MKMK-4

88 12 0
                                    

Hindi na alam ni Celyn kung paano siya nakatulog nang gabing iyon, ang tanging natatandaan lang nya ay tanging si Mikko lang ang nasa-isip niya sa mga oras na iyon.

Aminado siyang nakaramdam sya ng lubos na kasiyahan nang muli niyang makita ang binata at matinding kalungkutan dahil naman sa malamig nitong pakikitungo sa kanya.

Alam nyang hindi naging maganda ang childhood memories nila kaya malamang ay may kinikimkim pa itong galit sa kanya.

Yun nalang ang nai-sip niyang dahilan kung bakit ganon ang naging pakikitungo sa kanya ni Mikko.

--*

Kinabukasan..

Niyaya siya ni Diane para mamasyal sa bukid at mamitas ng mangga, bagay na madalas nilang ginagawa noon.

"Grabe, namiss ko talaga to' Celyn. Tagal na natin 'tong hindi ginagawa ehh.." sambit ni Diane habang nanunungkit ng mangga.

"Oo nga, ehh.. Teka, ano bang nakain mo at niyaya mo akong gawin 'to?"

"Wala na-miss lang kita, ngayon nga lang kita natyambahan sa inyo ehh." sabi pa ni Diane habang inilalagay sa basket ang nasungkit na mangga. "Teka, martes ngayon di ba?" tanong pa ni Diane sabay lingon sa kaibigan.

"Oo, bakit?" nagtatakang tanong ni Celyn.

"Di ba may pasok ka?"

"Ahh, oo nga pala. Hindi nabanggit sayo na nag-resign na ako." sabi ni Celyn.

"Ba__bakit, di ba malaki naman ang sahod mo dun?" pagtataka ni Diane.

"Hmmm. Ang totoo niyan, hindi kasi ako masaya sa trabaho ko, ehh. Yung feeling na hindi ka nag-eenjoy sa ginagawa mo, parang napakabagal ng oras pag nasa trabaho ako. Ayaw nga ako payagan ng boss ko pero nung sinabi ko sa kanya yung reason ko, naintindihan nya. Mahirap naman daw talagang ipagsiksikan ang sarili mo sa bagay na di mo naman talaga gusto."

napabuntong-hininga pa si Celyn.

"Sabagay.." tugon ni Diane.

Naglakad lakad pa sila hanggang makarating sa dati nilang tambayan. Mahigit dalawang oras din silang nagkwentuhan bago nila naisip na umuwi.

"Tara na, baka gabihin tayo sa daan. Malayu-layo din ang lalakarin natin." anyaya ni Celyn.

"Okay !" sambit ni Diane saka sumunod sa kaibigan. "Celyn, hindi ba si Mi___Tama, si Mikko nga yun!" paninigurado ni Diane.

"Ha, saan ?" dahil sa narinig na pangalan ng binata parang bumilis ang tibok ng puso ni Celyn.

"Ayun, yung nagmamaneho ng kotseng pula." turo ni Diane sa paparaang honda civic.

"Ang gwapo niya, diba? Bagay na bagay sa kanya ang pagmamaneho ng sasakyan, mas nakadagdag sa appeal nya." puri pa ni Diane.

"Oo, tama ka." wala sa isip na nasambit ni Celyn dahil sa pagkamangha.

Napa-ngisi naman ng lihim si Diane dahil sa hindi inaasahang pagsang-ayon ng kaibigan. Kailanman ay hindi pa ito naringgan ng pagpuri kay Mikko, ngayon lang.

"Napansin kaya niya tayo?" tanong pa ni Celyn.

"Ano naman kung mapansin niya tayo?"

"Baka lang alukin niya tayong sumakay kung napansin nyang pauwi na tayo. Isa lang naman kasi ang dadaanan natin, di ba?"

"Uuuuyyy, nagde-day dream ang kaibigan ko!" kantyaw ni Diane.

"Ha?" napalingon sya sa kaibigan. "Ikaw talaga, dumi ng isip mo. Nakalimutan mo na bang inis ako sa mokong na yun?"

Maniwala Ka, Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon