MKMK-3

76 9 0
                                    

"Celyn, hayan na naman sa daraanan natin sila Mikko at ang mga kabarkada niya." sambit ni Diane.

Natigilan sa paglalakad si Celyn, kung kagabi ay mukhang seryoso si Mikko ngayon naman ay naka-ngisi ito sa kanya na para bang may naiisip na namang kalokohan.

"Hmmp, wag mo nalang pansinin. Tiyak may bago na naman pakulo ang mga yan." tugon ni Celyn na taas noong dumiretso sa paglalakad.

"Hi , Celyn ! Hi, Diane !" masiglang bati ni Mikko nang mapadaan ang dalawa sa tapat nila.

"Hello, Mikko!" bati ni Diane sa takot na baka siya ang pagbalingan nito ng buska.

"Mabuti ka pa, mabait. Iyang kasama mo, napaka-suplada. Hindi manlang makabati, nakalimutan na ata yung pinag-usapan namin kagabi." tila may tampo pa sa boses nito.

"Uuuyyy ,, nag-usap pala sila kagabi hindi manlang kinuwento sakin. Nakakatampo ka na talaga, Celyn." pangangantyaw pa ni Diane.

Napa-irap nalang si Celyn kay Diane saka nagbalik ng tingin kay Mikko.

"Pwede ba tigilan mo yang pagpapa-cute mo, hindi yan uubra sakin."

"Ang sabihin mo suplada ka lang kasi ikaw na naman ang highest sa quiz natin kanina."

naka-ngising sabi ni Mikko.

"Talaga ! kasi ako nag-aaral. Eh, ikaw bukod sa buskador ka na, bulakbulero ka pa!"

"Pinagbigyan lang naman kita, sinadya ko lang talagang maliin yung isa." paliwanag ni Mikko.

"Oo nga, Celyn. Napakadali ng tanong dun sa question number 5, kahit di ka nag-review masasagot mo yun pero minali ni Mikko ang sagot nya para sayo. Gentleman talaga 'tong kaibigan namin." dagdag pa ni Richard.

"Thanks, pre!" sambit ni Mikko sabay apir sa mga kaibigan.

Napa-isip si Celyn, tunay ngang napakadali ng tanong sa quiz nila kaya imposibleng nagkamali si Mikko doon. Pero pilit padin syang nagtaray.

"Tara na nga, Diane. Marami pa akong gagawin sa bahay." anyaya pa ni Celyn saka dahan-dahang naglakad sa maputik ng daan gawa ng malakas ng ulan kanina.

"Celyn, sa paanan mo!" biglang sigaw ni Mikko.

Dahil sa gulat ay napalundag si Celyn na naging dahilan ng pagka-out of balance nya. Napa-upo si Celyn na naging dahilan ng tawanan ng mga kabarkada ni Mikko.

Awtomatiko namang napatayo si Mikko at agad na lumapit kay Celyn at akmang tutulungan itong tumayo.

"Nasaktan ka ba? Sorry, di ko sadya." sambit ni Mikko.

"Hindi, okay lang ako. Okay lang, alam ko naman na hindi mo sinadya yon." may luha sa mga mata ni Celyn. "Tignan mo yung mga ipapasa kong requirements bukas, basa na lahat. Pero okay lang, pwede ko naman ulitin yan ehh. Ano, masaya ka na ba at nakaganti ka na sakin?" sa puntong iyon ay bumuhos na ang luha na kanina pa nya pinipigilan.

"Celyn , I'm so__" -Mikko

"Tara na, Diane." sambit ni Celyn na hindi manlang binigyan ng chance si Mikko na makapagpaliwanag.

**

"Oh, bakit nandito ka?" mataray na tanong ni Celyn nang makitang si Mikko pala ang bisita nila ng araw na iyon.

Isang linggo na mula ng gumradweyt sila ng high school at ngayon lang sila muling nagkita ng kababatang mortal niyang kaaway.

"Hindi ako pumunta ng ganito kaaga para makipag-away sayo, Celyn." bungad nya.

Maniwala Ka, Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon