MKMK-8

107 9 1
                                    

"Anak, nariyan na si Mikko." sambit ng Inay niya.

"Opo, nariyan na po." tugon ni Celyn na nagmamadaling bumaba ng hagdan.

"Kung bakit ba kasi kay aga mo ng nagising tinanghali ka pa din?"

"Hindi ko po kasi alam kung anong isusuot ko, mahirap na po baka mapintasan ako." sambit pa ng dalaga at nagmamadaling tinungo ang pintuan.

"Teka, hindi ka muna ba iinom manlang ng kape?"

"Hindi na po, baka naiinip na si Mikko." tugon pa nito sa tuluyan ng umalis.

Naiiling at nangingiting tinanaw ni Anita ang papaalis na anak. Boto siya kay Mikko para sa anak niya, subalit ayaw niyang pangunahan ang mga ito.

"Hi, good morning." bati ni Celyn.

Pansin niyang humagod ang tingin nito sa kabuuan niya.

"Good morning. You look good." bati nito. "Tara na, baka matraffic pa tayo, ehh." dagdag pa ni Mikko saka siya pinagbuksan ng pintuan.

Kaagad namang sumakay si Celyn. Pagpasok ni Mikko ay muli niyang naamoy ang mabangong perfume nito na parang hinahanap-hanap ng pang-amoy niya.

"Celyn, kumain ka na ba?" tanong ni Mikko.

"Ha?" napadilat si Celyn nang marinig ang boses ng binata.

"Bago tayo pumunta ng office, kumain muna tayo ahh." dagdag pa nito.

"Ah, sige." tugon niya. Gutom din naman siya kaya hindi niya binalak na tumanggi.

Nang makarating sila ng restaurant ay sabay silang nag-almusal ni Mikko.

"Try this, masarap ang pancake namin dito." sambit ni Mikko.

"Tama ka, masarap nga." nakangiting sabi ni Celyn.

**

"Uy, selos si Dj." pang-aasar ni Shanice nang makita ang tingin ni Dj sa dalawang kumakain.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" maang-maangan na tanong ni Dj.

"Wala. Hehehehehe.." sambit pa ni Shanice.

"Wala ka na naman magawa, no?" tanong pa ni Dj.

Hindi na sumagot si Shanice at nagpatuloy sa pagpupunas ng mga lamesa.

--

"Nga pala, sino ang nagbubukas ng restaurant everyday? Nung dumating kasi tayo, bukas na ito ehh." tanong pa ni Celyn.

"Noong una, ako. Pero dahil nariyan naman si Shanice, sa kanya ko na hinabilin. Malapit lang ang bahay nila dito, kaya palagi siyang maaga kung pumasok. Isa pa tiwala ako sa kanya dahil hindi naman siya iba sa'kin. Siya pala yung inaanak ni Papa, naconfirm ko lang iyon nung ini-scan ko ang mga resume nila. By the way, Si Mang Romel, yung guard natin hindi mo ba natatandaan? Siya yung guard natin sa school noong elem, natira lang siya dito dahil taga dito ang napangasawa niya."

"Kaya pala parang nakita ko na siya dati, siya pala yun." sabit pa ni Celyn. "Paano sa office na ako?" pagpapaalam pa nito.

**

Ilang oras pa ang nakalipas, habang busy ang dalaga sa pagchecheck ng tabulations na gagawin niya para sa auditing ay biglang kumatok si Jenny.

"Ma'am Celyn, may naghahanap po sa inyo." sambit pa nito.

Saglit na napa-isip si Celyn, "Sino naman kaya iyon?" sambit niya saka binuksan ang pinto.

"Sino daw siya?" tanong ni Celyn.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maniwala Ka, Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon