MKMK-7

88 9 2
                                    

"Guys, ano pang hinihintay niyo? Bakit hindi pa kayo umuwi? I'm sure, napagod kayo kanina." pagpapatigil ni Mikko sa tawanan.

"Sir, wala pang time mag-5:00 pm palang po." tugon ni Mhay.

"It's okay, Mhay. Masyado akong natuwa na nangyari kanina. Kaya buo pa rin ang sahod niyong lahat." dagdag pa ni Mikko.

"Yon ang maganda don, di ba mga tol?" sabat ni Arby na nakipag-apir pa sa ibang boys.

"Saka ayaw ko pang umuwi, Sir. Wala naman akong gagawin sa bahay, ehh." katwiran ni Mhay.

"Oo nga, Sir. Dito muna kami." pagpipilit ni Mariel.

"Wait.. May itatanong nga pala ako, Guys." singit ni Celyn.

"Kahit ano, ma'am. Wag lang science at history, hindi pa ako nakakapagreview ehh." natatawang sabi ni Lhiam.

"Wew, Corny !" sabat ni Angel.

"Wag ka ngang epal." sambit ni Lhiam.

"Ikaw nga ang epal ng epal diyan, kita mong seryoso si ma'am." katwiran ni Angel.

"Enough, okay." saway ni Celyn.

"Curious lang ako, bakit parang super closed kayo sa bawat isa, well except the two of you." sambit nito na i-nginuso pa sina Lhiam at Angel. "Dati na ba kayong magkakakilala?" tanong pa ni Celyn.

"Ganito yan, ma'am." sagot ni Jenny. "Same university po kaming lahat, except for Shanice and Dj."

"Same course din po kami, hrm and culinary students kami.. At dahil bakasyon, naisip namin magtrabaho.." dagdag ni Mariel.

"Gusto kasi namin patunayan sa parents namin na, hindi na kami yung dating brats na iniisip nila." singit ni Mhay. "

"Yeah, right. So, we badly needed this job to earn money for our expenses." dagdag ni Angel.

"Kaya sobrang saya talaga namin nung tinanggap kami ni Sir." -Lhiam

"Well, napag-isip isip ko kasi na tutal kailangan ko naman talaga ng tauhan dito bakit di ko kayo subukan? Wala namang mawawala." katwiran ni Mikko.

"Ah, Kaya pala. Teka, ikaw Dj?" baling ni Celyn sa nakatulalang binata. "Anong istorya mo?"

Parang hindi siya narinig nito dahil tulala pa din ito at nakatingin sa kanya.

"Dj, tinatanong ka ni ma'am." sigaw ni Shanice.

"Dj, are you in?" tanong pa ni Celyn na hinihintay ang sagot nito.

"Yes ma'am, maganda po kayo." tugon nito.

Nagtawanan ang lahat at maging si Mikko ay napangiti din. Alam niyang totoo ang sinabi ni Dj at kung hindi siya nagkakamali, malakas ang tama nito kay Celyn.

"Dj, hindi iyan ang tanong ko." sambit ni Celyn na tila namumula pa ang pisngi sa hiya.

"Ah eh, sorry po." tugon nito sabay kamot sa ulo.

"Ay nako, pre. Halata ka eh!" sambit ni Arby sabay akbay dito.

"Guys tutal pinapauwi na naman tayo ni Sir Mikko, bakit di na lang tayo magkaraoke?" singit ni Jervy.

"Oo nga pre, matagal na nating di nagagawa yun ehh." pagsang-ayon ni Ramil.

"Para naman marunong kang kumanta, Jevs." sabat ni Mariel sabay tawa.

"Bakit ba palagi mo akong binu-bully, Mariel? May gusto ka ata sakin,ehh.." hinala pa nito.

"Oo, gusto kitang sapakin. Kapal ng mukha mo, ehh." inis na sabi ni Mariel.

Maniwala Ka, Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon