Chapter 11

43 13 31
                                    

SIMULA NANG SUNDUIN ako ni Leander ay hindi na ako mapakali dahil nanatili sa isipan ko ang reaksyon ni Regan. Alam kong kasalanan ko dahil hindi ko siya naimporma. Pero kung tungkol lang naman kay Leander ang ikinagagalit niya, posible kayang— hindi! Hindi, hindi, hindi!

        Si Regan magugustuhan ako? E ang maton no'n, e. Kung manhid ako tungkol sa nararamdaman ng mga tao sa paligid ko, mas manhid siya. Ilang taon na 'kong may gusto sa kanya. Ilang shooting star na ang dumadaan sa langit banda sa bahay namin pero wala pa ring epekto. Pati sa aninipot na ilang taon na naming ginagambala, wala pa rin. Minsan nga, naiisip ko na siyang kulamin, e. May kilala akong pamilya ng mambabarang dito sa isla namin at kung tangkain man siyang agawin ni Marian sa akin, talagang magkakasubukan kami.

       "Davina, ayos ka lang?"

       Napabaling ako kay Leander na nakatingin sa akin na may pag-aalala. Magkasama nga pala kami . . . bakit ko ba nakakalimutan? Sinundo ako ni Leander gamit ang kotse niyang muntik nang bumundol sa akin—ang Aston Martin niya.

       Lumanghap ako ng hangin. "Oo, ayos lang . . . bakit?"

      Natawa siya at umiling. "Nagsasalita ka kasing mag-isa, e. Sinong ipapabarang mo baka masamahan kita."

      Nanlaki ang mata ko. "Narinig mo?!"

      Humalakhak siya. "Oo naman, malakas yata ang pandinig ko. Narinig ko sinasabi mo sa utak mo."

      Sinamaan ko siya nang tingin. "Nantitrip ka ba?"

      Muli siyang humalakhak. "Biro lang. De, malakas ka kasing bumulong. Mukha ka talagang determinadong ipabarang kung sino man 'yan."

      Narinig nga niya. Kung pwede lang kaltukan ang sarili, ginawa ko na. Kaso baka mas lalong maalog ang utak ko—mahirap na.

      "Wala 'yon. Just a monkey business."

      "Isama mo na 'ko. Open minded naman ako, e," sabi niya at muling tumawa.

      Napailing ako. Hindi ko akalaing may pagkabaliw rin pala ang lalaking 'to. Nang tingnan ko naman kung saan na kami papunta ay nanlaki ang mga mata ko sa paligid. Paano ba naman? Daig pa ng lugar na 'to ang salitang "paraiso". Pumalibot sa buong farm ang iba't ibang klase ng bulaklak. Pero mas marami pa rin ang bulaklak na mirasol.

     "Nandito na tayo?" tuwang-tuwang wika ko.

      Tumawa siya. "Oo, nandito na. Pero iikot pa tayo."

     Tumango naman ako at muling tiningnan ang mga bulaklak. Hindi ko inakalang may ganitong lugar pala rito sa Peterborough.

     "Alam mo, sakto 'yang suot mo para sa lugar," sabi niya kaya napatingin naman ako sa suot ko. Simple lang naman ang suot ko, e. White longsleeves na nakatupi hanggang siko tapos may white tshirt sa loob. Tapos, chuck na sapatos na niregalo sa akin ni tatay nung nakaraang taon. Nakatali ang kalahati ng buhok ko.

     "Talaga ba? Tingin ko nga rin. Mukhang hindi bagay sa dagat ang ganitong suotan, e."

     Ngumiti lang siya hanggang sa makarating kami sa matayog na itim na gate. Sumilip lang si Leander sa bintana nang may lumapit sa amin na guard. Binigyan niya naman ito ng permit at saka kami pinapasok.

     Kung ano ang kinaganda nito sa labas ay mas lalo naman sa loob. Hindi ako masiyadong maalam sa mga bulaklak. Pero talagang ang gaganda ng mga 'yon. Pwede kayang pumitas nang hindi napapagalitan?

     Nang makarating kami sa porch ay sabay kaming bumaba ni Leander. Mula rito ay may mga tao akong nakikita na nagpapa-picture sa gitna ng mga bulaklak.

Twinkling FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon