PROLOGUE
MAGANDA at matalino ako'ng bata, Pero anong silbi ng ganda kung sa paningin ng lahat ay hindi ako nag-eexist. Matalino ako pero ano naman ang silbi ng talino kung sa pamilya mo ay bobo ka parin?.
Wala akong friends sa school, Ewan ko kung bakit. Tahimik ako at laging walang kausap sa room, Hindi ako lonely ha. Sadyang ganon lang talaga. Kahit ako ay nagtataka rin kung bakit ganon. Minsan tinanong ko na sa sarili kung totoong tao ba ako, Kasi naman para akong multo sa paningin ng lahat.
Friendly ako sa totoo lang, Lagi ako kamakausap ng mga tao pero sa tuwing ginawa ko'yon ay wala namang interest ang kausap ko, Kung minsan ay binabara pa ako at susungitan. Hanggang sa nagsawa na akong maging friendly dahil sa tuwing nakikipag kaibigan ako sa isang tao ang ending ako lang din ang napapahiya kung minsan ay nasasaktan.
Sa pagiging tahimik ko at walang kaibigan nag mukha akong lonely lalong lalo na school, Minsan pakiramdam ko mukha akong tanga, Dahil sila nagsasaya at nag tatawanan habang ako nasa isang gilid lang nakatulala sa kawalan iniisip kung kelan magkakaroon ng kaibigan at atensiyon ng tao.
Ako nga pala si Elena Leonor Allegra isang babaeng high school students na Maganda, Tahimik, At matalino. Nagaaral ako sa Ollypus University, 17 years old at NBSB. Mayaman ang pamilya ko lahat ng bagay kaya nilang ibigay sa akin maliban lang sa pagmamahal at aruga na gusto kong iparamdam nila sakin.
Kagaya ng sinabi ko kanina NBSB ako, pero nasira iyon ng ibigin ko ang lalaking nag paramdam sa akin ng pagmamahal at iba pang bagay na hindi ko naramdaman sa iba. Ang lalaking yon ang nagparamdam sa akin na hindi ako multo at deserve kong mahalin din kagaya ng iba. Ng makilala ko si Jerome Adams Idaho nag bago ang buhay ko. Ang dating walang kulay kong buhay noon ay nagkaroon ng kulay dahil sa kanya.
Mahal namin ang isa't isa kahit kelan ay hindi kami nagaway dalawa. Masaya kami sa simple naming relasyon. Pero nag bago yon ng dumating ang problemang akala ko ay simple lang at hindi makakagulo sa kung anong meron kami.
Ang masaya at makulay kong buhay ay naging malungkot at nawalan ng kulay ng dahil sa maling nagawa niya. Kulang pa ang salitang patawad para sa ginawa niya sa'kin...
Lumipas ang maraming taon pero ang puso kong sinaktan niya ay hindi parin naghihilom.
The day I choose him is the day I choose to hurt my own heart.
And when I remember how much I love him, I want to kill him because it's fucking hurt for me....
BINABASA MO ANG
Loving You Can't Have (The Heart Choice Series 2)
RomantizmHe stole my heart from the very start, I can't explain it, but I was instantly smitten. Could this be love at first sight?. Fate's cruel hand, my heart falls for someone I can't have. This love for him, I'll never be able to possess. NIGHT CHANGE SE...