In Abbi, sino may Xavi? Charaught.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tanghali na bumangon si Abbi. Wala naman kakaiba sa araw na iyon. Normal naman para kay Abbi na tanghaliin ng gising dahil sa pag-aalaga niya sa quadruplets nila ni Xavi. Nakasanayan na niya ang paggising ng tanghali dahil karaniwang gising ang mga anak niya ng madaling araw. Sunod-sunod pa kung umiyak ang mga ito kaya naman pagod na pagod talaga siya. Napag-uusapan naman nila iyon ni Xavi at okay lang dito na ito ang mag-aasikaso sa mga bata at sa bahay kapag may araw, at siya naman kapag gabi. Kumbaga, may sarili na silang toka ng oras kada araw.
“Love,” pupungay-pungay niyang tawag kay Xavi nang makarinig ng iyak ng bata. Nang hindi ito sumagot ay napakunot ang noo ni Abbi. Hindi bingi si Xavi. Lalong hindi ito pabayang ama. Sa kanilang dalawa nga, feeling ni Abbi ay mas attentive at maasikaso si Xavi sa mga anak nila kaysa sa kanya. Kaya ng marinig niya na dalawa na ang naiyak na bata ay napilitan na siyang bumangon para lumapit sa mga ito.
“Ssshh, X2 and X3!” pagtapik niya sa mga anak niya ng makitang nakayuko si Xavi sa crib ng mga ito at tulog na tulog. Mukhang nakatulog na ito sa pagod kaya tinapik na niya ito para lumipat sa kama. Ngunit tulog na tulog si Xavi at hindi man lang nagising sa tapik niya. “Love, lipat ka na sa kwarto.”
Girl, sa iyak nga ng mga bata hindi nagising? Sa tapik mo pa kaya.
Napakibit-balikat na lang siya at napapalatak ng mula sa dalawa ay naging tatlo na ang umiiyak na bata.
“X1 naman, sumunod ka pa.” kumuha siya ng tatlong bote at sinalinan iyon ng tubig ng makitang ubos na ang na-pump niyang gatas kinagabihan, “puro kayo dede. Mukha kayong dede. Manang-mana kayo sa tatay niyo.”
“Wala ka naman nun,” nagulat siya ng may magsalita mula sa likuran niya. Muntik pa niya mabitawan ang boteng sinasalinan ng tubig. Mabuti na lang at maagap si Xavi at nasalo nito iyon. “Bakit hindi mo ko ginising?”
“May dede na ko, hello. Thanks sa gatas.” inirapan niya ang asawa at nagpatuloy sa pagsalin ng tubig sa ibang bote, “at anong hindi ginising? Hoy, tapik ako ng tapik sa iyo. Tatlong bata na nga umiiyak sa tabi mo, hindi ka pa rin nagigising dyan.”
“Sorry,” pupungas-pungas nitong sabi.
Sandali lamang naging aantok-antok si Xavi. Mabilis ang naging pagkilos nito sa pagtitimpla ng gatas. Pagtingin niyang muli ay may nakasalpak ng mga gatas sa bibig ng apat na anak nila. Naihanda na rin ni Xavi ang plangganita at mga bulak sa tabi niya.
“Bakit may plangganita nito?” tanong ni Abbi sa asawa na may dala-dalang mga damit at diapers.
“Time to change diapers, love.” ngumiti ito sa kanya at pinatabi siya ng bahagya, “na-reheat ko na 'yong lunch natin. Kunin mo na lang sa microwave. Naluto ko na 'yon kanina. Kumain ka na.”
“Sabay na tayo.”
“Mauna ka na, papalitan ko pa ng diapers ang mga bata,” nakangiting pang-uudyok nito sa kanya bago siya ginawaran ng halik sa ulo at sinimulang linisan ang mga anak nila.
Nang makababa sa kusina ay narinig ni Xavi ang mahihinang singhot ng kanyang asawa. Nagmamadali siyang bumaba para tignan kung ano ang nangyari kay Abbi ngunit ng hindi niya ito nakita sa dining nila ay nagtaka siya. Hindi ba't sinabihan niya ito na magpauna ng kumain. At anong nangyari dito, bakit ito umiiyak?
“Love?” pagtawag niya dito, “love, saan ka?” papalakas ng papalakas ang tunog ng mahihinang paghikbi nito, marahil ay ayaw iparinig sa kanya na umiiyak ito, pero narinig pa rin naman ni Xavi ito lalo na ng makarating siya sa may sala.