KABANATA II: Ang Pagbukas

1.6K 85 6
                                    


"MOMMY?" Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng anak ni Glaiza nang magising ito nang halikan niya sa noo. Masaya itong bumangon at niyakap siya nang mahigpit. Walang pagsidlan ang kasiyahan niya nang sa wakas ay nakauwi na siya sa kaniyang tahanan.

"Sabi ko sa iyo, magigising iyan, e," turan ng asawa niyang si Edgar na nakatayo sa pintuan ng kwarto ni Malia.

"Matulog ka na ulit, Malia. Bukas na tayo mag-kwentuhan. Marami akong ikukwento sa iyo na adventure ko," ani Glaiza matapos ang mainit na yakap nila ng kaniyang anak.

"Pwede po bang ngayon na lang, mommy? Excited na akong malaman what happenend sa cave na pinuntahan ninyo."

"Bukas na lang. Okay? Go back to sleep. Pagod din kasi si mommy. Para meron akong energy bukas." Pumayag naman si Malia at muli itong humiga.

Lumabas na silang mag-asawa sa kwarto na iyon at nagtungo sa kanilang silid. Hinalikan siya ni Edgar sa labi. Marubdob. Dama niya ang pagkasabik nito sa kaniya.

"Hon, I'm tired..." bulong niya nang maramdaman ang paghaplos nito sa kaniyang kanang dibdib.

"It's okay. Pahinga na tayo?" Buong pag-unawa na wika ni Edgar.

Isa sa nagustuhan niya sa kaniyang asawa ay ang malaki nitong pang-unawa lalo na sa kaniyang trabaho. Hindi ito nagagalit o nagdadamdam kung hindi niya maibibigay ang pangangailangan nito lalo na at kakauwi lamang niya. Alam nito kung gaano nakakapagod ng katawan at utak ang trabaho niya sa laboratory ni Sir Lawrence.

Humiga na sila. Hindi ipagpapalit ni Glaiza sa kahit na anong bagay ang pagkakataon na nasa iisang kama sila ng kaniyang mapagmahal na mister.

"Kumusta na 'yong research ninyo sa cave sa Laguna?" tanong ni Edgar.

"Okay naman. Nakakita kami ng isang naaagnas na katawan doon sa cave. At nakakapagtaka na humihinga pa siya! Talagang ang daming mistery nitong mundo natin."

"Really? Medyo nakakatakot naman pala! Kailan ang balik mo sa laboratory?"

"Isang araw lang ang pahinga ko. Kailangan ako doon nina Sir Lawrence..." Biglang sumagi sa isip niya si Sir Stephen. "Wala na pala si Sir Stephen sa laboratory, hon. Inalis siya kasi hindi niya nagawa 'yong time machine."

"'Yong tatay-tatayan mo sa laboratory?"

"Oo. Siya nga. Nakakalungkot lang na wala na siya. Alam mo naman na siya ang una kong naka-close doon. Naniniwala ako sa studies niya about time travelling pero hindi na siya nabigyan ng mas mahabang panahon to prove that."

"Maiba ako. Graduation na ni Malia next week. Will you be there?"

Natigilan siya. Oo nga pala. Ga-graduate na sa Kindergarten ang anak niya. Hindi pa niya iyon napagpapaalam kay Sir Lawrence. "I will. Dapat ay nandoon ako. Gagawa ako ng paraan. Hon, pwede bang matulog na tayo. Pagod na pagod ako, e..." aniya.

"Sure. Come here." Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad ni Edgar sa labi niya at sabay na silang pumikit para matulog.


-----ooo-----


NAPAKABILIS ng oras. Kahapon ay kasama ni Glaiza ang kaniyang mag-ama pero ngayon ay nakasuot na siya ng lab gown at nasa laboratory building na. Oras na para magtrabaho. Oras na rin para pag-aralan ang katawan na nakita nila sa kuweba sa Laguna. Habang papunta sa laboratory room ay nadaanan niya ang office ni Sir Stephen. Bahagyang nakabukas ang pinto niyon kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na sumilip.

Nilukob siya ng lungkot nang makitang wala na ang mga gamit ng lalaki. Talaga ngang inalis na ito. Wala na siyang makakasabay sa pagkakape sa madaling araw at makakausap tungkol sa mga interesadong bagay pagdating sa time travelling. Lahat ng pinaghirapan nito sa napakaraming taon ay itinapon ng laboratoryong iyon. Nakakapanghinayang.

YEAR 1876: Tales of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon