KABANATA V: Ang Paglabas

1.2K 71 8
                                    





ONE week later...

"Tuluyan nang nakalabas ang mga infected sa Laguna nang dahil sa nagawa ng mga ito na i-overpower ang militar na nagbabantay sa isang checkpoint. Sa kasalukuyan ay mabilis na kumakalat ang nakakatakot na virus mula sa parasitic worm sa mga karatig na lugar—"

Scroll up.

"Ano na ang ginagawa ng pangulo?! Nasaan na siya sa oras na kailangan natin siya?! Bakit wala man lang siyang plano para matapos na ang impyernong ito sa ating bansa?!"

Scroll up.

"May nakapagsabi sa akin na very reliable source na nasa Australia na ang president. Yes, guys! Our president left us! Wala siyang silbi! This is now a survival of the fittest! Matira ang matibay—"

Scroll up.

"Magsisi na tayong lahat sa ating kasalanan! Ito na ang paghuhukom. Haharap na tayong lahat sa Diyos at Siya lamang ang makakapagsabi kung tayo ba ay maliligtas o nararapat na mapunta sa dagat-dagatang apoy!"

Scroll up.

"Hey, guys! I am here to teach you how to survive a zombie apocalypse. First—"

Scroll up.

"Bakit ang pangulo ang sinisisi ninyo? Bakit hindi ninyo sisihin ang baliw na scientist na si Lawrence Fuentes?! Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito kasama na ang mga alipores niya na tumulong sa kaniyang pag-aaral—"

Naputol ang panonood ni Glaiza sa Tiktok nang may umagaw sa phone na hawak niya. Nakaupo siya noon sa stool chair sa mini bar ng kanilang bahay habang umiinom ng rhum ng umagang iyon. Sa pag-angat niya ng mukha ay nakita niya si Edgar. Napapailing ito habang nakatingin sa kaniya.

"'Di ba, ang sabi ko sa iyo ay huwag ka munang manonood ng videos online? Makakapanood ka na naman ng mga taong sinasama ka sa pagsisi sa pagkalat ng mga invected dito sa Pilipinas, e," turan ng asawa niya sabay patong ng cellphone niya sa lamesa sa harapan.

"I c-can't help it. Siguro nga, tama sila. May parte ako sa nangyayari ngayon."

"Kung alam mo na ganito ang mangyayari, alam ko na simula pa lang ay hindi ka na magtatrabaho kay Sir Lawrence. Glaiza, hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo sa nangyayari ngayon. Saka tigilan mo na ang pag-inom. Lalo na at ganito kaaga. 'Buti at tulog pa si Malia. Ayokong nakikita ka niyang ganiyan."

Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Glaiza. Kahit anong salita ang sabihin ni Edgar ay hindi niya pa rin kayang iwasan na sisihin ang sarili. Simula nang tuluyan nang makalabas ng Laguna ang mga infected ay mabilis iyong kumalat sa mga kalapit na bayan. Buong Luzon ay may kaso na ng infected. May ilan sa Visayas at Mindanao. Ang hinala, may mga umuwi ng kanilang probinsiya na hindi alam na infected sila. May ilan kasing tao na kahit nakagat na ng isang infected ay mabagal ang pagdevelop ng parasitic worm na acaris sa katawan ng mga ito.

Hindi na alam ng mga eksperto ang totoong kakayahan ng acaris. Inumpisahan na ang pagtuklas sa lunas pero alam niya na matatagalan pa iyon. One year o baka abutin pa ng tatlo o baka lima. Walang makakapagsabi. Kaya walang nakakaalam kung hanggang kailan pa sila sa ganoong sitwasyon na lahat ay natatakot. Lahat ay nagtatago sa kani-kanilang bahay. Takot lumabas dahil baka may makasalubong na infected at atakihin.

"Oo nga pala. Paubos na ang stock natin ng pagkain. Kailangan kong lumabas para kumuha ng pagkain," ani Edgar.

"L-lalabas ka? Edgar, hindi safe sa labas ngayon. Wala nang nagagawa ang kapulisan at militar laban sa mga infected. Paano kung mapahamak ka?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

YEAR 1876: Tales of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon