Alam mo ba na sa 3.5 billion na lalaki sa mundo, may isang para sa akin?
So... hihintayin ko na lang siyang dumating.
Sabi nila, "Love is blind, love is one of a kind"
Kung kailan 'di mo hinahanap ay biglang nand'yan na lang
Nakakalito man, you can't deny the feeling
Dahil ang love, walang pinipili kahit sino ka man.- Billie, Meant To Be 2017
This is for my very first (local) celebrity boyfriend, Jan Rommel Osuna Roberto. 🫰🏻 Ang unang artista na sinuportahan ko, sinalihan ko ang fan club at nakasama ko ng ilang beses sa kung saan-saan. (Wow, parang tropa lang. Vibes kayo nyern?) Kahit maraming pogi dyan, ikaw pa rin talaga ang uuwian. I miss you so muchy, babe. 'Will always be your Wana. Kahit may pumila pa na isang libong matangkad, maputi at chinito sa harap ko... ikaw ang natatanging morenong pipiliin ko. Charot! HAHAHAHAHA. ILYSM, Jak! I miss you a little extra today kaya this chapter is for you. 🫶🏻
#JakBabies forever na 'to.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
@jakroberto: Happy valentine's day, baby!
Sa Twitter nagsimula ang lahat.
Sa unang linggo ng pagiging unemployed at jobless ko, nag-air sa TV ang Meant To Be kung saan bida ang apat na gwapong lalaki na hindi ko kilala pati na si Barbie Forteza. Noong una, natatawa-tawa lang ako. Hanggang sa dumating ang araw na nagulat ako, kinikilig na ako. Mahilig ako sa maputi at chinito. Kaya hindi ako makapaniwala na si Andoy ang natipuhan ko. Ang Pinoy sa apat. 'Yong lalaking matangkad at moreno. Siguro nakadagdag din na nagustuhan ko siya kasi may abs. Hehe!
Habang nanonood sa TV, nagtu-tweet ako. Marami akong fans na nakaka-interact na siyang dahilan kung bakit mas nae-entertain ako sa panonood. Dumating pa nga ako sa punto na ma-like lang niya ang tweet ko, assumera na ko. Sinasabi ko ako mismo ang like niya.
Sana all napapansin ni Andoy, sabi ng isa sa mga nag-tweet sa akin isang araw na replyan niya ang tweet ko.
Ate paturo naman po paano replyan ni Andoy.
Swerte naman napapansin ni Andoy, sabi ng isa pa na minention pa si Jak pero hindi pa rin nareplyan.
Syempre, mas nakadagdag iyon sa kilig ko. Ang haba ng buhok ko, 'di ba? Mula South hanggang GMA Kamuning. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo… mas nadagdagan pa ang mga araw na napapansin ako ng idol ko. Kaya kahit tumataas ang nako-consume ng app sa cellphone ko ay sige lang ako sa pag-tweet. Pati na sa pag-screenshot ng mga interaction na napapansin ako.
Dumating ang araw ng una naming pagkikita. May guesting siya sa isang show tuwing Linggo. Inabot na kami ng gabi kaya naman panay na ang tawag sa akin ng nanay ko. Natatakot ako at kinakabahan dahil ginabi na ko. Kaso sayang naman kung uuwi ako ng hindi ko nakikilala si Jak, hindi ba? Noong panahong ito, first time ko siyang nakita sa personal.
Mag-aalas onse na noong natapos ang taping. Medyo pagod na kami at naghihintay pa rin sa paglabas ni Jak. Nag-uusap ang mga kasama ko na nae-excite na silang makita si Jak sa personal. Ganoon din naman ang nararamdaman ko. Pero hindi katulad nila, tahimik lang ako. Nang dumating si Jak ay nagkagulo na sila. At gwapo nga ang lolo mo! Mas gwapo siya sa personal kaysa sa TV. Kahit pagod ay napakalawak ng ngiting ibinahagi niya sa amin. Kinumusta niya kami at humingi siya ng pasensya dahil ginabi kami sa paghihintay sa kanya. Habang nagkakagulo ang lahat ay tahimik ko lang silang pinagmamasdan.
Napalunok ako ng magtama ang tingin namin ni Jak. Ngumiti siya sa akin at naglakad palapit. Tapos na magpa-picture ang lahat at parating na ang sasakyan niya. “Hi, Jak.” pagpapakilala niya sa akin. Tinanong niya pa ang pangalan ko. Nahihiya ako sa kanya sa totoo lang. Nakakailang dahil hindi ako makapaniwala na ang kinakausap ko lang sa Twitter ay nasa harap ko na. Siya pa ang magpa-picture sa akin! At hindi katulad sa picture ng iba naming kasama, si Jak mismo ang yumakap sa akin. Hindi na tuloy ako nagpapigil. Niyakap ko na rin pabalik.