Chapter 22

181 5 0
                                        

Chapter 22

"Mahal na Mahal pero---"hindi na naituloy ang sasabihin ni Anika ng umayos ng luhod si Wynn tsaka kinuha ang singsing.

"Mahal natin ang isa't isa bakit pa natin papahirapan ang ating mga sarili. Ano naman kung tutol si Granpa sa atin maski pa si Mama at ang buong mundo. Isa lang ang importante mahal kita at mahal mo ako. This time isipin mo naman yung sarili mo palagi na lang ikaw yung nagpaparaya sa lahat. Ngayon pagbigyan mo naman yung nararamdaman mo. Tsaka yung pananakot ni Granpa hindi niya itutuloy iyon dahil masasaktan ako kapag ginawa nya sa babaeng mahal ko iyon. Anika Froster Huxley tatanongin kita ulit will you marry me again?"

Umiyak na naman si Anika tama ang kanyang asawa bakit pa siya matatakot ang dami na niyang isinakrepisyo panahon naman siguro na siya naman ay sumaya ng buo sa piling ng kanyang minamahal.

"Yes i will marry you again."sagot ni Anika tumayo naman si Wynn tsaka isinuot ang engagement ring pagkatapos ay binuhat ang asawa.

"Yes!! Thank you wife."sabi nito na tuwang tuwa.

"Mas salamat sayo kasi dika sumuko."sagot ni Anika sa binata.

"Pwede ba iyon? Wala ata sa vocabulary ng mga Huxley ang salitang pagsuko. Kaya wag na natin patagalin ang lahat tara na't magpakasal."

"Huh!? K-Kasal agad as in ngayon na?"gulat na tanong ni Anika.

"Yup, let's go. "sabay baba ni Wynn sa asawang buhat.

Pagkarating nila sa venue ng kasal ay namangha si Anika ito ang kasal na matagal na niyang pangarap para sa kanila ni Wynn. Hindi niya alam na gagawin ito ng lalaki para sa kanya. Nagulat pa sila ng magsalita sa may gilid nila.

"Tagal nyo naman akala namin hindi na kayo magpapakasal."sabi ni Ani at Sylvia.

Gulat na gulat naman si Wynn dahil naruroon ang kanyang Granpa,Mama at Mother Inlaw pati sina Ani at  Sylvia.

"Anong ginagawa nyo dito hindi naman kayo invited ah?"

"Hindi nga kaya nga inivite na namin yung sarili namin dito. Grabe ka pamilya mo pa ba kami."emote ni Mrs. Huxley sa anak.

"It's not what you think Ma, ayuko lang makita nyo na ireject ako ng asawa ko."sabay tingin kay Anika na nagtago na sa likod nito.

"Nakita namin ni Papa na mareject ka kasi siya yung nagplano na pumunta kami dito kasi gusto ka raw niyang turuan ng leksyon. Mukhang success naman."sagot pa ng ina nito.

"Grandpa, totoo ba iyon muntik na po akong hindi sagotin ng asawa ko alam mo po ba iyon?"

"I'm sorry my apo at lalong - lalo na sayo Anika it's a part of tradition ng mga Huxley yan peace pero effective naman diba nagkaaminan na kayo?"

Tumango naman ang dalawa.

"Ano pang hinihintay nyo kasalan na."sabi ni Mrs. Froster ina nila Anika at Ani.

Humahangos naman na dumating si Xavier, Ryu at Liam patungo sa gawi nila Wynn.

"Lintek Wynn pati ba naman sa kasal mo hindi parin kami Invited."sigaw ni Liam kaya napalingon naman ang naruroon.

Natawa na lamang ang matatanda pati narin si Ani at Sylvia sa mga itsura ng bagong dating.

"Kahit kailan ka talaga cous pati ba naman sa kasal ganyan ka magbago kana uyy."

"Masyado kang pa private itago kita sa wallet ko."singit pa ni Ryu.

"Dami nyong sabi kahit hindi ko kayo imbetahan sa kasal ko tuloy parin hindi naman kayo ang magkakasal sa amin."sagot pa ni Wynn.

My Twin is My Husband WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon