01

130 63 40
                                    

CHAPTER  1

Flashback...

NAKAUPO si Elena at ang kanyang ate Elora sa malaking ugat ng puno, Pinagmamasdan nilang dalawa ang araw na papalubog na.

"Ate Elora bakit mo ba ako dinala dito?." Tanong ng batang Elena sa kanyang kapatid, Nagtataka ito kung bakit naisipan ni Elora na dalin siya sa pinakadulong bahagi ng kanilang hascienda. Batid ni Elena kung gaano kahigpit nabilin sa kanila ng kanilang ama na wag na wag pupunta dito dahil malalagot sila.

"Wala lang, Naiinip kasi ako sa bahay." Tugon ni Elora. Tumaas ang kilay ni Elena, Hindi ito kumbinsido sa sagot sa kanya ng kaniyang ate.

"Wag mo nga akong pinagloloko ate, may problema ba?." Namewang si Elena sa harap ng kanyang kapatid.

"Ano ba ang sinasabi mo jan?." Taas kilay na tanong ni Elora dito.

Batid ni Elena na may problema ang kaniyang ate, Ngunit ayaw lang itong aminin sa kanya ni Elora. Kilalang kila na niya ang kanyang kapatid dahil ito narin ang nakasama niya simula ng ipinanganak siya. Kaya alam na alam na niya kung kelan nag sinungaling sa kanya ang kanyang ate.

"Wag mo nga akong ginaganyan ate!, Ano ba ang problema mo?, Sabihin mo sa'kin at baka may matulong ako." Tugon ni Elena dito. Natawa lang sa kanya ang kaniyang ate.

"Ikaw talaga Elena, Minsan iniisip ko kung bata ka pa ba talaga e, Daig mo pako magiisip sa sobrang mature mo." Tawa tawa sabi ni Elora dito. Napanguso naman si Elena.

10 year's old palamang ng mga araw na'yon si Elena at ang kanyang ate Elora naman ay 20 year's old na.

"Ano nga kasi problema mo?." Pangungulit ni parin ni Elena dito. Napailing nalang si Elora.

Napabuntong hininga nalang si Elora at walang nagawa kung hindi sabihin ang problema niya sa kanya makulit na kapatid.

"Naalala mo ung sinabi sa'tin ni papa nung nakaraan araw?." Tanong ni Elora sa kanyang kapatid. Bakas ang lungkot sa bose's nito. Tumango naman si Elena sa kanya ng maalala niya ito.

"Ung bang sa birthday mo?, Ano naman ang problema mo don?." Taas kilay na tanong ni Elena. "Dapat nga masaya kapa dahil pupunta si mama." Dadagpa ni Elena. Natampal nalang ni Elora ang kanyang noo.

"Loko hindi yon!." Napakangiwi si Elora. Napakamot naman ng ulo si Elena. Tumayo si Elora at inakbayan ang kanyang kapatid.

"Maiba ako Elena, Anong gagawin mo kung isang araw bigla nalang akong mawala sa tabi mo?." Pagiiba ni Elora sa usapan. Nakatanaw ito sa malayo.

"Bat ko naman sasagutin ang tanong mo?, Imposibleng mawala ka sa tabi ko!." Nakangiting sabi ni Elena. "At kung mawawala ka man, sempre sasama ako sayo!, Kasi nga sister forever tayo diba?!." Tiningala ni Elena ang kanyang ate na nakatingin din sa kanya, Ngumiti lang ng tipid ang kanyang ate.

"Sana nga ganyan lang kadali ang sinasabi mo." Bulong ni Elora sa hangin. "May sinasabi kaba ate?." Inosenteng tanong ni Elena. Dahil meron itong narinig na sinabi ni Elora pero hindi malinaw. Umiling lang si Elora dito.

Loving You Can't Have (The Heart Choice Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon