pinerahan lang yung school."
"Sana all, pera lang katapat."
Hindi ko kaya pakinggan lahat ng sinasabi nila kay Wonyoung. Alam kong hindi niya magugustuhan to, pero ano nga bang pake ko? Ay, basta. Kaibigan ko siya.
"Eh kung manahimik nalang kaya kayo? Wala naman kayong proof na totoo yang mga pinagsasasabi niyo eh." Pagharap ko sa mga nagchichismisan.
"Hindi ka ba nagtataka man lang, Yujin? Lugi ka oh." Lumingon ako at nakita ko si Autumn, ang isa sa mga kaibigan ko.
"Tigilan niyo nga si Wonyoung. Wala naman siyang ginagawang mali eh."
"Sigurado ka? Kasi sa pagkakaalam ko, hindi gawain ng totoong kaibigan yan." Aniya.
"Wag mo siyang husgahan." Sabi ko at umalis.
Natulala nalang ako buong araw, na mas iniisip ko pa si Wonyoung kaysa sa resulta na naka-paskil. Sa buong taon na 'yon, hindi niya ako tinuring na kaibigan? Hindi ako naniniwala, hindi 'yon totoo. Siguro wala lang siya sa mood.
"Does anyone know where Wonyoung is?" Tanong ng isa naming teacher.
"Sir, excused daw po muna si Wonyoung. She's not feeling well daw po eh." Dahilan ko nalang.
"Hindi ko hahayaang mapahamak ka, Wonyoung."
Sinubukan kong hanapin si Wonyoung mula uwian, pero wala talaga akong makitang senyales niya. Bahala na, makikita ko naman siya sa graduation.
-
graduation day
-Maayos ang postura ko ngayon dahil mahalaga ang araw na 'to. Maayos ang postura, pero ang isip ay lumilipad. Hinahanap parin ng mga mata ko si Wonyoung, na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita.
"Valedictorian of the Year, Jang Wonyoung from grade six, Class A."
Masasabi mong pumapalakpak ang mga tao, ngunit kita sa mukha nila ang pagtataka. Dapat ba akong matuwa para sa kaniya? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.
Palakad-lakad lang ako sa campus, nang may makita akong pamilyar na itsura sa malayo.
"Wonyoung!"
Tumakbo ako papunta sa kanya, at nang humarap siya ay hindi ko inaakala ang makikita ko.
"Hala, sorry po. Akala ko si Wonyoung." Nag-bow ako at umalis.
Ano na, Wonyoung? Kailan ba kita ulit makikita? Napaka-tagal ko nang naghihintay, gusto na kita makita at makausap ulit.
Habang nakaupo sa iisang gilid, tumingala ako saglit at nakita ko sa bintana ng building ang adviser namin na may kinakausap na babae, at yun ay si...
"Wonyoung?"
Totoo na 'to, hindi na 'to biro. Tinakbo ko paakyat hanggang third floor, pero hindi ako lumapit agad. Mas mabuti nang nakakasigurado akong si Wonyoung na talaga 'yon.
"Thank you for your cooperation, Ms." Sabi nung lalaking kasama nung babae.
"No worries. I hope that you'll improve a lot more, Wonyoung." Sagot ni Ms. si Wonyoung nga.
Pinagmasdan ko lang sila at nakitang may inabot na bagahe yung lalaki kay Ms. Kung si Wonyoung 'yon, I suppose tatay niya 'yon? Davao ex-Mayor Jang.
"Anong laman nung bagahe na 'yon?"
Bago pa man nila ako makita, umalis na ako sa kinatatayuan ko at hinintay na bumaba si Wonyoung.
Habang naglalakad sila, nasa likod lang ni ex-mayor si Wonyoung, kaya naman I grabbed the chance para makausap siya.
Tawag ko at hila ko sa braso niya.
"Ah!" Gulat niya at biglang piglas ng braso niya habang nakatakip ang isang kamay sa bibig.
"Kumusta? Okay ka lang? Congrats!" Sunod-sunod kong sabi.
Wala akong natanggap kundi mahabang titig mula kay Wonyoung. Walang tensyon, ngunit iba ang titig ng mga mata niya.
"Make it fast, Wonyoung. We still have business to do." Sabi ni ex-mayor sa malalim na pananalita.
"Yes, dad..." sagot naman ni Wonyoung.
Dahan-dahang naglakad patalikod si Wonyoung habang nanginginig pa. Tinalikuran niya na ako at naglakad ng mas mabilis.
Sa mga mata na pinakita niya, hindi ko masasabing ayos lang siya.
☁️
- what if sagutin mo na kasi si yujin?
YOU ARE READING
Embrace Me || jwy [✅️]
Mystery / ThrillerCaused by past traumatic experiences, WY had to live with dissociative identity disorder. Scared to be pushed away, she kept her uncurable condition a secret even from her closest friends. But as time goes by, her true identity gets revealed slowly...