Chapter Seven

21 0 0
                                    

ALLISON

"Sige dito nalang ako, salamat sa concern" sabi ko kay Blood at ngumiti.

"Kahit ano, para sayo" nagkatitigan kami ni Blood.Eto yung unang beses na matitigan ko yung mata nya.Well, hindi ko kinoconsider na una yung sa locker room kasi parang naghahalucinate lang ako noon.

Ngayon, parang panaginip.Yung mata nya nagsasabing hindi ka makakaahon sa oras na mahulog ka.FOREVER ka na doon kahit walang forever sabi nila...

"*cough *cough Oh Allison, nandyan ka na pala anak" Nag-iwas agad kami ng tingin ni Blood

"Ah.Opo nandito na po ako. Eto na po yung gamot"

"Ginabi ka ata.May kasama ka pala" napalingon si mama kay Blood.

"Good evening po Madam" magalang na bati ni Blood kay mama.Ngumiti naman sa kanya si Mama

"Ah! Mama, si Blood po.Schoolmate ko." pagpapakilala ko kay Blood.

"Hinatid nya lang po ako kasi mapanganib daw po sa kalye" hindi ko na sinabing naholdap ako wala namang maniniwala eh haha.Tsaka mag-aalala lang si mama.

"Kay gwapong binata.Parang isang prinsipe" ngumiti si mama kay Blood. Yah mama gwapo talaga ng future son-in-law mo joke.

"You're reminding me someone.Pero imposibleng mangyari yon" ngumiti ng mapait si mama.Sino naman kahawig ni Blood?

Biglang may humintong kotse at bumusina.

"Sige po, mauna na ako" pagpapaalam ni Blood at tuluyan nang sumakay sa sasakyan.

"Sige bye.Ingat" bulong ko habang nakatanaw sa sasakyang palayo na ng palayo kung nasaan si Blood.

"Mukhang umiibig na ata ang aking prinsesa" napalingon ako kay mama na may nakakalokong ngiti.

"Ano ka ba ma! Eto na po yung gamot mo" namumula na kasi ako dito.Hindi ko nga alam pero pagdating kay Blood hindi ko maiwasang kiligin.Ngumiti sa akin si mama at nagpunta na kami sa loob ng bahay.

--

Kinabukasan sa classroom namin.
Naabutan ko si Hazel na kausap /slash/ kadaldalan ang mga kaklase namin. Tulad nga ng sinabi ko dati, hindi ako palaimik at pala kaibigan.Si Hazel lang talaga nakakakwentuhan ko.Since wala naman akong balak makihalubilo sa kanila, umupo nalang ako sa pwesto ko at nagbasa ng libro.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Hey Alli" bati ni Feliz. (Si Feliz sya yung nasa chapter one)

"Hi" ngumiti naman ako sa kanya.Bakit nya naman kaya ako kinakausap? Dakilang isnabera at bratinella itong isa nato eh.

"Siguro nagtataka ka kung bakit kita kinakausap" nag smirk sya sa akin at flinip pa yung hair nya.

"Dederetsuhin na kita" she raised her eyebrow

"I saw you with Blood last night.Pano nangyari yon? I mean, hindi naman kayo magkakilala and who are you ba talaga?" Gulat ang naramdaman ko sa tanong ni Feliz.

"What do y-you mean na sino ako?" Tanong ko sa kanya while pointing myself. Like duh? Kilala nya ako.Ako si Allyson Buhleew na kaklase nya.

"Hindi makikipag-usap si Blood kung kani kanino lang.He does not paying attention too much to nonesense things" tinignan ako ni Feliz straight-into-my-eyes.Umiwas naman ako ng tingin.

So it means hindi lang ako basta basta kay Blood?

"Uhm ano--"

"I dedeny mo pa? And how could you explain this?!" Pinakita nya sa akin yung picture sa cellphone na nakaakbay sa akin si Blood.

13 Degrees of YandereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon