Chapter 29

139 4 0
                                    

Chapter 29

"I - I thought i lost you pati ang mga anak natin. Sinisisi ko yung sarili ko na sana, hindi na ako umalis tapos noong papunta na ako sa hospital tumawag si Mommy na nag - aagaw buhay ka raw halos masiraan ako ng ulo  nun. Hindi ko alam ang gagawin tapos pagkarating ko sa OR may babaeng inilabas roon at dadalhin sa morgue sumama ako." Kwento pa nito  na iyak nang iyak.

"Shh.. Wynn hindi ako mawawala dahil lalaban ako hindi ko kayo iiwang lima."

"L-Lima?"saglit na natigilan si Wynn at nag - isip.

"We're having a quadruplets ayon sila sa gilid mo."ngiting turan nito sabay turo sa mga batang nasa glass crib.

Agad namang tumalima si Wynn para tingnan ang kanyang mga anak. Mas lalo pa itong naluha pagkalapit sa apat na batang lalaki na mahimbing na natutulog.

"Kamukhang - kamukha ko ang dalawa at sayo naman ang dalawa pa."komento pa ni Wynn ang kaninang pag - iyak ay napalitan ng tuwa.

"Syempre tayo ang gumawa nyan sa canada remember?"

"Anika nandyan lang sa labas sila Mommy tumigil ka nga."

Napahalakhak naman si Anika dahil sa kapilyahan.

"Hindi naman mabiro ang asawa ko halika nga rito at namiss kita."

Agad namang lumapit si Wynn sa asawa at tsaka binigyan ito ng halik at yakap.

Matapos iyon ay ang lalaki na ang unang bumitaw tsaka tiningnan di Anika at nagwika.

"Wife thank you dahil lumaban ka at hindi mo ako iniwan. Binigyan mo pa ako ng apat na mini me nating dalawa, alam ko na hindi sapat ang salitang salamat para sa lahat ng sinakrepisyo mo pero asahan mo mas lalo pa akong magiging mabuting asawa sa iyo at responsibleng ama sa mga anak natin. Gusto kong sabihin na mahal na mahal kita Anika Froster Huxley kayo ng quadruplets natin."mahabang litanya ni Wynn sa harap ng asawa na ngayon ay patuloy na lumuluha parin.

Hinampas naman ni Anika ang asawa para ma enlighten ang mood dahil puro na sila iyakan.

"Lalaban talaga ako para sa inyo at hindi ko lang iyon isang beses gagawin kung hindi paulit - ulit pa.
Magiging mabuting may bahay mo rin ako Wynn katuwamg mo ako sa lahat maski sa mga bata."puno ng sinseridad na sagot ni Anika.

Muli namang lumapat ang labi ni Wynn kay Anika tanda na sinasabi nito na walang anuman. Na agad namang tinugon ni Anika.

Nang mainip ang pamilya ni Wynn sa labas ay walang pasabi na binuksan ni Xavier ang pintuan at tumambad sa kanila ang mag - asawang nagtutukaan.

"Ay taragis naman si Wynn iisa pa kakapanganak palang ni Anika uyy!! Tama na yan."sigaw ni Liam.

Napabitaw naman si Anika tsaka hiyang hiya na itinago ang mukha sa dibdib ng asawa.

"Ano bang ginagawa nyo dito?"

"Baliw kanina pa kami dito nasa labas lang kami ng pinto. Nainip na kami tagal nyong mag tukuan este mag - usap kaya kami na ang nagpapasok sa sarili namin."sabi pa ni Ryu.

"Mommy at talagang kayo pa ang pasimuno hindi pa kami tapos mag - usap ng asawa ko."maktol nito.

"Asus! Ang sabihin mong bata ka nabitin ka tigilan mo nga ako Wynn kakapanganak lang ni Anika tatadyakan kita diyan makita mo."

Napangisi naman si Wynn alam nya talagang inisin ang ina.

Matapos ang nangyari ay hindi naman magkandaugaga si Xavier, Liam, Ryu at Wynn dahil sabay  - sabay na umiiyak ang quadro.

"Hoy kayong tatlo umalis na nga kayo dyan lalo nyo lang pinapaiyak ang mga anak ko." Sabi pa ni Wynn ngunit hindi natinag sina Ryu,Liam at Xavier ay nagbantay parin ang mga ito.

My Twin is My Husband WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon