Chapter 11
"HOY ELENA ano bang pinagsasabi mo jan?." Nagtatakang tanong ni Adam sa'kin. Hindi ko siya pinansin ang buong atensiyon ko ay nakay Atlas. Nakatingin ito sa'kin na para bang namangha din sa sinabi ko.
"Kamukha mo talaga si ate." Ulit ko pa. Napakagat ako ng labi ng onti onting nagsilabas ang butil ng luha ko mula sa aking mata.
"Ate ayos lang po kayo?." Inosenteng tanong nito sa'kin. Umiling ako sa kanya, Pano ako magiging ayos? Kung nakikita ko sa kanya ang ate ko.
"Hey Elena! What the hell is wrong with you! Why are you crying?." Hindi magkaugagang sabi ni Adam at sinilip ang mukha ko. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at saka ako tiningala sa kanya.
"Ate wag kana pong umiyak.." Niyakap ng bata ang aking hita.
"May nagawa na naman ba ako'ng mali?." Punong puno ng pagaalala ang mga kulay bakal na mata ni Adam habang nagtatanong sa'kin.
"W-Wala.." Mahinang sabi ko. Para naman itong hindi naniniwala sa'kin. Tinitigan ako ni Adam na para bang sinusuri niya kung nagsasabi ako ng totoo.
"No i don't believe you." Madiin na sabi nito. Diko alam kung matatawa ba ako o kung ano kay Adam akala mo naman kung makareact tong lalaking to!.
"Ate tumahan na po kayo, Dapa't nga maging masaya po kayo kasi kamukha ko po ang ate niyo." Ani nung bata. Pano ako magiging masaya kung nakikita ko sa kanya ang ate kong matagal ng patay?.
Habang hawak ni Adam ang pisngi ko ay sunodsunod na umagos ang luha ko. Bakit kasi sa lahat ng pwedeng maging kamukha ng batang 'to ang ate ko pa talaga!.
"Tahan na..." Sambit ni Adam at dahan dahan akong niyakap.
"Oo nga po ate tumahan na po kayo." Sabat ng bata.
Parang gumaan naman ang aking pakiramdam ng maramdaman ko ang maiinit na katawan ni Adam.
Pinunasan ko ang luha ako at saka humiwalay kay Adam. Nakakahiya naman kasi sa kanya umiyak na nga ako sa harap niya niyakap pa niya ako.
"Tumahan kana.. Mas maganda ka kapag laging badtrip ang itchura hindi ka mukhang drakula." Biro ni Adam sa'kin.
Sumisinghot singhot ako'ng nangpupunas ng mukha ko gamit ang aking palad. Kahit hindi naman ata ako umiiyak drakula parin ako. Pinaplastic lang ata ako ni Adam para tumahan agad ako.
"O panyo, Ang dugyot mo tignan sa ginagawa mo!." Inabot ni Adam sa'kin ang panyong hawak niya pero hindi ko ito kinuha. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kung makadugyot kana man jan!, Kala mo kung sino kang malinis!." Sabi ko sa kanya. Napailing nalang si Adam.
"Nagsasabi lang ng totoo..." Sagot nito.
"Kuya, Ate tara na po sa looban." Aya samin ng bata at saka kami hinila ni Adam.
"Adam ano bang klasing gala gagawin na'tin dito?." Tanong ko kay Adam habang hinihila kami ng bata papunta sa kabahayan.
"Kahit ano.. Ung mga simpleng ginagawa ng mga students kapag gagala." Sagot nito. Ano naman kaya ang mga yon.
"Like pakikipag sex?." Tanong ko pa. Nahinto sa paglalakad si Adam at Atlas. "Nakakunot ang noo ni Adam habang si Atlas naman ay nakanganga habang nakatingala sa'kin.
Bakit may nasabi ba ako'ng masama?, Nagtanong lang naman ako. Anong kinagugulat nila jan?.
"Ate sabog kana po ba?." Inosenteng sabi sa'kin ng bata habang nakasimangot. Ano ginagawa ko sa kanya?.
BINABASA MO ANG
Loving You Can't Have (The Heart Choice Series 2)
RomanceHe stole my heart from the very start, I can't explain it, but I was instantly smitten. Could this be love at first sight?. Fate's cruel hand, my heart falls for someone I can't have. This love for him, I'll never be able to possess. NIGHT CHANGE SE...