Love Is Over | JK-Mia

30 5 5
                                    

BTS 2: Love Is Not Over // Ang Simula

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Mia, sandali!” naiikot ni Mia ang mata ng marinig ang boses ni Justine. Schoolmate niya ang binata simula pa elementarya kaya kabisadong-kabisado na niya ang tunog ng boses at paghinga nito. Ikaw ba naman ang kulit-kulitin nito araw-araw, tignan natin kung hindi mo makikilala ang lalaking ito.

“Kumain ka na ba, Mia? Tara, punta tayo kay bubuyog. Libre kita!”

“Thanks but no, JK.” mariing tanggi niya sa binata na hindi man lang nabawasan ang malapad na pagngiti. “Excuse me, aalis na ako.”

“Uuwi ka na ba? Hatid na kita,” pagpupumilit nito na akma pang kukuhanin ang bag niya na nakasabit sa balikat niya. Sinubukan niyang iiwas ang bag niya rito ngunit sige pa rin ito sa paglapit at pag-abot sa gamit niya.

“Justine, ano ba? Hindi mo pa rin ba naiintindihan?” napalakas ang boses niya kaya naman pinagtitinginan na sila ng mga tao, “ano bang mahirap intindihin sa no? Ayaw ko, okay na? Ayan, tinagalog ko na para mas maintindihan mo.”

“Gusto lang naman kitang ihatid, Mia.”

“Pero hindi ko nga gustong magpahatid sa iyo,” pagtataboy niya rito. “Parang awa, tantanan mo na ko.”

“Pero Mia—” umismid lang siya at hindi na ito pinansin pa. Masyado na siyang nakukulitan dito. Ang alam niya, matalino naman ang binata, kaya nauubos talaga ang pasensya na tuwing kaharap niya ito na para bang isa itong paslit na hindi marunong umintindi ng wikang Tagalog.

Mabilis siyang naglakad palayo sa kaawa-awang binata. Wala siyang pakialam kahit nagbubulungan na ang mga taong nakakasalubong niya. Sa eksena nila ni JK kanina ay hindi nakapagtataka na naagaw nila ang pansin ng mga tao sa paligid nila. Gusto na lang talaga niyang makaalis sa harap nito. Gusto na niyang makalayo kay JK.

Humihingal na ibinagsak ni Mia ang kanyang bag at libro sa kanyang upuan pagpasok niya sa klase ng araw na iyon. Tinanghali kasi siya ng gising. Mabuti na lamang at mukhang mas tinanghali ang guro nila dahil nauna pa siya ritong makapasok sa silid nila. Ibig sabihin, hindi pa siya late.

“JK, balita ko crush ka daw ni Madeline.” hindi niya maiwasang tumingin sa likuran ng marinig ang panunukso ng mga barkada ni JK sa binata. Nakakumpol ang mga ito sa likuran niya na animo nakatambay lang ang mga ito sa tindahan sa kanto. May mga nakaupo sa mesa, sa sahig, at ang isa pa ay nakakandong sa kaklase din nila.

“Noah, isa! Sabi ko huwag mong sabihin, 'di ba?” maarteng sabi ni Madeline na pinapungay pa ang mga mata ng tumingin sa ngingisi-ngising si JK.

Ang lalandi!

“Totoo ba, Madel?” ngumiti pa ng pagkalaki-laki ang haliparot na JK, tila sayang-saya sa kaalaman na may nagkakagusto rito. “Gusto mo ko? Baka hindi mo ko kayanin.”

Dukutin ko kaya ang mata ng haliparot na 'to para malaman niya kung totoo nga na may gusto sa kanya si Madeline?

“Uy, Mia!” hinampas siya ng matalik niyang kaibigan na si Queenie sa balikat, “kanina pa kita tinatawag. Nakatanga ka na dyan.”

“Ano 'yon?” kunwari ay balewala lang sa kanya ang mga narinig mula sa grupo nila JK ng bigla itong nagtinginan sa kanya. Bahagya niyang pinandilatan ng mata si Queenie at agad naman nitong nakuha ang senyas niya.

Pahamak na Queenie 'to. Muntik pa tuloy akong mahuli. JK Mode: ON nga, eh.

“Tara, CR tayo. Hindi naman daw papasok si Sir Picache. Nagpaalam na ko kay Class President.”

When Love Takes OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon