Chapter 14

126 5 0
                                    

Chapter 14

Napangiti muna ito bago nagsalita.

"Anak, ako nga ang dapat mag sorry dahil hindi ka namin sinabihan tungkol sa kasal at kami lang ni Ani ang pumunta."

Tumingala si Anika at tumingin sa ina.

"Ayos lang Ma unti - unti ko na rin naman natatanggap tsaka napatawad ko na kayo ni Ani."sabay hila sa kakambal na nasa gilid lang.

Bumaling naman si Mrs. Froster sa panganay na anak."Ani pasensya na sa mga nasabi ni Mama noon sana mapatawad mo ako."senserong turan nito.

"Matagal kong hinintay ito Mama matagal ko na po kayong napatawad."madamdaming saad nito.

Matapos ang pagpapatawaran ay sinabi na rin ni Mrs. Froster at Ani ang totoo.

"Anika anak may sasabihin sana kami ni Ani tungkol sa kasal ni Wynn."

"M-Ma, okay na po tanggap ko na."

"Anika hayaan mo kaming magpaliwanag ng ate mo."

Tumango na lamang si Anika para wala ng gaanong deskosyon.

"Anika ang totoo niyan hindi si Ani ang asawa ni Wynn kung hindi ikaw anak."

Tila nabingi naman si Anika sa nalaman gulat ang rumehistro sa mukha niya sa mga oras na iyon.

"A-Ani, Mama?"

"Tama si Mama Anika tanda mo noon  noong nagtagaytay tayo may pinapirmahan akong dukomento noon. Iyon ang marriage contract na inalok sa akin ni Wynn ayuko talaga sa alok niya hanggang sa binasa ko yon nakita ko ang pangalan mo ang nakaimprenta roon kaya hindi ako nag dalawang isip na ikaw ang papirmahan nun without  your consent."mahabang paliwanag ni Ani.

"Paanong nangyari iyon? Sabi ni Wynn asawa ka niya."naguguluhang tanong nito.

"Sinabi lang niya iyon dahil hindi pa ayos ang gulong pinasok niya at namin ni Mama."

"Anak sa nalaman mo sana mapatawad mo kami"

"Napatawad ko na kayo Mama, Ani may sasabihin din sana ako lalo na sayo Ani."

"Ano iyon?"

"Ani, walang namamagitan saamin ni Xavier magkaibigan lang kami."

"Bakit mo sinasabi iyan?"takang tanong ng kanyang kakambal.

"Gusto ko lang maging honest sa inyo ni Mama."

"Aysus ang mga prinsesa ko dalaga na talaga. Yakap nga ng mahigpit mga anak ko."

Yumakap naman ang dalawa. Matapos ang dramahan ay nagtanong muli si Anika.

"Mama, anong dahilan kung bakit ka na hospital?"

"Sabi ng doctor ay na Over fatigue lang ako kaunting pahinga lang ay makakabawi rin ako ng lakas."

"Mag- ingat na po kayo sa susunod Ma nga pala umuwi na tayo sa bahay ha huwag mo na akong iwan mag - isa doon."

Tumango naman ang ginanang tsaka bumaling kay Anika.

"Ma, uuwi na din po ako pero sa ngayon magpapaalam muna ako kay Xavier ayaw ko naman na umalis basta - basta."

"Naiintindihan ka namin anak maghihintay kami sayo."

Matapos ang pag - uusap na iyon ay nagpaalam na si Anika na babalik na muli ng maynila. Si Ani naman ay naiwan upang bantayan ang kanilang ina.

Ilang oras lang ang byinahe ni Anika ay nakarating na rin siya sa condo ni Xavier.

Palabas na ng condo nang maabutan ni Anika si Xavier agad  niya itong tinawag at doon na nga sila nag - usap sa labas.

My Twin is My Husband WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon