10

36 9 0
                                    

A/N: Slow update ang Lola nyo dahil super busy talaga huhu😭.

Chapter 10

Elena P.O.V.

"ADAM ano bang klaseng lugar to?." Halos magtauan ang mga balahibo ko sa katawan habang nililibot ng tingin ang lugar kung saan ako dinala ni Adam.

"Chill ka muna jan." Sagot nito sa'kin at kumindat. Pukpok ko kaya sa ulo niya ang helmet na hawak niya?. Ang lapit ng sagot niya sa tanong ko nakakatuwa.

"Aba talagang nakuha mo pang sabihin yan ha!." Asik ko. "Duling kaba at namali ata tayo ng daan papunta sa matinong lugar?." Sarcastikong sabi ko sa kanya.

"Masaya dito promise." Nakangiting sabi nito at sinabit ang helmet na hawak niya sa manibela ng motor.

"Aminin mo nga!, May balak ka sa'kin no?!." Pinaningkitan ko si Adam ng mata. Umasim naman ang expression ng mukha niya animo'y ayon na ang pinakanakakasukang narinig niya sa buhay niya.

"Excuse me!." Kinikilabutan na sabi nito. "Ikaw nga ata ang gustong may balakin ako sayo!." Ani ni Adam. Gusto kong masuka sasinabi niya.

"Aba'y ga-." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng idikit niya ang isang daliri niya sa labi ko.

"Shhhhh... Wag ka ng maraming satsat jan basta sabayan mo nalang ang trip ko ngayon." Aniya habang nakadikit ang daliri sa labi ko. Para naman akong nakuryente sa ginawa niya. Bakit ba ang hilig gumawa ng kung ano ano si Adam sa'kin?.

Ilang bese's akong napalunok bago magkaroon ng lakas na tanggalin sa labi ko ang isa niyang daliri. Kotang kota na sa'kin si Adam!.

"Siraulo ka talaga! Wag na wag mong ididikit iyang mga kamay mo sa balat ko lalo na sa labi ko!." Galit na sabi ko sa kanya. Pinunasan ko ang labi ko, Nararamdaman ko parin kasi ang malambot at maiinit niyang daliri sa labi ko kahit inalis ko na.

"Ikaw kotang kota kana sa'kin ha! Aba sumosobra na atang yang pagiging feeling close mo sa'kin!." Dagdag ko pa at sinamaan ng tingin si Adam na mukhang wala namang paki sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Kotang kota ka jan!, Diba girlfriend na kita kaya ano naman masama sa ginawa ko?." Nangiinis na sabi nito. Pumula ata mukha ko dahil sa sinabi niya. Natahimik ako, Pagnaaalala ko kasi ang ginawa ko kanina nawawalan ako ng lakas para barahin siya. Malaking kahihiyan ang kagagahan ko kanina!.

"Big deal na ba sayo ung ginawa kong pagdikit ng daliri ko sa labi mo?, Pano pa paghinalikan na kita?." Ngumiti ng malamlam sa'kin si Adam. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, Ano ba kasi yang pinagsasabi niya?.

"Baka paghinalikan kita mainlove kana talaga sa'kin!." Dagdag pa nito. Diko alam kung nagbibiro o seryoso ba ang sinasabi ni Adam sa'kin. Hindi ako nakasagot sa kanya dahil natuyo bigla ang lalamunan ko.

Imbis na sagutin siya naglakad nako palayo sa kanya. Wala akong masagot o mapangbara sa sinabi niya dahil may something akong nararamdamam.

"Hoy Elena! Saan ka pupunta?." Sigaw nito sa'kin. Kahit diko siya lingunin alam kong sinundan niya ako.

Kahit saan basta malayo lang sayo...

Pero kusang huminto ang mga paa ko sa paglalakad ng marealize ko kung anong lugar ang pinuntahan namin ni Adam. Bigla akong natakot para samin dalawa.

"Hoy Elena ba't kaba biglang mag wa-walk out jan?." Si Adam na nasatabi ko na.

"Adam tangina ka talaga!, Anong lugar 'to?." Parang wala sa sariling sabi ko.

Loving You Can't Have (The Heart Choice Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon