Randell Maverick and Fleur Ysabela // AU.
RM-Ysa presents: what can you do in order to keep a job that you are losing?
Office Romance × not affiliated with Hold Me Tight
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nanghihinang napasandal si RM matapos lumabas sa opisina ng HR ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Isa siya sa listahan ng mga utility staff na matatanggal sa kumpanya dahil naisip ng may-ari na mag-cost cutting. Kung kakausapin sila para babaan ang sweldo nila ay mas katanggap-tanggap pa para sa kanya. Di bale na maliit ang kitain kaysa naman ipatawag ka para sabihin na tanggal ka na sa trabaho.
Buong araw na matamlay ang mga kasama niya. Ang iba ay nalungkot sa kaalaman na mababawasan sila. Yung iba naman ay nag-iiyakan, at ang iba ay kinakabahan. Hindi kasi sila sigurado sa bilang ng mga empleyado na matatanggal. Hindi rin naglabas ang mga ito ng listahan kaya lahat ay natatakot dahil baka sila naman ang sunod na ipatawag para makatanggap ng masamang balita.
“Makiusap kaya ako kay Ms. Marte?” narinig niyang sabi ng isang technician nila.
“Ano ka ba? Hindi mo ba naririnig ang mga usap-usapan dito? Masama ang ugali ni Ms. Marte. Siya nga ang dahilan kung bakit tayo natanggalan ng trabaho.” sabi ng janitress na si Aling Becky. “Ako nga na dalawampung taon na sa kumpanya, basta basta na lang inalis dito.”
“Buntis si misis, Aling Becky. Anong gagawin ko? Saan ako kukuha ng pampaanak at panggatas ng magiging anak ko.”
Dahil sa mga narinig, nagkaroon ng ideya si RM sa kailangan niyang gawin.
Sa loob ng isang taon, kahit minsan ay hindi niya pa nakikita ang itsura ni Ms. Marte. Hindi katulad noong technician, matagal ng narinig ni RM ang mga bulungan at tsismis ng mga empleyado tungkol sa kanilang amo. Ngunit kahit ganoon, hindi niya iyon binigyan pansin. Para kay RM, kaya siya nandoon ay para mag-trabaho at may pagkaing maisusubo niya sa bibig araw-araw. Wala siyang pakialam kahit anak pa ni Satanas ang kanyang maging boss. Basta mapa-sweldo siya nito ng tama, magta-trabaho siya para dito.
Nang matunton ang palapag ng opisina ni Ms. Marte ay nakaramdam ng panlalamig ng buong katawan si RM. Tila biglang gusto niyang umatras sa gagawin at huwag na lang makiusap dito. Wala naman mawawala kung pakikiusapan niya si Ms. Marte. Hindi katulad nung technician at ni Aling Becky, bata pa naman si RM kaya sigurado siyang makakahanap pa siya ng mapapasukang trabaho. Iyon nga lang, hindi naman ganoon kadali ang maghanap ng mapapasukan. Tanging ang pakikipag-usap niya lang kay Ms. Marte ang maaari niyang gawing solusyon sa problema niya ngayon.
“Come in,” narinig niyang tugon nito ng kumatok siya sa pinto nito. Hindi katulad ng ibang opisina sa buong kumpanya, hindi gawa sa salamin ang opisina ni Ms. Marte. Gawa iyon sa bato kaya hindi niya masilip ang itsura nito. Maging ang pinto nito ay walang salamin. Kinakabahan tuloy siyang pumasok sa silid.
“If you are not coming in, better leave my floor, and get back to work. You are disturbing me.”
Huminga siya ng malalim bago mabilis na binuksan ang pinto. Hindi na nag-isip pang pumasok sa silid si RM at mabilis na sinara iyon. Ang una niyang napansin pagpasok ng kwartong iyon ay ang mesita nito na gawa sa kahoy. May katapat iyong mahabang sofa na gawa rin sa kahoy na may tatlong kuwadradong unan. At higit sa lahat, ang kulay pulang panty at itim na stockings na nakapatong sa mesita nito. Nang marinig ang pagtikhim ng amor ay mabilis na hinanap ng paningin ni RM ito.