Chapter 8

212 5 2
                                    

Chapter 8

Malungkot na napahawak si Brichill sa kanyang kumakalam na tiyan.

Huhuhu. Gutom na gutom na siya.

Hindi pa pala siya kumakain ng almusal dahil inutusan siya na ihanda ang paliguan ng baby bears.

She sighed. Wala na siyang mapupuntahan. Its lunch and she is so damn hungry.

Nanghihina na napaupo siya sa isang bato na malapit sa waterfalls. Kung saan siya unang nagising at tumayo bago niya matagpuan ang bahay ng bear family.

Iisipin niya na lang na wala siyang nakitang bahay na may tatlong bears.

Napaikot siya ng tingin. Checking the vicinity if theres a smoke like what she saw nung mahanap niya ang bahay nila Douglas.

Siguro naman ay may iba pang nakatira sa lugar na iyon at hindi lang ang pamilyang bears na iyon.

Natigil siya sa pagtayo ng maramdaman niya ang pananakit ng paa niya.

"Ah! Damn! My feet hurts so bad!"

Nakita niya na namamaga ang kaniyang kanang sakong.

"Kainis naman bakit ngayon ka pa sumakit?!"

Naiiyak na siya kaya naman pinagbabato niya lahat ng mahawakan niyang bato sa tubig.

"Bwiset!" sabay bato ng malaking bato na umabot lang sa may paanan niya ng subukan niyang ibato iyon.

Napasabunot na lang siya sa kaniyang buhok sa inis.

"The witch has gone crazy, how sad."

Biglang may narinig siyang pamilyar na boses.

PAPA BEAR!!

Gulat na napalingon si Brichill sa lalaking nakangisi habang lumalakad palapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na sambit niya ng makalapit ito.

"I was looking for woods when I heard a witch's scream." asar na sabi nito sa kanya habang nakangisi.

"Shut up, bear!"

Pasimple niyang pinahid ang luha niya. She is now crying because of frustrations and hunger.

"What are you doing here? Hindi pa kami kumakain ng lunch. Shouldn't you be cooking for lunch now?"

Bagsak ang pangang napalingon siya rito.

Napalabi siya. "Diba pinalayas mo na ako?"

"I did?" maang-maangan pa nito.

"Whatever." sinubukan niyang tumayo.

Masakit parin ang paa niya kaya naman napaupo ulit siya.

Naman! Paano ako makakaalis dito?

"Are you all right?" hahawakan pa sana siya ni Papa Bear pero tinaboy niya ito.

"Don't touch me!"

Sinubukan niya ulit pero this time ng pabagsak na siya ay sinalo siya ni Douglas pero dahil biglaan bumagsak silang pareho sa lupa.

Douglas at the bottom and she is on his top.

Great. What an awkward scene.

"Bwiset ka. Sabing huwag mo akong hawakan e." she tried to push upward to stand up but she can't do it.

It hurts do effing bad! I need my personal doctor!

"Don't move."

"Itayo mo na lang kaya ako, no?"

"Your feet will get worse if you move it."

"Wala kang pake, okay? Kung mamaga man yan, konsensya mo na yun." then I stuck my tongue out.

He did what she told him to do. He helped her get up pero ng tuluyan na silang makatayo ay binuhat siya nito like a princess.

She was shocked at first pero nagpumilit din siyang umalis sa pagkakabuhat nito dahil nailang siya and galit pa siya dito.

"Huwag kang maarte—"

"Hindi ako maganda? Ano ka si Cross? Gaya-gaya!"

Psh!

She knows that reference from a movie. Manigas siya dahil wala pa siya sa kalingkingan ng actors doon.

"I said I'm taking you home."

"A-YAW-KO!"

"I'm taking you home, Valentina. Ayaw kong multuhin tuwing gabi. Kung gagalaw ka pa ihuhulog kita sa falls." pananakot nito na ikinasama niya ng tingin dito.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Diba nga ayaw sakin ng baby bears mo so bakit mo pa ako iuuwi sa inyo?"

"Bakit naman hindi? Dahil sinakal mo sila?"

"Pakikinggan mo ba ako kung hindi ang isasagot ko?"

Natahimik silang dalawa. The water splashing is the only sound they can here at the moment.

Hay. Sabi na nga e. Hindi siya maniniwala.

She is nothing. Of course, he trust his kids more than her.

If only the kids mother was there mapapangaralan nito ng maayos ang mga bata.

"Where's your wife?" lakas loob na tanong niya.

Pakiramdam ni Valentina wrong move siya. Hindi siya makahinga dahil buhat buhat siya ni Douglas.

Napatingin ito sa kanya.

"I don't have a wife."

Nanlaki ang mga mata niya when realization hits her.

"Oh, I'm sorry. I didn't know."

Napayuko siya. Wala na pala si Mama Bear.

Douglas started walking back to his house. No one speaks until Brichill asked something.

"Bakit naman sa dinami-daming place sa Pilipinas dito pa sa cursed forest kayo tumira at sa gitna pa talaga." curious niyang tanong.

"This place isn't cursed. Chismis lang yon. At sira-ulo lang ang maniniwala doon. Seriously, bear sa Pilipinas?" natatawang sabi ni Douglas.

"So anong gusto mong palabasin? Na sira-ulo ako?" maladita niyang asik.

"Naniwala kang may oso dito?" natatawang tanong ni Papa Bear.

"Sa tingin ko totoo yung may mahiwagang oso dito."

"Bakit? May nakita ka na?"

"Oo, isang malaki at mayabang na Papa Bear, kasama ang dalawang makukulit at kasing-sama ng ugali niyang baby bears!" singhal niya.

"Ang gwapo pala ng Papa Bear na sinasabi mo." napatutuwang sabi pa nito.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"

Walang patid na tawa ang isinagot nito. Sa unang pagkakataon ay nagtawanan sila. Hindi niya alam kung bakit din siya tumatawa but for all her know its because of a stupid thing.

The Man of Her Dreams: Douglas DelacruzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon