Chapter 19

119 4 0
                                    

Chapter 19

"Wala yan."kahit sa loob loob niya ay iiyak na siya ano mang oras ito yung kinakatakot niya. Yung hindi matanggap nito kung ano ba ang work niya noon sikat kasi ito baka madungisan ang pangalan nito dahil sa kanya.

"Anong wala? Naririnig mo ba yang sinasabi mo. Dahil sa video na yan maari mong  masira ang pangalan ko."

Natahimik bigla si Anika tama ang hinala niya.

"Edi itanggi mo na kilala mo ako ganun lang yon."sagot ni Anika dito tsaka pumasok sa loob ng banyo.

Nainis si Wynn sa tinuran nito parang wala lang sa babae yung video na nakita.

"ANIKA! Lumabas ka dyan hindi pa tayo tapos mag - usap."sigaw ni Wynn mula sa labas.

Piping hikbi naman ang pinakawalan ni Anika pagka pasok sa loob ng banyo. Hindi niya kasi alam ang dapat sabihin sa lalaki. Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang magpaliwanag o hindi na.

Mahigit isang oras din naglagi sa loob si Anika bago napagpasyahang lumabas tumigil na rin kasi sa pagkalampag si Wynn.

"Lumabas ka din."sabi ni Wynn sa asawa habang naka - upo sa sofa.

Napayuko naman si Anika tsaka pumunta sa kama at tsaka nahiga.

"Hindi mo talaga ako kakausapin Anika really? Bakit ka nag trabaho sa club na iyon. Sabihin mo nga sa akin?"pag - uulit na tanong nito sa asawa.

"P-Para maipangtustos ko sa pag - aaral ko sa college the same time gusto kong ipagawa ang bahay namin. Marangal ang pagsasayaw ko na iyon."sagot nito na nakahiga at nakatalikod pa din sa binata.

"Marangal? Bakit wala kabang ibang trabaho?"

"Meron tatlo ang trabaho ko Nagtatrabaho ako sa umaga sa fast food,sa tanghali nagtitinda ako ng banana que sa gabi mananayaw ako sa club ni Xavier."

Humanga naman si Wynn sa tinuran nito, tama ang desisyon nya na pakinggan ang side ng asawa kaysa magalit rito. Alam na niya kung kanino dapat siyang magalit.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin noon?"

"Kasi alam ko, hindi mo ako matatanggap n-na madudungisan ko yung pangalan mo k-kaya tinago ko."sabi ni Anika tsaka ito napa hikbi.

Hindi namalayan ni Anika na naka lapit na pala, ang binata sa tabi niya. Kaya hindi na niya naitago ang luhang dumadaloy sa kanyang mga mata.

Natunaw naman ang puso ni Wynn dahil pagtangis ng asawa. Ito ang hindi niya kayanga, makita na umiiyak sa harap niya kaya agad niya itong inalo sa kanyang bisig.

"Don't cry wife. I'm sorry kung iyon ang dating sayo. I can't help it na magalit dahil nagseselos ako."

Matapos ang pag - uusap ng mag - asawa ay nagkabati na rin sila.
Napagpasyahan rin nilang lumabas upang kumain na.

"Saan gusto mong kumain wife?"tanong ni Wynn sa asawa.

"Doon na lang tayo sa cottage nila Ani."

Nagtungo na nga sila sa cottage nila Ani. Nadatnan nila roon si Sylvia at Ani na naghahain ng pagkain napatigil ang mga ito dahil hindi nila inaasahan ang makikita si Wynn at Anika masayang dumating parang walang issue sa pagitan nila na siya nilang pinagtataka.

"Wow! Ani ang sarap naman niyan pwede ba kaming kumain ni Wynn dito?"

"Oo naman noh kayo lang naman hinihintay namin hobby nyo kasing magsolo."

"Galit lang kasi kami nun ni Wynn pero bati na kami ngayon diba?!"

"Oo naman wife bati na tayo kasalanan ko naman kasi inaway kita noon."

My Twin is My Husband WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon