7

4 0 0
                                    

"Dito nalang po" sabi ko sa driver.


Nilagay ni Kuya ang sasakyan sa gilid at saka kami bumaba.


Ibibigay ko na sana ang bayad kay Kuya ng biglang inabot ni Laurense ang bayad sa driver at nag pasalamat ang driver. Nginitian naman ito ni Laurense at maya maya pa ay umalis na din ang driver.


"Dapat ako magbabayad e" sabi ko kay Laurense.


"Ako na nag bayad e" pilosopo na sabi niya.


Inirapan ko nalang siya at saka pumunta sa tabi ni Yva.


"Nasa galaan na naman ang bruha!" sabi ni Yva habang nag naka tingin sa cellphone niya at nag lalakad.


Tinignan ko naman ang cellphone niya at nakita kung si Nics tinutukoy ni Yva.


"Lagi naman nasa galaan yan ah" sagot ko sakanya.


"Hindi nag aaya" sagot ni Yva at saka tumawa.


Tumawa nalang din ako at saka tinignan si Laurense.


"Oh bat ka nakatingin sa akin? ang pogi ko noh" biglang tingin sa akin ni Laurense. 


"Feelingero" sagot ko sakaniya.


"Eh bakit ka nakatingin? May dumi ba?" bigla niyang kinuha ang phone niya at tinignan sa screen kung may dumi. "Wala naman ah" at bigla siyang tumingin saakin.


Tumawa ako sa kanya. 


"Bakit ka naman natatawa?" Tanong niya sa akin.


"Wala, masama bang tignan ka ng walang malisya o kung ano sa mukha mo?" tanong ko din sakanya.


"H-hindi naman" sagot niya. Bigla siyang napa tingin sa ibang direksyon at tinakpan ang mukha niya.


"May tao pa dito, hinay hinay lang" singit ni Yva saamin.


"Hindi ka tao, hayop ka" sagot ko sa kanya.


"Ang sama mo naman!" at biglang hampas niya sa akin.


Tumawa lang ako at kita kung tumatawa din si Laurense.


Maya maya pa ay nandito na kami sa tapat building kung saan kami nakatira ni Yva.


Nag paalam na kami kay Laurense at pumasok na sa building. Si Laurense naman ay dumeretso na papunta din sa building niya.


"Gusto mo ba kapatid ko?" tanong ni Yva sa akin.


"Hindi ko alam" sagot ko. 


Napa isip din ako sa tanong ni Yva. Ewan ko kung bakit.


Tumigil kami sa pag lalakad. Nasa tapat na kami ng pinto namin at gusto ko na sana itong buksan pero tinakpan naman ito ni Yva.


Tinaas niya ang isang kilay niya at iniintay ang sagot ko. Parang may hinihintay pa siya na sagot ko na hindi ko alam. 


"Siguro" sagot ko. Alam ko na iyon ang gusto niyang marinig.


"That's a 50-50 yes and no. So tell me your exact feelings to my brother" sabi ni Yva saakin.


"Well, maybe yes? I really don't know. I wanna know more about him first" sinabayan ko siya sa english. At saka binuksan na ang pinto at dumeretso sa sofa.


"You should have told me right away! Alam mo namang kapatid ko siya eh!" umupo siya sa tabi ko at tinignan ako.


"Gusto ko siya mag sasabi, like kaming dalawa yung mag sasabi ng own thoughts ganun" sagot ko naman sakanya.


Blinded by LoveWhere stories live. Discover now