MKMK-1

152 14 1
                                    

Naghanda ng isang welcome party sina Aling Ingrid at ang iba pang trabahador sa Hacienda Rivera para sa pagdating ni Mikko, nag-iisang anak nila Senyor Rodrigo at Senyora Angelika.

"Mabuti naman at sumama ka sa Inay mo. Kala ko talaga wala kang balak siputin ang welcome party ng mortal enemy mo." puna ni Diane sa kaibigan na kadarating lang.

"Ano ka ba ? wag ka ngang maingay, baka may makarinig pa sayo." saway ni Celyn.

"Eh bakit, totoo namang mortal enemy kayo diba ?" pagpupumilit pa ni Diane.

"Tumahimik ka nga dyan, iba na ngayon. Ilang taon syang nawala, malay natin baka nagbago na sya." sa puso ni Celyn ay yun naman talaga ang hiling nya.

"Ok sabi mo, eh! Teka, naalala pa kaya nya tayo o kahit ikaw nalang. Alam mo friend, sa totoo lang feeling ko gusto ka nya ehh. Kaso palagi mo syang tinatalikuran kaya gumagawa sya ng kalokohan para mapansin mo sya." napatingin pa sya sa kisame na tila may naalala sya.

Napa-isip naman si Celyn sa sinabi ng kaibigan. "Posible nga kayang ginagawa ni Mikko yun dahil gusto nyang makuha ang atensyon ko?" bulong nya sa isip nya.

"Ano sa tingin mo, naa-alala ka pa kaya nya?" tanong pa ni Diane sabay baling ng tingin sa kaibigan. "Siguro hindi na. Napakaraming magaganda at sexy don sa america eh! Tiyak madami na syang naging girlfriend don." paliwanag pa nito.

"Siguro nga." sambit nalang ni Celyn, bakas ang lungkot sa mukha nya.

"Teka, bakit ang lungkot mo ata? Wag mong sabihin na umaasa kang maalala ka pa nya?" sunod-sunod nitong tanong.

"Hindi ahh. Mas ok nga kung hindi nya na ako maalala ehh. Baka kulitin lang ako ulit non." pagtatanggi pa ni Celyn.

"Oo na, wala na akong sinabi." pagsuko ni Diane.

"Nandito na sila !!!" sigaw ng mga tao sa labas ng bulwagan.

Nakarinig din sila ng mga bulungan at tilian ng mga kadalagahan na nagpunta doon upang makita si Mikko. Napakalaki daw ng pinagbago nito at lalong gumwapo.

"Tara na, Celyn!" yaya ni Diane sabay hatak sa kamay ng kaibigan.

Lahat ay masayang bumati sa binata, lahat sila ay natutuwang muli itong makita.

"Oh my gosh! Ang gwapo nya, Celyn." sambit ni Diane habang pinipigil ang kilig nang makita ang binata.

Tila naman nagising sa pagkakahimbing si Celyn ng kurutin sya ng kaibigan.

"Ano ba, masakit yun." reklamo ni Celyn.

"Eh kasi naman, kanina pa ako salita ng salita dito. Tapos ikaw, lutang na lutang ang isip dyan."

"Ako, lutang ang isip?" ulit pa ni Celyn

"Oo, ikaw. I'm sure, natulala ka sa kagwapuhan ni Mikko. Well, dati na naman syang gwapo eh. Pero ayyy, mas gwapo sya ngayon." kinikilig pang sabi ni Diane.

"Manahimik ka nga dyan, tara na sa loob. Kaya lang naman ako nagpunta dito ay para makikain. Alam kong madami silang inihanda." pag-iwas pa nito sabay tungo sa kusina.

Agad namang sumunod si Diane. Nakisabay silang kumain sa ilang katandaan na kumakain sa bilog na lamesa.

"Hijo, natutuwa ako at bumalik ka na. Palaging malungkot ang Mama mo nitong mga nakaraang araw." kwento ni Aling Ingrid.

"Opo, alam ko po iyon. Kaya nga po ako nagpasyang dumito na para mabantayan ko si Mama. Alam kong malungkot pa din sya dahil sa pagkawala ni Papa." paliwanag ni Mikko. "Kayo po, kamusta dito?"

Maniwala Ka, Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon