Chapter 1

410 9 0
                                    

Chapter 1

"Anak, bakit kapa maglalako ng banana que kung sapat naman yung pinababaon ko sa inyo?"sabi ng kanyang ina.

"Mama hayaan nyo na po ako masaya naman ako sa ginagawa ko. Ayaw mo nun may madiskarte kang anak."sabi nito habang inaayos ang ilalakong paninda.

"Aysus! Ang anak ko talaga. Sige na nga hindi na ako kokontra pero dapat pagkaubos ng mga paninda mo umuwi ka agad may pasok kapa bukas."paalala ng ginang.

"Oo naman po mama ako pa. Sige na po maglalako na ako."paalam ni Anika sa kanyang ina.

Kaway lang ang isinagot ng kanyang ina tsaka pumasok na sa loob ng kanilang bahay.

Si Anika naman ay nagsimula ng maglako.

"Banana que kayo diyan!!"alok nito sa bawat dumadaan sa kanilang lugar.

"Ate Anika pabili ako."tawag ng isang batang nagtitinda ng sampaguita.

Agad namang pinagbilan ni Anika ang bata.

"Ilan toy?"tanong niya sa bata.

"Isa lang teh pasalubong ko lang sa kapatid ko."ngiti nito.

Naawa naman si Anika kaya dinagdagan niya pa ito.

"Ang bait mo naman toy ito maydagdag na yang isa para naman makakain ka din."sabi ni Anika sabay abot ng supot sa bata.

"Naku! Ate kulang ang pera ko."sabi pa nito.

"Ano ka ba libre ko na yung isa sayo kasi mabait kang bata sige na tanggapin mo na."sabi pa ni Anika sa bata.

"Salamat ate!"tsaka umalis na ang bata at nag tinda na rin.

"Walang ano man toy."sagot ni Anika tsaka nagsimula ulit na maglako.

Makalipas ang ilang pang mga oras ay may sumunod pang tatlong mamimili ngunit pagkatapos niyon ay wala na.

Alas tres na ng hapon saang tirik na tirik ang araw ay nakarating siya sa HUXLEY SUBDIVISION kung saan puro mayayaman ang nakatira roon. Saglit namang napatigil si Anika upang magpahinga sa guard area malapit sa main gate kung saan lumalabas pasok ang nakatira sa subdivision na iyon.

"Hay nakakapagod mukhang hindi ako makakaubos ng paninda ngayon."himutok niya sa kanyang sarili.

"Ne bawal ditong magtinda."sita ng isang guard roon.

"Naku! Manong nagpapahinga lang po ako aalis rin naman ako maya - maya."sabi niya sa guard.

"Ano ba iyang tinda mo ne?" tanong ng may katandaan ng gwardiya.

"Banana que po manong."

"Aba pabili nga ng lima matagal tagal na rin akong hindi nakakain niyan."

Agad namang nagbalot si Anika ng limang peraso at iniabot sa matanda.

"Salamat po manong ito po yung sukli nyo."sabay abot sa sukli.

Habang abala sa pagbili ang gwardiya ay hindi nito napansin ang pagdating ng kanyang among babae kung kaya't bumaba na ito at nagtungo sa gawi nila Anika.

"Ay ma'am sorry po hindi ko kayo nakita"hinging paumanhin ng gwardiya nang makita ang amo.

"Buksan mo na yung gate madali ka!"sabi nito.

"Yes ma'am."agad binuksan ang gate ng matandang gwardiya.

Sa paghihintay ni Mrs. Huxley ay tiningnan niya si Anika at tinanong.

"Anong tinda mo?" tanong ni Mrs. Huxley kay Anika sa gilid nito.

"Banana que po ma'am."sagot nito sabay tingin sa nagtanong.

My Twin is My Husband WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon