MKMK-6

123 9 2
                                    

"Inay , ayos lang po ba ang gayak ko?" tanong no Celyn sa Inay nya.

Naka-white polo shirt ito, maong na pantalon at flat shoes. Alam niyang maganda siyang magdala ng damit, kaya kahit ano ang isuot niya ay lulutang pa din ang ganda niya. Subalit kinakabahan pa rin sya dahil first time niyang makakasama ang binata.

"Oo naman, anak. Palagi ka namang maganda kaya kahit anong isuot mo, tiyak na bagay sayo." puri pa ng Inay niya.

"Syempre, mana sayo." sambit pa ni Celyn sabay kindat sa Inay niya.

"Balitaan mo nalang ako sa usapan ninyo mamaya, ah."

"Syempre naman po." sambit ni Celyn habang itinatali ang buhok.

Naupo muna siya at nanood ng tv habang hinihintay si Mikko. Ilang minuto lang ay may bumusina sa tapat ng bahay nila.

"Si Mikko na po ata yun, Inay. Salubungin ko na po siya, alis na po ako." sambit ng dalaga sabay halik sa Inay niya at bitbit ng bag nya.

"Sige, ingat kayo." tugon nito.

Lumabas si Celyn para salubungin si Mikko, natigilan siya nang makita ang binata.

Naka-long sleeve na puti, maong ng pantalon, converse na sapatos at naka-shades pa,

Napaka-cool ng dating nito.

Tinanggal nito ang shades nang makita si Celyn.

"Hi, good morning." bati ni Mikko sa dalaga.

"G__good morning din, pano tara na?" sambit ni Celyn.

Agad namang binuksan ni Mikko ang pintuan ng kotse para kay Celyn. Sumakay naman agad ang dalaga, sumambulat sa kanya ang lamig ng aircon at ang mabangong amoy nito.

Pasakay palang ang binata nang biglang bumukas ang pintuan ng bahay nila, isinuka nito ang Inay niya.

"Anak, nakalimutan mo ang panyo mo." sambit ng Inay niya.

Bababa pa lamang siya ng sasakyan pero sumenyas si Mikko na sya nalang ang kukuha.

Lumapit si Mikko sa Inay niya at magalang na bumati ang nagmano pa. Nakita naman niyang napangiti ang Inay niya bago nito ini-abot ang panyo niya sa binata.

"Alis na po kami." paalam pa nito.

Sumakay na ng kotse si Mikko at ini-abot sa kanya ang panyo niya.

"Thanks!" sambit ni Celyn saka kinuha ang panyo niya.

Kumaway pa si Mikko sa Inay niya bago nito tuluyang paandarin ang sasakyan.

Tahimik lang sila habang nagbyahe kaya naisip ng binata na patugtugin ang stereo.

Now playing: KUNG AKIN ANG MUNDO
By: Erik Santos

kung ako ang may-ari ng mundo,
ibibigay lahat ng gusto mo,
araw-araw pasisikatin ang araw,
buwan-buwan pabibilungin ko ang buwan,
para sayo, para sayo,

Chorus na nang mapakanta si Celyn, mahina lang pero sapat na para marinig iyon ng binata.

susungkitin mga bituin para lang makahiling,
na sanay maging akin,
puso mo at damdamin,
kung pwede lang, kung kaya lang,
kung akin ang mundo,
ang lahat ng ito'y iaalay ko sayo,

"Kumakanta ka pala." banggit ni Mikko.

Agad namang natigilan si Celyn, nahihiya siyang malaman na napakanta na pala siya sa harap mismo ng binata.

Maniwala Ka, Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon