2

5 0 0
                                    

"Ito na yun?" Tanong ko sakanya.

"Yes, kakatok nako ah!" Sagot niya sakin.

"Okay"

Kumatok na nga si Yanna at maya maya pa ay pinag buksan na kami ng pinto ni Laurense.

"Hi mader pader!" Pag bati niya sa kapatid niya. Loko loko talaga tong si Yva e!

"Pasok" mahinahong sabi ni Laurense kay Yva.

"Ang moody mo naman!" Sabi ni Yva.

Pumasok na nga siya at sinabihan din ako ni Yva na pumasok kaya pumasok na din ako.

Naka oversize shirt ako na kulay white at naka shorts na black, habang si Yva naman ay naka itim na shirt na may stripes sa gilid at naka pants. Si Laurense naman ay naka Jersey.

"Bakit kayo na papunta dito?" Tanong samin ni Laurense.

"Masama ba?" Tanong din ni Yva.

"May Basketball training ako sa court e" Sagot naman ni Laurense.

"Okay, pake?"

"Aba!"

"Ka din"

"Hays" Napa buntong hininga nalang si Laurense at nag simulang mag salita muli. "Okay lang ba na iwanan ko muna kayo dito?" "Mga 12 nako makakauwi, ok lang sainyo?"

"Oo" sabi ni Yva.

"E sa kaibigan mo?" Tanong n'ya kay Yva.

"Oo, ok lang ako dito. Kasama ko naman si Yva e" mahinang sabi ko sakanya.

"Ehem" kunyaring ubo naman ni Yva.

"Ano?" Tanong ni Laurense.

"Wala, alis kana. Good luck sana mapilay ka!" Sabi naman ni Yva sakanya.

"Ok" Sagot naman n'ya sa kapatid niya.

Wow, hindi niya pinapatulan si Yva! Kung ako yan hinampas ko na yang babaitang yan e! Buti na kakaya niyang kayanin si Yva the Explorer, joke.

Umalis na nga si Laurense at natira kami ni Yva sa bahay niya. Tinitignan ko ang buong bahay at nakita kong malinis ito at ang may dalawang kwarto sa gilid. May cr naman sa tabi ng kusina at ang ganda pa ng view sa labas ah! May balcony pa!! Ang laki ng condo niya.

"Ano kaya mga pagkain niya dito?" Biglang sabi ni Yva habang nasa tapat siya ng Ref.

"Nandyan kana pala!" Gulat kong sabi sakanya. Ba naman kasi akala ko nasa tabi ko pa siya eh!

"May Martis oh!" Sabi niya na mukang nanalo pa siya sa Lotto.

"Hindi ba magagalit kapatid mo kapag kinain mo yan?" Tanong ko sakanya.

"Hindi yan!" Confident na sagot niya sakin.

"If he get's angry to you, it's none of my business na" sabi ko sakanya habang ang mga kamay ko ay nasa taas ng tyan ko at naka pormang pa krus ito.

"Ay wow english!" Sabi niya sakin habang natawa at binubuksan ang martis.

Naka tingin ako sa mga bintana at tinitignan kung gano kaganda ang view sa condo niya. Maganda din naman view nung samin pero mas maganda yung sakanya.

"Gusto mo?" Biglang punta sakin ni Yva at inaalok ako ng Martis.

"Thank you" sabi ko habang nakuha ng isang piraso ng Martis.

Makalipas ang ilang minuto ay nag balak na'kong mag bukas ng phone ko at mag bukas ng face book para maki sagap ng chismis. Nakita ko din na 10 na pala. Habang nag titingin ako ng mga post sa face book ay bigla akong inantok.

Blinded by LoveWhere stories live. Discover now