MKMK-2

85 11 0
                                    

*elementary*

"CELYN !!!!!!!" malakas na sigaw ng batang lalaki.

Agad na napalingon ang batang si Celyn sa batang tumawag sa pangalan nya.

"Ikaw na naman?" inis nyang sabi. "Bakit na naman ba, ano ba talaga ang kailangan mo sakin hah?" mataray nyang tanong.

"Pasabay!" sambit nito na hinahabol pa ang hininga dahil ginawang pagtakbo.

"Ayoko nga!" pagtanggi ni Celyn. "Baka may dala ka na namang ipis at ilagay mo pa sa buhok ko." dadag pa nito.

"Hindi, wala. Gusto ko lang talaga sumabay sayo sa pagpasok." paliwanag nito.

"Bakit ka naman sasabay sakin, eh maglalakad lang ako? Saka diba may service ka naman, bakit sakin ka pa sasabay?" tanong ng batang si Celyn.

"Ang totoo nyan gusto kong mag-sorry dahil dun sa ginawa kong paglagay ng ipis sa buhos mo, binibiro lang naman kita. Di ko alam na takot ka talaga dun." seryosong sabi ng batang si Mikko.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Celyn.

"Oo, peksman. Libre pa kita ng recess para makabawi ako sayo. Ayos ba yun, Celyn?" alok pa nito.

Saglit na nag-isip si Celyn.

"Sige, payag ako dyan." sagot nya.

Biglang umaliwalas ang mukha ng batang si Mikko sa pag-iisip na magiging magkaibigan na sila ng batang si Celyn.

"Tara na, maglakad na tayo baka ma-late pa tayo eh!" sabi pa nito sabay hawak sa kamay ni Celyn.

Nagulat naman ang batang si Celyn kaya hindi na sya nakapag-react sa ginawang paghawak ni Mikko sa kamay nya. Habang naglalakad sila biglang napa-isip si Celyn. Paano kung kapag nasa tapat na sila ng daan kung saan maraming matataas na kawayan at malalagong puno ay saka sya biglang takutin ni Mikko.

"Ayy, ayoko na nga !" sabi ni Celyn sabay bawi ng kamay nya. "Hindi mo ako mauuto, Mikko." sambit nito sabay takbo.

"Celyn!" inis na sambit ni Mikko.

"Bhelat.." pang-iinis pa ni Celyn sabay labas ng dila at saka tumakbo. Napatawa sya nang maalala ang itsura ng batang iniwan nya.

Walang nagawa si Mikko kung hindi tanawin nalang ang papalayong kababata. Sa isip niya ay mas nabuong bagong kalokohan.

"Humanda ka sakin bukas, Celyn." banta pa nya.

**

"Diane, pera oh.." sambit ni Celyn.

"Ha, nasaan ?" tanong ni Diane na lilinga-linga pa sa kalsada.

"Ayun oh!" turo ni Celyn sa perang papel na nakakalat sa daan.

"Oo nga, tara kunin natin habang wala pang dumadaan."

Sabay silang tumakbo palapit sa perang papel na kulay ube. At dahil si Celyn ang unang nakalapit dito, sya ang dumampot nito.

"Ay! nilipad." bulong ni Celyn nang lumayo sa kamay niya ang pera.

Sa pag-aakalang nilipad nga ito ng hangin muli syang humakbang palapit dito at muling yumuko upang damputin ang pera. Ngunit lumayo na naman ito sa kanya. Kunot ang noo na nagkatinginan ang magkaibigan.

"Hahahahahahaha!!" buhat sa likod ng malaking puno ay lumabas si Mikko at ang mga kaibigan nito, nag-apir pa sila at sabay-sabay na tumawa.

"Hmmmm, bwisit ka talaga!" gigil ni Celyn sabay dampot ng isang bato at ibinalibag kay Mikko.

Maniwala Ka, Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon