Czarina Pauline Bayani, daughter of Apolinario Bayani and Gabriela Silang... and X1's secret girlfriend.
Special Chapter - an insight at the Bayanis' household.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kinakapa-kapa ni Pau ang ilalim ng unan niya para abutin ang cellphone niya. It's a habit of hers. Nasanay siyang matulog na nasa ibabaw lang din ng kama niya malapit sa kanya ang telepono para magising siya sa tunog ng alarm niya. Masarap kasi siyang matulog. Kung hindi siya mag-aalarm o magigising sa alarm niya ay tiyak na mahuhuli siya sa klase niya sa susunod na araw.
Bata pa lamang siya ay sinanay na siya ng mga magulang na maging independent. Tatlong taong gulang pa lamang ay natutulog na siyang mag-isa sa sarili niyang silid. Nasanay na rin siyang gumising ng maaga dahil gusto ng tatay niya na sabay-sabay silang kumain ng almusal.
Nasaan na si Paulita? Tanghali na, aba! Natutulog pa rin ang bruha.
Nag-inat siya ng katawan bago dali-daling tumakbo papasok sa banyo sa loob ng kwarto niya. Kailangan ay makalabas na siya ng kwarto bago pa pumasok ang Ninang Pami niya. Mahirap na! Baka may makita ito sa kwarto niya at isumbong siya sa mga magulang niya.
Isang beses kasi ay pumasok ito sa kwarto niya at nakita nito ang sinusulat niyang love letter para kay Alex. Mabuti na lamang at hindi niya sinulat ang pangalan ni X1. Iyon nga lang, chinika ng magaling niyang Ninang kay Apol na may boyfriend na siya. Napagalitan tuloy siya ng tatay niya.
"Pauli—"
"Good morning, Ninang Pami!" dumamba siya ng yakap dito matapos niyang buksan ang pinto. Nagulat ito sa pagsalubong niya kaya nagawa niyang isara ang pinto niya bago ito nakasilip doon. "Ang aga mo yata today?"
"Babaita, tanghali na! Alas-otso y media na. Ngayon ka lang bumangon. Tara na sa hapag at nang makapag-almusal na tayo." pag-aya nito sa kanya na inipit pa ang kamay niya sa braso nito. "Kumusta na, nak? Kumusta ang pag-aaral mo?"
"Okay naman po," idinantay niya ang ulo sa braso nito. Kahit tanggap na tanggap niya ang Ninang Pami niya, tuwing makikita niya ito ay nanghihinayang pa rin siya dito. Napakagwapo kasi nito. Maganda pa ang katawan. Sayang ang lahi, ika nga nila. Wala ng planong mag-asawa pa ito. Una, wala naman itong jowang pakakasalan. At pangalawa, sapat na raw siya dito. Tama na dito na siya na lang ang anak nito.
"Hindi mo naman pinababayaan ang pag-aaral mo? Ang love life, pwedeng papalit-palit 'yan, ah. Mag-aral ka munang mabuti. Kapag naka-graduate ka na, tsaka ka maghanap ng afam para makapag-abroad ka."
"Ninang talaga," naiilang siyang napangiti sa sinabi nito, "hindi ko naman kailangan ng afam para makarating sa ibang bansa. Nandyan naman sila mommy at daddy. Isa pa po, sila Ninong Dax at Tito Dex, madalas kaming sponsoran sa mga out of town at out of the country trip namin. Hindi ko kailangan ng afam, 'no?"
"Sus! Ang sabihin mo, may jowa ka na kaya hindi mo kailangan ng afam." mahina nitong hinila ang buhok niya para sabunutan siya. Tawa siya ng tawa sa ginawa nito at nakita iyon ng mommy niya.
"Ano na naman tinuturo mo sa anak ko, Pedro Amorsolo?" nakasimangot na sigaw ng nanay niyang isinabuhay ang pangalan nito, tinig na animo may paparating na himagsikan, hiyaw a la Gabriela Silang.
"Isa't kalahati kang pokpok, Gabby! Napaka animal mong babaita ka. Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na ipagsigawan ang karumaldumal at karimarimarim na pangalan iyan? Por Diyos por santo, Gabriela Silang! Kasuklam-suklam ka!"
"Aba bakit? Pedro naman talaga ang pangalan mo, 'di ba?"
"Utang na loob," nandidiring iwinasiwas pa ng kanyang Ninang Pami ang dalawang kamay, "santisima!"