Father of Three | DAXIANNA

12 2 0
                                    

Family Love is the first type of love that you will ever learn. It will come from your family members, mostly immediate family. A love that is unconditional you won't seek something in return. It enables you to form security and stability... attachments.

“A child with secure attachments also can more easily form healthy ties with others when they grow up and throughout their future.”

Reference: https://www.verywellmind.com/

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

May higit sampung minuto na yatang nagpapaikot-ikot si Gianna sa buong bahay nila ng hapong iyon. Ngayong araw masisira ang pagmo-mongha niya ng tatlong buwan. Mula ng ipanganak niya ang bunsong anak na si Damon, nararamdaman ni Gianna ang malaking pagbabago sa kalusugan niya.

Hindi tulad ng dati, noong pinanganak niya si Deville, mabilis na siyang makaramdam ng pagod at pagkahapo. Naiisip naman niya na mahabang panahon na rin naman mula noong huli siyang nagbuntis at talaga naman na may edad na rin siya, ngunit iba ang pagod niya nitong mga nakaraan na buwan.

“Mommy, mag-aalas dos na. Bakit hindi ka pa naalis?” tanong sa kanya ng asawang si Dax na tanging boxer lang at maliit na kulay pink na apron ang saplot sa katawan. May bula rin ang mga braso nito. Napatanga na lang siya ng pilit na inaabot ng mukha nito ang balikat nito. Naninigas kasi ang muscles nito, parang dini-display ang katawan sa kanya.

“Ano ba 'yang itsura mo? Hindi ako naaakit sa muscles mo, Abusado. Huwag ka ng mag-flex sa harap ko.” mabilis siyang napaatras ng sumimangot ito at lumakad papalapit sa kanya.

“Ano ba, Gi? Layo ka ng layo. Punasan mo 'yong pisngi ko. Nangangati sa sabon. Natalsikan ng bula.” napahinga siya ng malalim bago tumingkayad para pahiran ang ngayon lang napansin na bula sa mukha nito.

Flex pala, ah? Halatang na-distract ka sa katawan ng asawa mo. Puro sabon na sa katawan pero ang focus mo nasa braso lang.

“Anong oras ka aalis?” tanong nito matapos niyang matanggal ang bula sa mukha nito. “Hindi ba kayo magsasabay ni Niqi?”

“Sabay na. Baka magkita na lang kami sa coffee shop sa gate ng subdivision nila Tyn. Magdadala daw kasi sila ng sasakyan.”

“Ingat kayo,” hinalikan siya nito sa labi at tumalikod na.

“Uy, 'yon lang?” tanong niya na bahagyang nadismaya.

“What?”

“Kiss lang? No quickie?” panunukso niya na sinagot ng ungol nito.

“Three months pa lang si Damon, Gianna. Umalis ka na para makabalik na ko sa nilalabhan ko.”

“Sungit!” natatawa niya sabi bago ipinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili.

“Daddy, can you tie my hair?”

“Dad, Damon is crying. I think he pooped na.”

“Dad, where's my tablet?”

“Dad, mag-3:30 na. You need to feed Damon for his vitamins.”

“Daddy, I'm so hungry. Can you cook me something?”

“Dad, saan iniwan ni mommy 'yong notes ko?”

“Daddy, let's buy some coffee.”

“Dad, I'm done watching over Damon. I have to review my exam tomorrow.”

“Daddy...”

“Dad…”

“Dad… please?”

When Love Takes OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon