13

67 5 0
                                    

Chapter 13



"TARA! May pupuntahan tayo!." Aya sa'kin ni Adam at saka ako hinatak patayo sa kinauupuan ko.

"Saan ba tayo pupunta?." Tanong ko sa kanya at saka pinitik ang kamay niyang nakahawak sa palad ko.

"Marunong kaba kumanta?." Tanong ni Adam sa'kin, Tumango ako sa kanya. Saan na naman kaya ako dadalhin ng lalaking 'to?.

"Ayos yan!, Tara kanta tayo!." Masayang sabi nito at saka ulit ako hinila.

"Teka lang!, Hintayin na'tin si Atlas!." Ani ko at saka pinahinto si Adam sa paghila sa'kin. Lumingon ako kay Atlas busy ang bata sa pagkain ng fishball kasama ang mga kaibigan niya.

"Ayan na naman tayo sa pahinto hintong lakad!." Nakasimangot na sabi ni Adam. Sino ba kasing may sabing lalayas na kami dito?, Hinihintay ko pa nga si Atlas matapos sa pagkain e.

"Hintayin na'tin yon." Nginuso ko si Atlas. Napabuntong hininga naman si Adam at saka may mga sanasabi sa sarili na hindi ko naman marinig dahil sobrang hina.

"Wag na!, Di sasama yan kasi kasama niya mga kaibigan niya." Ani ni Adam at saka nagbalak ulit hatakin ako. Sus ang sabihin niya nahihiya siya sa sinabi niya harana kuno sa mga bata.

"Pano mo nalaman?, Hindi mo pa nga tinatanong ung bata kung gustong sumama sa'tin." Ani ko at saka siya pinanliitan ng mata.

"Sempre ako pa ba?!." Kamot ulong sagot sa'kin ni Adam. Gusto ko siya batukan, Gusto na naman ata niya akong masolo! Malandi!.

"Isama na'tin si Atlas!, Tanungin mo kung gusto niya sumama!. Pinagtulakan ko si Adam papuntahin kila Atlas, Hindi pa naman kami ganon kalayo sa mga bata.

"Di mo na ako kaylangan pagtulakan sa kanila, Para saan pa at binigyan ako ng bibig para sumigaw?." Kamot ulong sabi ni Adam at saka nga pasigaw na tinanong si Atlas. Tsk tamad lumapit ang lapit-lapit lang naman sa'min nila Atlas sumisigaw pa siya.

"Atlas!.. Pagkatapos mong kumain jan pumunta ka nalang magisa sa karaoke sa baba ha!." Sigaw ni Adam at saka ako hinila na ng tuluyan.

"Subukan mong huminto ulit sa paglakad, Mawawalan kana talaga ng paa." Pananakot nito sa'kin habang hilahila ako. Napasimangot naman ako.

"Ang sabi ko tanungin mo si Atlas!." Nakasimangot na sabi ko. Ba't yata parang may galit siya sa bata?.

"Nalimutan ko e." Maikling sabi nito. Sinungaling.



****************

"UMUPO kana muna dun." Ininguso ni Adam ang bangkong nasa harapan ng videoke. Hindi ko naman siya sinunod nanatili lang akong nakatayo sa tabi niya.

"Hoy! Sabi ko umupo ka muna don!." Kinalabit ako nito. Pansin siguro niyang wala ako'ng balak sundin ang sinabi niya.

"Anak ng tokwa naman o!, Ba't ba trip na trip mo'ng laging tumanga?." Nagtatakang tanong nito. Siniko ko naman siya sa tagiliran. Ba't kasi dinala pa niya ako dito?, Tapos ngayon magrereklamo siya jan!.

"Mamaya iwan mo pako dito!, At saka dika ba natatakot jan?." Itinuro ko ang mga kalalakihan na nagiinuman habang nagkakantahan.

"Hangang ngayon parin ba wala ka paring tiwala sa'kin?." Nagtatakang tanong nito. "Kung iiwan kasi edi sana kanina pa!." Dagdag nito.

"Sabay na tayong pumunta jan, Tutal ikaw naman nagdala sa'kin dito!." Ani ko at saka namewang sa harapan niya. Nandito kaming dalawa ni Adam sa harap ng pintuan para kaming tanga na nakaharang sa pinto.

Loving You Can't Have (The Heart Choice Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon