Hello!
If you reach this chapter, this means that this book is over. ☺️
Hindi katulad ng love, some things are meant to be over.
Done. Finished. End.
Sabi rin nila, in every ending… there is a beginning. (Charaught!) I don't know if kailan ako magkakaroon ng kasunod kasi nauubos rin ako. Ubos na ubos na ako. Charing! Ang corny, corny ko na lately. Noon pa naman, pero parang mas this past few months.
The fire inside me slowly dissipated. I am terribly sorry. 🥺
Marami akong plots. Marami akong ideas. I can also help my writer-friends with fillers and their writer's block, but… I can't help myself. I lost the urge and will to write. And for that, I wanted to apologize.
I promise to come back. Like before, like mushrooms. Susulpot ako at magpaparamdam muli. Nandito lang naman ako, pabasa basa lang. Patingin-tingin. Pamasid-masid. Someday, I know, I will come back. Darating ulit 'yong araw na mapatingin lang ako sa isang bagay ay mai-inspire ako at makakabuo ako ng plot na mangangati akong sulatin agad.
Namimiss ko na magsulat. Namimiss ko na bumuo ng kwento at ilagay dito kahit na hindi naman ako sigurado kung may nagbabasa o nagbabasa pa. Namimiss ko na 'yong saya na binibigay sa akin ng kwentong ginagawa ko kapag nalalaman ko kung ano ang nagiging epekto nito sa bumabasa dito.
To my Bangdol girls, mahal na mahal ko… ang Bangtan. Sorry kung mas gusto kong mag-binge watch ng DalBang kaysa tapusin ang mga kwento niyo. Habang tumatagal kasi, mas lumalalim ang pagiging delulu ko. Parang gusto ko sa akin na lang sila lahat. 😌
Sa aking mga Pokies, stay strong! HAHAHAHAHA. Araw-araw naman tayo magkakausap, eh. Pwe 🙄
Sa lahat ng mga bagong mambabasa ng FMS, pati na rin ng LSS at BTS, thank you for spending your time reading my stories. Sana naramdaman niyo ang emosyon na gusto kong maramdaman niyo mula sa mga naisulat ko. My Fix Me Boys are my pride and joy. Hehe! My first-borns. I hope you enjoy reading them as much as I write each one of them.
At sa pinakamamahal kong Octavio, mi amor. Wala lang. Skl!
Oh, 'di ba? Hanggang dulo, nasayang ko ang oras mo. Hihi! Ty. I appreciate y'all sm. 🫶🏻
(This book is unedited. Feel free to correct grammatically incorrect statements and typographical errors.)
~ badiday