"CLASS DISMISSED."
Nauna pa akong tumayo kaysa sa mga kaklase ko nang i-anunsyo iyon ni Mr. Carreon. Iyon na ang last subject namin sa hapong ito at pagkatapos ay magkikita na kami ni Regan sa parkingan ng mga bisikleta dahil ngayong araw ako sasama sa kanya papunta kina Rafael.
"Davina, sinong kasama mo sa project?" Lumapit sa akin si Leander na nakasuot na ng body bag niya.
"Hindi ko pa sigurado eh. Dalawang tao lang naman sa bawat isang destination, 'di ba?" tanong ko at sumabay na sa kanya sa paglalakad palabas ng classroom.
Maingay ang hallway dahil sa mga estudyanteng isa-isa nang lumabas ng kani-kanilang mga classroom upang umuwi. Palubog na rin ang araw kaya siguro ay aabutin kami ng gabi ni Regan sa bahay nina Rafael. Ayos lang naman dahil nakapagpaalam ako kay tatay. Hindi ko dinala ang bisikleta ko ngayon dahil nga sabay kami at siya rin ang sumundo sa akin kaninang umaga sa bahay.
"Gusto mo tayo na lang magkasama? Nahihiya pa kasi ako sa iba nating kaklase."
Natawa ako. "Ikaw nahihiya? E parang ka-close mo na nga silang lahat, e."
Humawak siya sa batok niya. Napansin kong hilig niyang gawin 'yan sa tuwing nahihiya siya sa sinasabi sa kanya.
"Pero sige . . . ikaw bahala. Wala rin naman akong ka-close sa classroom natin, e."
Nang makarating kami sa hagdanan ay tumayo muna kami sa gilid ng banyo ng mga babae. Marami pa kasi ang bumababa at kung makikipagsabayan kami ay baka magkatulakan at ang malala, baka may maaksidente pa.
Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Salamat, Davina!"
Tipid lang akong ngumiti. "Wala 'yon. E ang tanong may alam ka na bang lugar na pwede nating puntahan?"
Kailangan kasi naming gumawa ng research tungkol sa isang destinasyon na makikita sa probinsya ng Peterborough. 'Yong datingan ay tourist spot na pwedeng puntahan at pasyalan ng mga tao. Naisip ko nga sa Alpas Lake kaso meron sa akin na gustong ipagdamot ang lugar na 'yon.
"Oo, meron. Doon sa Himalaya Sunflower Farm."
Gumiyak na kami nang makitang kaunti na lang ang mga estudyanteng bumababa sa hagdan.
"Himalaya Sunflower Farm? Meron pala no'n dito?"
Tumango siya sa akin. "Sa kabilang bayan ang Himalaya. Hindi ka pa ba nakakapunta ro'n?"
Umiling ako. Sa sobra ko sigurong pagmamahal sa isla ay hindi ko na magawang lisanin ang lugar kahit para naman lang sa pagpasyal at pagkilala pa nang mabuti sa naturang lugar.
"Edi sakto pala ang project natin. Makakapunta ka doon. Kasi promise, maganda ro'n."
Ngumiti lang ako. "Talaga? Hmm sige . . . siguraduhin mo lang, ha? Kailangan nga ulit ang deadline nito?"
Hindi ko masiyadong naintindihan ang tungkol sa deadline dahil sa excitement ko sa pagsama kay Regan kina Rafael, e. Para ngang sa buong araw na nasa klase ako ay walang ibang nasa isipan ko kundi ang bagay na 'yon.
"Next week. Sabi ni Prof. Carreon, magiging exempted sa finals ang highest at magandang research kaya tingin ko, dapat talaga nating galingan."
Tama si Leander. Mabuti na lang talaga at mukha naman siyang pursigido sa paggawa namin ng research. Mukhang sa pagkakataong ito, hindi na ako mabibigatan dahil ka-level ko siya ng kagustuhang may matapos na project para sa subject namin. Quotang-quota kasi ako nung high school ng mga kaklaseng laging gustong binubuhat sa project, e, wala namang ambag.
"Okay, pag-usapan na lang natin 'yan bukas."
Tumigil kami sa daan sa parkingan ng mga bisikleta.
"Saan nga pala ang punta mo?" usisa niya.
BINABASA MO ANG
Twinkling Fireflies
Teen FictionPETERBOROUGH ENCOUNTERS [COMPLETED] Regan has Davina's heart ever since they were little. Inseparable as described by people surrounds them. But how long now that they are about to enter the world where all of their dreams are meant to be fulfilled?