MKMK-5

80 12 0
                                    

Naka-alis na ang binata pero nakatingin pa rin sa malayo ang dalaga, naghahalo ang excitement at kaba sa loob niya sa pag-iisip na magiging magkatrabaho sila ng binata.

Mariin siyang nakatitig sa calling card na hawak nang bigla itong hablutin ni Diane dahilan para awtomatikong napalingon si Celyn sa kaibigan.

"Ano ba, akin na nga yan." sigaw ni Celyn.

"Teka, ano ba 'to?" habang binabasa ang card.

"Calling card ni Mikko Rivera, bakit mayroon ka nito?" buong pagtatakang bulalas ni Diane.

"Nagpunta siya dito kanina." tugon ni Celyn sabay agaw ng card kay Diane at sa pumasok sa loob.

"Tamo ugali nito, kainis." sambit ni Diane saka agad na sumunod sa kaibigan.

Naupo sa sofa si Celyn at saka kumain ng pandesal, napapa-ngiti pa ito sa bawat kagat ng pandesal.

"Hoy bruha, hindi ka model ng pandesal. Pangiti-ngiti ka pa diyan, mukha kang baliw." prangkang sabi nito.

"Anong pinagsasabi mo diyan, nag-almusal ka na ba?" tanong pa ni Celyn.

"Wow, bait ahh. Nakakapanibago naman, yan ba nagagawa ng love life?" pagkasabi nito ay agad siyang binato ng unan ni Celyn.

"Love life ka diyan! Masaya lang ako.."

"At bakit ka naman masaya??"

"Bakit, bawal ba?" pilosopong tanong ni Celyn.

"Ay nako, ewan. Ang weird mo ngayon."

"Bakit ka ba nandito?" sa halip ay tanong ni Celyn.

"Gaga ka ba? Sabi mo, pumunta ako dito dahil may sasabihan ka sakin. Sabi mo pa, kailangan mo ng opinyon ko kaya gusto mong personal mo akong maka-usap." paliwanag ng dalaga. "Ano ba kasi ang pag-uusapan natin? Maaga akong nagpunta dito kasi mamaya start na ako sa bago kong trabaho." dagdag pa ni Diane.

"Ahh pasensya ka na. Sorry kung pre-occupied ang isip ko ngayon. Si Mikko kasi____"

"Si Mikko ??"

"Oo, nagpunta siya dito kanina."

"Nasabi mo na kanina, paulit-ulit ?"

"Ikukwento ko pa ba?" mataray nitong tanong.

"Tapos, anong sabi niya?"

"Kinukuha niya ako bilang consultant at accountant para sa itatayo niyang restaurant sa maynila."

"I_____ikaw ?" nanlalaki pa ang mata nito.

"OA mo !"

"Natural lang na ganito ang reaksyon ko, Celyn. Nakakapagtaka kasi na sa lahat ng pwede niyang kuhaning empleyado, bakit ikaw pa na mortal enemy nya?"

"Sabagay, ganyan din naman ang reaksyon ko noong una.. Pero sabi nga niya, kalimutan ko na daw yung away namin noon. Bata pa daw kami noon at wala na daw yun sa kanya." paliwanag ni Celyn.

"So, start na ba yan ng friendship nyo??"

"Well, I hope so.." sambit ni Celyn.

"Anong desisyon mo ngayon, tatanggapin mo ba yung trabaho?" usisa ni Diane.

"Pag-iisipan ko pa. Sa tingin mo, tanggapin ko kaya?"

"Tigilan mo nga ako, Celyn. Obvious naman na gusto mo, ehh."

"Talaga bang obvious ako?" kinakabahang tanong nito.

"Well, hindi naman. Magaling ka kasi magtago ng totoong nararamdaman mo pero dahil kaibigan mo ako, hindi mo ako maloloko."

Maniwala Ka, Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon