The 7 Year Itch | GrayNiq

38 5 2
                                    

Sabi nila, the happiness in a marriage or a long-term relationship declines after around seven years.

The seven year itch is the idea that after seven years in a relationship, we start to become restless. Tired. Bored.

Can we surpass the so-called psychological phenomenon without therapy? Can we fight the slump and find a way to regain the passion we lost? Do love really last no more than 7 years at most?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagod.

Pagod na akong magpulot ng medyas at pantalon na basta na lang iniiwan sa sahig pagkahubad. Pagod na kong magligpit ng pinagkainan na hindi man lang mailagay sa lababo matapos maghapunan. Pagod na kong magsalansan ng mga damit na nakabalumbon at hindi nakatiklop ng maayos tuwing kukuha ng t-shirt sa damitan. Pagod. Pagod na pagod na ko.

“Baby, ihahatid ko muna si Via kanila Dax. Mag-oovernight daw ang mga bata. Gusto mag-staycation nila Gian kaya isasama nila si Via. Sa Linggo na raw sila uuwi.” narinig ko pa ang nagsusukang boses ng asawa ko na kasalukuyang nagsisipilyo sa banyo sa loob ng kwarto namin. “Gusto mo bang sumama sa amin?”

“Hindi na,” pagtanggi ko. “Sumasakit ang ulo ko.”

Sa dami ng kalat sa pamamahay na ito, gusto ko sana sabihin kaya lang ay nag-dalawang isip ako kasi baka ma-offend si Gray.

“Kailan pa? Saan banda sumasakit? Huwag ko na kaya ihatid si Via. Samahan na lang kita dito? Uminom ka na ba ng gamot? Gusto mo ikuha kita ng tubig?” sunod-sunod na tanong nito na parang mas nakadagdag sa pananakit ng ulo ko.

“Hindi na. Ihatid mo na si Via. Okay lang ako dito.”

“Sigurado ka?” nag-aalalang tanong nito sa akin, “kung may kailangan ka, tawagan mo ko. Kahit nasa gitna ako ng highway, mag-u turn ako para makauwi agad dito.”

“Sira,” napangiti ako sa sinabi ni Gray. Hinampas ko ito sa balikat ng bigla itong yumuko para halikan ako sa ulo. “okay lang ako, sige na. Umalis na kayo ng anak mo para makabalik ka agad dito.”

“Mabilis lang ako, baby. Promise, hindi ako magtatagal doon. I-drop off ko lang si Via.”

Ilang ulit pang nagpaalam si Gray bago ito tuluyang lumabas ng kwarto namin. Kung hindi ko pa ipinagtulakan para lumayas na ito sa harap ko ay hindi pa talaga ito aalis.

Nakakatuwa lang isipin na kahit magpi-pitong taon na ang nakakalipas mula ng dumating sa buhay namin si Via ay hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ni Gray sa akin. Likas pa rin ang pagiging malambing at maalaga ng asawa ko.

Ngunit lahat ng kilig na naramdaman ko ay mabilis na napawi ng pumasok ako sa banyo. Nakapatong ang pinaggamitang tuwalya nito sa lababo, katabi ang sipilyo at toothpaste na hindi man lang tinakpan. Naglalawa ang tubig na animo nag-swimming ito sa dagat. Ang hinubad naman nitong brief ay nakatapon sa sulok. Naihilamos ko na lang tuloy ang dalawa kong kamay sa mukha ko.

“Chua! Ahhh, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa iyo.”

True to his words, bumalik si Gray sa bahay matapos ang isa't kalahating oras. May dala itong plastik ng kilalang botika at isang supot ng pagkain. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Kung kilala mo lang ito imbes na kiligin ay mabibwisit ka sa itsura nito.

“Ano ba naman 'yan, Chua, okay ka lang ba?”

“Kumain ka muna. May dala akong soup dyan. Tapos uminom ka agad ng gamot para hindi na sumakit ang ulo mo.”

“Grayson, hinga. Sakit lang ito ng ulo. Ang praning mo! Paano kung nabangga kayo?”

“Sige na, huwag mo na akong isipin. Uminom ka na ng gamot tapos magpahinga ka na. Ako na ang magtutuloy ng mga ligpitin mo dito.” habang pinagsisilbihan ako nito ay tuloy tuloy ang pagtatanong nito ng mga kailangan nitong gawin. Kung ano pa ba ang gagawin ko, magluluto ba ko, ilang oras ko ba balak matulog at kung pwede niya kong gisingin para makainom ulit ng gamot matapos kong magpahinga.

When Love Takes OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon