KABANATA III: Ang Pagkabuhay

1.4K 72 8
                                    




"H-HE'S alive!" Hindi alam ni Lawrence kung saan niya ilalagay ang kaniyang kasiyahan nang makita niya na humihinga na ang katawan ng lalaki na nilagyan nila ng unknown organism na pinangalanan niyang "acaris".

Bagaman at hindi gumagalaw ang katawan ay malaking bagay na para sa kaniya na malaman na ang acaris ang dahilan kung bakit ito nagkaroon ng buhay.

"Sir, hindi pa rin nagkakaroon ng pagtibok sa kaniyang heart and his breathing is slow. We can also see sa monitor na nakakabit sa loob ng utak niya na mabilis ang paggalaw na ginagawa ng acaris. Very aggressive!" turan ni Glaiza sa kaniya.

Mataman na tiningnan ni Lawrence ang acaris sa monitor. Ramdam niya na iyon na ang unang hakbang sa napakaraming taon ng sakripisyo sa pagtuklas sa bagay na magiging dahilan upang hindi na mamatay ang mga tao!


-----ooo-----


SIX hours later...

May lungkot sa mga mata na ni Stephen habang pinagmamasdan niya ang mga gamit niya sa laboratoryo sa kaniyang tahanan. Naroon na rin ang time machine na ilang taon niyang binuo at sinubukang paganahin ngunit nabigo siya. Maraming taon ang ginugol niya upang patunayan na kayang maglakbay ng isang tao sa nakaraan at hinaharap. Napakaraming beses niyang nabigo at muling sumubok ngunit hindi siya napagod dahil naniniwala siya na darating ang araw na magtatagumpay din siya.

Nang i-present niya kay Sir Lawrence ang kaniyang pag-aaral tungkol sa time travelling at time machine ay agad itong nagkaroon ng interes. Kailangan niya kasi ng suporta at budget para sa pagbuo niya ng time machine kaya ang sikat na scientist ang agad niyang nilapitan. Naglaan ng ilang bilyong piso si Sir Lawrence para sa kaniyang pag-aaral at pagbuo ng machine na iyon. Hanggang sa tuluyan na siyang sinukuan nito at inalis na siya sa grupo nito. Nakakalungkot lang na kung kailan nararamdaman niya na malapit na siya sa tagumpay ay saka siya nito binitiwan.

Ang totoo ay sobrang sama ng loob niya. Ipinapakita niya sa lahat na tanggap niya na nawala na siya sa grupo ni Sir Lawrence ngunit ang katotohanan ay nagpupuyos sa galit ang puso niya. Ipinakita niya sa lahat na mahusay siya pero sa huli ay para lamang siyang basurang itinapon. Hindi ba pwedeng pagbigyan pa siya ng pagkakataon.

Nagkamali kayo sa pagbasura sa akin. If I'll have a chance... gaganti ako sa inyo! Sigaw ng utak niya.

"Stephen, ready na ang dinner..." Ang malamyos na boses ng asawa niyang si Maricel ang nagpahinto sa malalim na pag-iisip niya.

Lumingon siya rito nang hindi nagsasalita.

Humakbang ito palapit sa kaniya at masuyong hinawakan ang isa niyang kamay. "Kaya mo pa ring buuin ang time machine dito sa bahay. Hindi man ganoon kalaki ang laboratory mo rito pero naniniwala ako na this time, magtatagumpay ka na," anito sabay ngiti.

Kahit paano ay napagaan ni Maricel ang bigat sa kaniyang dibdib. Tama ito. Hindi porket wala na siya sa grupo ni Sir Lawrence ay nawala na rin ang kakayahan niya. Mas maganda kung ipapakita niya sa lahat na kaya niya kahit mag-isa na lang siya. Hindi niya dapat biguin ang mga taong naniniwala pa rin sa kaniya lalo na ang kaniyang mag-ina.

"Si Steve?" tukoy ni Stephen sa anak.

"Nasa dining na siya. He's waiting for you. Nagluto ako ng favorite mo. Bulalo at tawilis."

Nagtungo na silang mag-asawa sa komedor. Magana siyang kumain. Panay ang tanong ni Steve sa mga ginagawa niya sa time machine. Nakita niya ang interes nito. Kumukuha ng kursong mechanical engineer ang kaniyang anak at nararamdaman niya na nais nitong sumunod sa yapak niya.

YEAR 1876: Tales of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon