Chapter 6

193 4 0
                                    

Chapter 6

"Dammit, Shan! Stop it! I said tigil!"

Halos maubos na ang boses ni Brichill sa kakasigaw sa mga makukulit na baby bears.

Kulang na lang kasi basain siya ng kambal.

Malapit na talaga siyang maubusan ng pasensya.

Kapag hindi pa tumigil ang mga ito masasakal na talaga niya ang dalawang bears na ito.

"Why? It's so fun to play with a nanny!" Shan giggled as she threw cold water to her face.

"Okay, Shin, huwag mong—" bago niya pa matapos ang sasabihin niya inisprayan na siya nito ng malamig na tubig gamit ang hose.

Agad siyang nanginig sa sobrang lamig.

She was about to grab the hose ng lagyan siya ng mga ito ng bula sa mukha which made her eyes irritate.

Dahil sa sobrang sakit ng mata niya ay napasigaw siya.


ISANG malakas na sigaw ang nagpasugod kay Douglas papuntang banyo.

Nagsisibak kasi siya ng kahoy ng mga oras na iyon sa labas ng bahay.

Naabutan niya na sinasakal ni Valentina ang mga bata!

"What the hell are you doing?" mabilis na tinanggal ni Douglas ang mga kamay ng dalaga sa leeg ng mga bata.

"These twins are devils! I can't believe it! Lahat ng nasa bahay na ito ay—Urgh!" inis na inis na talaga si Valentina.

"Can't you see?"

"Obviously, I can't see! They put—"

"They are little kids! How can you abuse my children like this? You're killing them! Are you out of your mind? You are worse than I thought you were!" galit na tinalikuran nito si Valentina at mabilis na sinaklolohan ang kambal.

Umiiyak na yumakap ang mga ito kay Douglas.

Kitang-kita ni Brichill ang pagngisi ni Shin and Shan habang yakap ang ama.

This is bullshit!

Acting lang iyon ng mga bata! Bwiset! Ngayon sigurado na siyang papalayasin na siya ni Douglas.

Kusa na lang siyang lalayas. She had nowhere to go pero mas gugustuhin niya pang umalis na lang kesa manatili sa bahay ng mga bears.

"You are worse than I thought you were!"

Napaikot siya ng mata ng maalala niya ang huli nitong sinabi.

Hindi niya alam kung bakit siya nasaktan ng husgahan siya nito. She felt her heart ache when he said those hurful words at her face.

Diba dapat hindi naman siya masaktan sa sinabi nito, right? Dahil sanay naman na siya sa mga panghuhusga ng mga tao? Pero hindi eh. Tumagos sa kanya lahat ng sinabi nito.

Aminado naman siyang may pagkabitch siya sometimes but even though she speaks like that doesn't mean she can really hurt a child. That's absurd!

She wasn't really killing the kids. At mas lalong hindi niya sinakal ang mga ito.

Kahit masama ang ugali niya hindi niya iyon gagawin dahil baka magkita pa sila sa impyerno pagnagkataon. Hmp!

Kaya lang naman sila naabutan sa ganoong situation is dahil ng sumigaw siya sa inis at inagaw ang hose sa mga ito bigla na lang kinuha ng mga bata ang kamay niya at nilagay sa leeg nila at umacting ng nasasakal.

Best Actor at Best Actress.

At iyon ang naabutan ni Douglas. Just great.

The Man of Her Dreams: Douglas DelacruzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon